.:. Announcement .:.

To All Cluster Heads

PGMA's Speech during the Gawad Kalinga Celebration of Filipino Heroism (Gawad Kalinga Congress 2005)

Youth volunteers provide muscle works for Kalinga housing project

Free 3 Slots for Email Forwarding

________________________________________________

.:. To All Cluster Heads Of North Sector .:.

  top▲

Calling all the Cluster Heads of North Sector, Please send us your cluster's photos, infos and anything that you would like us to put on your page. Send us also your suggestions to make our site more beautiful! Just send it at yfcdvonorth@yahoo.com! Thanks and God Bless!!!

________________________________________________

.:. PGMA's Speech during the Gawad Kalinga Celebration of Filipino Heroism (Gawad Kalinga Congress 2005) .:.

  top▲

Maraming salamat Mari. Ang galing-galing mong magsalita. Lahat ng Singles for Christ ang galing-galing 'no kasi palagay ko ang Panginoon nagsasalita sa pamamagitan nila.

Ating mga leader ng Couples for Christ at Gawad Kalinga: si Frank at saka si Gerry, si Tony; mga kasamahan ko sa gobyerno na naging kabalikat ng Gawad Kalinga; mga Cabinet members; mga local government executives; mga NGOs kagaya ni Cito Lorenzo, dating Cabinet member na namamahala sa productivity. siya ang adviser, siya ang nagturo ng productivity para magkaroon ng "food for the hungry," yung meron nang "homes for the homeless" and "land for the landless."

Salamat na narito tayong lahat ngayon. Salamat na narito kayo ngayon. Limang libo kayo dito. Limang libong nagtatayo ng bagong bahay, bagong buhay, bagong bayan. Kayo ang tunay na people power. Ang tunay na people power ay yung gustong magtayo, hindi yung gustong magbagsak. At talaga namang masasabi kong bunga ng people power ang Gawad Kalinga.

Ang Couples for Christ ay isa sa pinakamabisang mga sektor ng civil society na nandoon sa Edsa Dos, 2001. Naalala ko nung 2002, magkakaron ng anibersaryo yung Edsa Dos, sabi ko imbes na tayo ay magkakaroon ng malaking rally muli doon sa Edsa Shrine gawin nating apatnapung araw nang pakikipag-ugnay muli doon sa mga iba't-ibang grupo na pumunta sa Edsa Dos. Forty days starting from January 16, yung first day ng Edsa Dos and ending February 25, yung last day ng Edsa One. Sabi ko sa mga kasamahan ko gawin nating pagkakataon makipag-ugnay muli sa iba't-ibang grupo. Isa nga doon sa grupo na inimbita na makipagkwentuhan, makipagpalitan ng mga ideya ng mga apatnapung araw na yon ay yung Couples for Christ.

Naalala ko pa nag-lunch tayo, di ba Gerry, Fank doon sa isang yung library? At pinakita ng Couples itong Gawad Kalinga, yung binhi pa lamang noon ng Gawad Kalinga. Pinakita nila yung isang daang bahay na natayo na nila sa Gawad Kalinga at inimbita ako na pumunta sa susunod na proyekto kung saan makikita ko kung papaano sabay-sabay nila yung build na sinasabi natin, sabay-sabay nilang tinatayo yung Gawad Kalinga.

Naalala ko doon sa DSWD gumagawa tayo ng mga bahay na thirty thousand. So sabi ko, kaya ng thirty thousand. Kaya ng thirty thousand, makikita n'yo yon. Kaya sumama ako sa Dumaguete at nakita ko yung tinatayo nila. Sumama rin ako, nagtayo rin ako ng bahay. Thirty thousand ang halaga pa noon. Kaya sabi ko programa ko pa naman yung land for the landless, home for the homeless. Gawa nung panahon ng tatay ko ang pangunahing proyekto niya ay land reform, land for the landless. Sabi ko land for the landless dagdagan ng home for the homeless, housing for the poor. Eto pala ang susi dahil yung ibang mga bahay na tinatayo two hundred thousand, one hundred thousand. Ito thirty thousand. So, sabi ko dito pala dapat pumupunta yung konting salapi ng pamahalaan para sa pabahay.

Kaya sa aking malaking paghahanga sa nakita ko yung build na yon, pumunta ako sa entablado at sinabi ko meron na kayong 100 houses. Gusto ko maging 1,000 houses ito kaya nag-contribute ang pamahalaan ng 30 million pesos. So from 100 to 1,000, June, nagkaroon ng build sabay-sabay sa buong Pilipinas, iba't-ibang lugar nagtayo ng isang libong bahay, mga Youth for Christ, mga Singles for Christ, mga Couples for Christ. Wala pa noon yung Kids for Christ. Salamat kasama na kayo ngayon. Hindi ba, hindi pa kasama yung Kids for Christ nung June na yon nung 2002? At nakita ng buong Pilipinas at ng buong mundo yung araw na yon nung sabay-sabay natayo ang isang libong tahanan, tuloy ang nangyari nagkaroon ng tsunami. Tsunami ng kontribusyon at kabalikat ng Gawad Kalinga at ngayon pwede nang mag-ambisyon ng 777 -- seven hundred thousand houses in 7,000 communities in seven years mula nung 2003. Kaya hanggang 2010 sabay tayong magtatapos ng ating proyekto.

Kaya ngayon eto na ang parang naging sukat ng pabahay. Of course, tumaas ang presyo ng mga bilihin sa buong mundo, naging 50 thousand... At gumanda naman ang standards pati, gumanda ang mga design, 50,000 na ngayon. Besides mas madali magbilang ng 50,000 kesa 30,000. Di ba, yung sukli? So, grabe ang mga kabalikat na pumunta at nagpresenta ng mga sarili.

At ngayon itong ating pagtatayo hindi lamang dumami, pati gobyerno ngayon yan na parati ang model. Okay yung mga 200,000 pwede yung mga... Para sa mga lower-middle class pero yung mga mahihirap nung araw na-shut off sa ating low-cost housing dahil noon bakit akala hindi viable kung less than 200,000, kayang-kaya pala. Kahit na 50,000 basta kasama ang puso sa puhunan.

Yung kinuwento ni Nonong Cruz, two billion ang ating pagkabalikat sa mga bagong tahanan nang nawalaan nung ating apat na malalaking bagyo. Yung mga kawal na ngayon dahil nagkaroon tayo nitong paraan na magtayo ng tahanang kaya nila, abot-kaya, gobyerno magka-counterpart ng lupa sa ating napakaraming mga military camps. Pagkatapos ng kawal, Nonong, yang mga military camps na yan kung meron pang lugar, palagay ko meron pa, buksan na rin natin sa ibang mga civilian employees ng Philippine goverment. Sabi ni Nonong two billion para sa mga biktima ng kalamidad: one billion galing sa mga kaibigan, kabalikat ng Gawad Kalinga; one billion galing sa pamahalaang Pilipinas.

Bakit tayo nakakalakas ng loob na mangako ng isang bilyon? Nung araw hindi natin makakaya yon. Yung 30 million na binigay ko hirap na hirap pa yon. Pero ngayon nakakapangako tayo ng hindi lang 300 million, one billion. Bakit? Kasi kayo rin mga Couples, mga local government officials sinuportahan n'yo ako na buwagin na yung dating sistemang utang lahat para sa kaunlaran, sa wakas magkaroon ng buwis para sa ating kasarinlan yung Phase One ng ating economic reforms. Parati kong kinukwento land for the landless, home for the homeless, food for the hungry.

Ang ating bansa bago natin ginawa itong phase one reforms para bang isang pamilya na walang sapat na kita para sa kanilang pangangailangan. Para bang isang household na may sariling negosyo sa bahay. May maliit na home industry. Ang kita buwan-buwan 700 -- three hundred binabayad sa sari-sari store dahil yung pagkain ay parating inuutang; two hundred fifty binabayad doon sa isang assistant na gumagawa ng kanyang food processing; yung one hundred fifty tinutulungan yung magulang sa probinsya na maysakit. Eh di 700 na yon. Saan manggagaling yung pagandahin ang bahay? Dagdag na pagkain? Utang na naman sa sari-sari store. Eh di lalaki tuloy yung 300 buwan-buwan na binabayad sa sari-sari store.

Yon ang nangyari sa ating bansa. Seven hundred billion noon ang ating buwis. Three hundred billion pumupunta sa pagbayad at interes ng utang, ng minanang utang. Two hundred fifty pumupunta sa sweldo. One hundred fifty pumupunta sa local government unit. Eh di seven hundred billion na yon. Saan hahanap ng pera para sa housing? Saan hahanap ng puhunan para magbukas ng lupa para sa agri-business? Utang na naman. At kung utang na naman eh di yung 300 debt service lalaki pa. Saan natin kukunin? Sa sweldo? Sa ira? O hindi bayaran yung utang? Eh di nag-argentina tayo. Kaya we had to do a drastic surgery. Salamat sa inyo. Salamat kay Congressman Zialcita at mga kasamahan sa kongreso, they gave me 100 billion pesos in new taxes. Thank you, congressman.

Kaya sa dumarating na 100 billion maluwang ang loob ni Nonong Cruz na mangako ng isang bilyon para sa Gawad Kalinga ng calamity victim.

Pero siyempre hindi popular ang humingi ng bagong buwis. Kaya ako ay nagdudusa ngayon dahil sa aking mga hiningi sa kongreso. Dagdag pa yung pagtaas ng presyo ng langis sa labas ng Pilipinas na hindi naman ng lahat naiintindihan na imported yung inflation na yon. Kaya sabi ng mga kalaban, sabi ng mga gustong mag-take over, eto ang panahon, si Gloria mahuhulog na yan. Tirahin na natin ng husto. Itapon na natin lahat sa kanya pati yung kitchen sink. Pero yung kitchen sink ay dapat nandoon sa home for the homeless. Hindi itapon para itong gobyernong tinulungan ninyo sa Edsa Dos, tinulungan ninyo sa halalan at mga NGO natin, NAMFREL, foreign observers, 100 foreign observers, mga embahada ng ibang bansa sinabi, ito ang tunay na halal na gobyerno, na pamahalaan.

Salamat sa inyo, Gawad Kalinga, sa inyong pananampalataya sa ating administrasyon. Kayo ang isa sa pinakamagandang good news ng ating pagkabalikat. At dahil kasama Couples, Singles, Youth, Kids, meron na tayong kinabukasan. Land for the landless, home for the homeless, food for the hungry and tomorrow for our future.

Maraming salamat sa inyong lahat.

________________________________________________

.:. Youth volunteers provide muscle works for Kalinga housing project .:.

  top▲


CALABANGA, CAMARINES SUR (5 April) -— Two hundred youth volunteers coming from Luzon, Visayas and Mindanao will be staying for a 6-day bayanihan work at the Gawad Kalinga Housing Project located at Barangay Sta. Cruz this town.

The youth volunteers, mostly belonging to the Youth for Christ Movement and member-volunteers of Gawad Kalinga are billeted at Calabanga CSSAC Campus from April 1 until April 6 to help in the construction of the housing units within the 4.6 hectare lot in said barangay.

Town mayor Evelyn Yu said that 32 housing units had been initially built by the local government unit (LGU) with the help of the beneficiaries and other agencies. “With initial funds coming from partner/donors based in Texas and Southern California, the Gawad Kalinga Village is slowly shaping up. The remaining units are expected to be finished before the end of June 2005.”

The free housing units are intended for distribution to 200 indigent beneficiaries as part of the mission of the Couples for Christ of building home for homeless families who can not afford to own a decent dwelling place owing to poverty. The project site was donated by Engineer and Mrs. Honesto Tria, both from Camarines Sur who are now based in the United States.

Similar projects are expected for implementation in other parts of Camarines Sur, specifically in the town of Siruma. Mayor Sandy Ondis of said town had an initial talk with the Gawad Kalinga coordinators where he expressed his desire to provide the same privilege to his constituents. One hundred housing units are expected to rise at the core shelter site initially planned at Sitio Taligra, Barangay Pamintan.

The Gawad Kalinga housing project at Calabanga is a joint undertaking of the Gawad Kalinga of the Couples for Christ, the local government of Calabanga under the headship of Mayor Evelyn Yu and the Save-a-Tahanan Movement in Calabanga represented by Mrs. Zenaida Bonete. (PIA Cams. Sur)

________________________________________________

.:. Free 3 Slots Available for Email Forwarding .:.

  top▲

Now don't miss this chance to use our websites domain as the domain also of your email. urname@yfcdavaonorth.tk is now possible. This is how it works, you must provide a username and also an existing email account from free email hosting like yahoomail, gmail, hotmail, etc. and when somebody sends an email to urname@yfcdavaonorth.tk automatically the sent email will now be forwarded to your existing email acount from the said free email hosting. Now just send an email to webmaster@yfcdavaonorth.tk and get that 3 slots available for you guys and gals!