

"F risking loving agen &
comiting myself once more
wud mean dat I kuld B w/U, so B it."
Naisip ni Tammy na itext ang boyfriend niyang si Gilbert upang tanungin kung bakit siya nito iniwan. She was hoping na baka maibalik pa nila ang kanilang relasyon.
Ngunit ganoon na lamang ang pagkapahiya niya nang malamang she was texting the wrong person.
Si Jaime, ang nakabili ng cellphone ni Gilbert!
Naging textmates sila nang lalaki. Mabait ito kaya naman madaling nahulog ang loob niya rito. At umigting ang damdaming iyon when she finally got to meet him in person.
But then, Gilbert entered the picture again anf wanted her back. Na-confuse siya ngayon kung sino sa dalawa ang mas matimbang sa kanyang puso.
At hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi nanag malaman ang sagot sa katanungang iyon…
"A line doesn’t hav an
end wen u put dots on d edges.
Let wat we hav b lyk d line dat never ends. Let’s not
put dots on it & kip it dis way 4ever. Ü"
Cynical, brutally frank at dark ang humor ni Ave. iritado siya sa lahat ng kamartiran, kabaduyan at kakornihan sa buhay, lalo na sa text messaging.
Ngunit nang magkaroon siya ng mysterious texter na nagpakilalang si “M,” biglang nag-iba ang ikot ng kanyang mundo.
Tila may kung ano itong nakanti sa kanyang damdamin. Lalo na nang matuklasan niya na super-sweet ito. Kinikilig siya kapag sinasabihan siya nito ng “I love you” sa text kahit hindi pa niya ito nakikita.
At ngayon ay heto siya at nagpapakabaduy na rin!
"Alam ko naman we’d hav
2 meet even2aly.
I just cnt hlp but feel scared. U mean so
much 2 me, Lai, & I dnt wnt to lose u."
Laking tuwa ni Lai nang ma-meet niya ang textmate niyang si Zach. Taglay nito ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki. Ito rin ang nagbigay buhay sa kanyang dull na schedule at Gawain bilang guro.
He made her feel special. Lalo na nang tulungan siya nitong matupad ang pangarap niyang mai-publish ang kanyang mga tula. Pakiramdam niya ay ito na ang lalaking itinakda sa kanya ng tadhana.
Ngunit isang araw, natuklasan niyang stepbrother pala nito ang pinakamaloko niyang estudyanteng nanganib na ibagsak niya. Bukod pa roon, natuklasan niyang may nobya nap ala ito!
Nagalit siya rito dahil maliwanag na niloko lamang siya nito. Nagging malayo sila sa isa’t isa.
Nagpasya siyang kalimutan na ito. At noon naman pumasok sa buhay niya ang isang misteryosong texter na nagpakilalang “Pogi.”
Pogi somewhat reminded her of Zach at nakuha nito ang atensiyon niya. Lalo na’t nahiwagaan siya sa mga mensahe nito.
Lam mo, laki kslnan ko tlga sau, Lai. Bgo ko sbhin, gus2 ko muna mlaman mo n mahal kita.
Sino si Pogi?
"Do u evr recall d day we 1st
met? Our 1st hello?
D day I got to knw u? wel, I do & I wil always
rmmber. 4 dat very day… I knew I’d CHERISH YOU."
Textmate ni Annie si Syn. Sweet, caring, at napapatawa siya nito tuwing depressed siya, kahit sa text lang.
All out ang suporta nito sa knayang pinagtatrabahuhan na interview-hin si Fil—ang lalaking pinag-ukulan niya ng pag-ibig at panahon pitong taon na ang nakalilipas.
Ibang-iba na ito sa dating Fil na nakilala niya. Ito ang tao sa likod ng isang sikat na advertising company at binansagang “most sought-after bachelor in town.” At hindi niya maitatangging kakaibang karisma ang taglay nito ngayon.
She had enough! At wala sa bokabolaryo niyang muling ma-in love dito. She had Syn, anyway. Ngunit bakit hindi niya maamin sa sarili na ganoon pa rin katamis ang halik nito ilang taon man ang lumipas.
Ang ganda ng langit sa gabi, ‘no?
ang daming bi2in…
kaya nga lang minsa, nakkpgod 2mingala… buti n lng,
andyan ka… isang tingin ko lang… langit na.
Hindi naging maganda ang unang pagtatagpo nina Bei at Rod. Paano ba naman, inakala ng binata na siya mismo ang um-order ng isang adult toy na ito mismo ang nag-deliver. Siyempre pa, inis na inis siya dahil sa nakalolokong ngiti nito.
Ang lakas ng loob nito at nagawa pa siyang i-text. Siyempre, ni-reject niya ang pakikipaglapit nito. Pero dumating ang punto na hindi talaga niya ito maiwasan. And worse, pati puso niya ay hindi na rin makaiwas ditto.
Gusto niyang maniwalang mahal din siya ng binata pero nandoon pa rin ang pag-aalinlangan na baka gusto lamang nitong “makaisa” sa kanya.