

Alejandro had always lived like a king—he always got what he wanted, thanks to his good looks and his family’s wealth. For the first time in his life, he thought of making some money of his own. In the middle of his first and very expensive venture, his parents dropped a bomb: he would no longer have access to their money unless he sired a child. He had to find a willing uterus—fast!
Just when he was about to lose hope did he find one. Sampaguita’s.
Hindi ito ang babaeng gusto niya dahil ni hindi niya kilala ito. Isang caddy ito na hindi na nga mahusay sa trabaho ay naninigaw pa. Pero wala na siyang pagpipilian. Nauubusan na siya ng panahon at ito na lamang ang makapagliligtas sa kanya…
Pancho had always treated women as his toys. And he thought Ramona was no different. Nang magsawa na siya rito dahil nagiging clingy na ito ay dinispatsa na niya ito. Akala niya ay doon na magtatapos ang lahat sa kanila. Subalit isa iyong malaking pagkakamali.
He saw her again and she flirted with him. Hantaran nitong sinabing gusto nitong muling may mangyari sa kanila---no strings attached. He was game.
Ang gabi pala ng ligaya na pangako nito ay plano nitong gawing gabi ng lagim sa buhay niya! And he ended up with the worst thing that could ever happen to a man. And the worst thing that could happen to a surgeon like him.
Hinanap niya ito subalit bigla na lamang itong naglahong parang bula. Until one day a little birdie dropped by and told him where she was.
An eye for an eye. Oh, he was out for blood.

Pakiramdam ni Rebecca ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa nang bigyang-pansin siya ni Ido, ang apo ng matandang umampon at tumulong sa kanya at sa kanyang kapatid. At nang magsimula itong manligaw, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa. At hindi siya sanay doon sapagkat bago niya nakilala ang lolo nito ay tindera lamang siya ng isda sa palengke. Sino ang hindi mahuhulog ang loob dito? Guwapo, mayaman, tanyag, at ubod nang bait, iyan ito. Agad niya itong sinagot at nag-propose ito makalipas lang ang saglit na panahon.
Nang kasal na sila ay saka ito nag-iba… At natuklasan niyang may rason pala kung bakit ang isang simpleng tulad niya ay napansin nito. May motibo ito. Ginamit lang siya nito. Kaya naman nagplano siyang gumanti.
Sapagkat si Rebecca dela Cruz ay babaeng kahit minsan ay pa-cute, may angas din ang arrive kung kinakailangan!

Isa lamang ang pakay ni Caridad sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas---ang i-blackmail si Andres upang ibigay nito sa kanya ang perang talaga namang sa kanya. She brought with her the right tool---a CD that would ruin his promising practice.
Subalit nautakan siya ng lalaki. Kalaunan ay siya pa ang nabaligtad. Ipinakulong siya nito! Sobra na ang panlalamang ng lalaki kaya nagpasya siyang huwag itong pabayaang magpasarap gamit ang pera niya. Pilit niyang ipinakargo ang sarili niya rito.
Pero bakit pati ang puso niya ay parang kusa niyang ipinasa rito gayong ito ang kaaway?

Kinailangan ni Genie ng isang boyfriend upang matigil na ang kanyang mga magulang sa karereto sa kanya sa kung kani-kanino. Kailangan naman ng estudyante niyang si Doctor Quentin Sacramento na pumasa sa subject niya. Kaya ayaw man niya ay isinakripisyo niya ang kanyang prinsipyo at ipinagpalit sa passing grade ni Quentin ang pagpapanggap nitong boyfriend niya.
She was not exactly fond of the man. But she had to deal with him. Binabara-bara niya ito parati, at ito naman ay ganoon din sa kanya. Hindi lamang miminsan nitong ipinunto sa kanya na mayroong hindi maganda sa kanyang hitsura. At meintras niyang napapansin na tila hindi ito natutuwa sa kanyang gayak at hitsura ay lalo niyang iginigiit na panindigan iyon.
But one day she found herself trying her best to look good for him. Because she wanted him---the man who kissed her wonderfully---to think she could be pretty somehow…

Matalik na kaibigan ni Herminia si Elvis kahit na ang kanilang estado sa buhay ay magkaibang-magkaiba. Hindi naging hadlang iyon, kahit pa mayroong hindi pagkakaunawaan ang kanilang mga pamilya. Parati siyang naroon para rito, at ganoon din naman ito sa kanya.
Ang hindi nito alam ay lihim siyang umiibig dito. At handa siyang gawin ang lahat para rito, kahit pa nga iba ang babaeng napupusuan nito…

"Please come home with me. You're my wife.
Your place is in our house. Whatever you ask of me, I will do."
Nagsawa na si Pugsie na mamuhay sa hirap kung madali naman siyang magbuhay-reyna basta sa sumunod lang gusto ng kanyang ama na pakasalan ang lalaking napipisil nito para sa kanya. Naisip niyang gusto rin niyang maging magkaroon ng magandang pamilya. In her mind, she thought with enough determination she would be able to hace a wonderful family of her own. And so she decided to marry Salvadore Santiago.
Maayos ang kanilang samahan nong simula. She thought they were doing okay. Subalit nagloko kaagad ito. Sinusugod niya ito at ginugulo ang mundo nito. She told him she would never surrender. She wanted to have a nice family and she would have that no matter what!

He wanted to be a part of Bettina's life
because she was already a part of his.
The day Bettina first met Escobar, he told her she was very beautiful.
Hindi niya inaasahan na ang simpleng pagkakakilala nila ay mauuwi sa
isang makulay na relasyon. Iniibig niya ito. Madaling binago nito ang
takbo ng buhay niya.Maraming bagay ang binago nito sa kanyang paniniwala.
Maraming bagay ang isinakripisyo niya para dito. Ang akala niya ay mahal
din siya nito ngunit hindi pala. At kung kailan kailangang-kailangan
niya ito ay saka siya itinaboy nito palayo.....

Maraming akong pangakong tutuparin ko pa lang ngayon.
I never forget a promise.
So when I vowed to make you happy for all time,
hold on to that promise. I won't ever break it.
Ang Babaeng sinabi ni Escobar na siyang pinakamaganda sa lahat ng nakita
nito ay wala na. Sa tuwing titingin si Bettina sa salamin ay nakikita
niya ang malaking pagbabago sa kanyang mukha. All that was left of the
beautiful Bettina was her soul. Pero parang maging iyon ay unti-unting
sinusubukan ng tadhana.
Sa puntong iyon ng kanyang buhay ay saka muling nagbalik si Escobar,
handang tumulong kahit tila labag na labag iyon sa kalooban nito.

Sa opinyon ni Tonya ay si Doctor Montaner Urosa na ang may pinakamaitim na budhi sa balat ng lupa. Bad trip na bad trip siya rito. Sa tuwing magtatagpo sila ay may hindi magandang pangyayaring naghaganap
At nagulo ang mundo niya nang isang araw ay sinabi na lang bigla ng mga tiyuhin niyang kailangan niyang pakasalan ang lalaki…

Sa kabila ng katotohanang walang makitang maganda si Tonya kay Montaner maliban sa gandang lalaki at yaman nito ay natagpuan niya ang sariling natutuwang kasama ito. Nasakyan niya ang ugali nito. At unti-unti ay nakita niyang may itinatago naman pala itong kabutihan.
Nahulog ang loob niya rito.
Kung kailan palagay na ang loob niya rito ay saka niya hinarap ang isang malaking suliranin---sasabihin ba niya rito na malaya na ito sa kanya o patuloy niya itong paniniwalaing kailangan nitong pakasalan siya?