

“Hindi ako katulad ng ex-fiancée
mo na noong malaman
ang lihim mo ay iniwan ka na. Hindi ako katulad niya
dahil mahal na mahal kita kahit ano ka pa. ”
Wala na yatang kasingsungit ang bagong boss ni Josa na si Fernando Anteco. Parati itong nakasimangot, parang galit sa mundo. At natuklasan niya kung bakit—iniwan ito ng fiancée nito at sumama sa iba.
Ngunit habang tumatagal ay nahuhulog ang loob niya sa guwapong binata, kahit pa nga tila ito ang hari ng mga nagme-“menopause.” Natagpuan kasi niyang bagaman ito ay masungit, mabait at reasonable din naman ito. At hindi niya maubos-maisip kung bakit sukat na iniwan ito ng dating nobya.
Isang araw ay nalaman nia kung bakit. Ang sekreto nito ay kanyang natuklasan… at ang “malaki at malamyang” sekretong iyo ang nagpapalubog sa kanyang puso…
“Wala na muling nanulas na salita
sa mga labi nila sapagkat
naghinang na ang mga iyon para sa isang banayad na halik.
Noon niya naunawaan na labis din siyang nangulila sa halik
nitong kulang na lamang ay isumpa niya gabi-gabi.”
Maganda at maaliwalas ang working environment ni Eloise. Masaya siya sa kanyang trabaho. Kasundo niya ang kanyang boss at mga kaopisina. Ngunit ang lahat ng iyon ay nagbago nang dumating si Vaughn—ang ex-boyfriend ng dati niyang ka-org sa eskuwelahan. Isa itong bagong salta na nais maghari-harian sa kanyang teritoryo.
Tila nais nitong ipirata ang kanyang kliyente kaya naman gigil na gigil siya rito. Kailanman ay hindi sila nagkasundo nito. Parati silang nagsasagutan. Mabilis mag-init ang ulo niya rito at mabilis naman itong mapikon sa kanya.
But all that changed one night when she accidentally swallowed a party drug. They made wild, passionate love that night. At nang matanto niya ang nangyari sa knaya, ganoon na lamang ang galit niya kay Vaughn.
Pero bakit kahit wala na siyang tama ay naulit at naulit pang muli ang mainit na tagpo nila?
“I love you. That's what I wanted
to tell you
and I couldn't wait. That's an emergency
case for me. I have to have you.”
Naniniwala si Melba na ang kanyang balat sa puwit ang siyang dahilan kung bakit tila mailap sa kanya ang suwerte. Para bang ang buhay niya ay isang serye ng mga aksidenteng kakatwa at malamang na hindi nangyayari sa ordinaryong tao. Kagaya ng minsang naglilinis siya sa opisina ng amo niyang mainitin ang ulo na si Apollo ay aksidenteng nasaksihan niya itong "in action" kasama ang isang babae. Hindi sinasadyang nakalabit niya ang gatilyo ng air gun nito na siyang naging dahilan kung bakit nabasag ang dambuhalang aquarium nitong naglalaman ng mahal na mahal nitong alagang arowana.
Libu-libo ang naging utang niya rito. Mabuti at hindi siya sinesante nito, bagkus ay ginawa siyang yaya ng pamangkin nito. Wala na sanang problema, kung hindi lamang aksidenteng na-in love siya rito.
Nasaan ba ang suwerte niya?