![]() |
![]() |
| Surah Al-'Asr : 3 |
|
QUR'AN |
|
قَالَ اللهُ عَزَّ وَ جَلَّ : (( قُلْ إِنَّ الْمَوْتَ الَّذِي تَفِرُّونَ مِنْهُ فَإِنَّهُ مُلَاقِيكُمْ ثُمَّ تُرَدُّونَ إِلَى عَالِمِ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ )) الجمعة : 8 |
|
Sabi ng Allah SWT: “Sabihin mo (O Muhammad!) Katotohanang ang kamatayan na inyong tinatakbuhan ay katotohanan na ito’y sasalubungin kayo. At pagkatapos ay ibabalik kayo sa (Allah) higit na nakakaalam ng ghayb (hindi nakikita) at ng nakikita, at ipapaalam Niya sa inyo ang dati ninyong ginagawa (sa mundo).” |
|
HADITH |
|
عَنْ عَبْدِ اللَّهِ قَالَ : قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ : " عَلَيْكُمْ بِالصِّدْقِ فَإِنَّ الصِّدْقَ يَهْدِي إِلَى الْبِرِّ وَإِنَّ الْبِرَّ يَهْدِي إِلَى الْجَنَّةِ وَمَا يَزَالُ الرَّجُلُ يَصْدُقُ وَيَتَحَرَّى الصِّدْقَ حَتَّى يُكْتَبَ عِنْدَ اللَّهِ صِدِّيقًا." رواه مسلم |
|
Sabi ng Rasulullah SAW: “Obligasyon ninyo ang katapatan, dahil ang katapatan ay naghahatid tungo sa kabutihan, at ang kabutihan ay naghahatid tungo sa Paraiso. At sa patuloy na pagiging tapat ng isang lalake at kanyang layunin ito hanggang sa siya’y itatala sa harapan ng Allah bilang isang labis na matapat." -Muslim |
Riyadh |
Manila |
ANG LIMANG HALIGI NG ISLAM : |
|
ANG IYONG
ORAS |

|
KATAPATAN : Ang isang tunay na Muslim ay nararapat na maging matapat sa kanyang pananalita at mga isinasagawa. At siya rin ay kailangang maging tapat sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa maging Muslim man ito o hindi, maging kapamilya man niya ito o hindi, kakilala man niya o hindi ay nararapat na maging tapat siya sa kanila.. At higit sa lahat ay kailangan niyang maging tapat sa kanyang Panginoong Allah. Dahil alam ng isang tunay na Muslim na ang katapatan niyang ito ang siyang magdadala sa kanya sa tagumpay dito sa mundo at sa Kabilang Buhay. At ito rin ang magdadala sa Kanya papasok ng Paraiso, gaya ng pagkakaalam niya na ang pagiging hindi tapat ang siyang magdadala sa kanya sa kapahamakan at magdadala sa kanya patungong Impiyerno. |