TERRITORIO de Los HOMBRES [batch 3]

Tiburcio "Rico" Wenceslao

 

sample image

"I'm your slave. I will do whatever
you want, honey."

Nancy had known Tiburcio ever since they were young. At mula pa noon ay kalaban na niya ito sa pulitika sa eskuwelahan. Hanggang sa kapwa na sila maging matagumpay na abogado at nabilang sa magkalabang partido sa pulitika. At dahil sa tingin ng partido niya ay wala siyang panalo kung lalabanan niya ito bilang kongresista, napilitan siyang tumakbo na lamang bilang vice governor.

She hated his stinking guts. Not only because he became what she wanted to be but also because once upon a time they dated. And they had sex. And then he avoided her. All of that happened before her makeover.

Now that she was fabulous, he started to flirt with her again. What a jerk! Ang kaso, bakit kapag hahagkan siya nito ay bumibigay siya?

Sa magulong mundo ng pulitika, may lulugaran ba sila? Or was the space so crammed up the only thing they could fit in it was a couple of French kisses and absolutely nothings else?

 

 

George Gorespe

 

sample image

"Kung papayagan mo ako, liligawan kita
hanggang matutuhan mo akong mahalin.
I swear to you I can make you fall for me."

It was Courage's eighteenth birthday when she gave herself to then twenty-year-old George Gorospe. That night, their twins were conceived. Nagpakasal sila. Pero dahil mga bata pa sila, tila palagi na lang wala silang magawang tama. They decided to end the relationship before they lost their respect for each other.

Magkahiwalay man ay nagawa nilang palakihin nang maayos ang kambal nila. May kanya-kanya silang buhay na bagaman nagtatagpo ay malayo na isa't-isa. George was now a congressman, dating a beauty titlist, while she was never able to get into any romantic relationship whith any guy after him.

But no, she was not in love with him, that was what she always told herself. For she knew there never was a time when he loved her. Kaya bakit makalipas ang mahabang panahon ay bigla na lamang itong magagalit ngayon at inaakusahan siyang hindi nagiging mabuting ina... dahil lamang inaakala nitong may bago siyang nobyo?

 

 

 

Fabian Poblete

 

sample image

"Just between you and me, I've never
been this excited to kiss a woman before."

Dala ng pagkakasamaan nila ng loob ng kanyang ama ay nagbakasyon si Bonita sa probinsiya ng kanyang lolo. Doon ay nakilala niya si Fabian Poblete, ang congressman na suki sa barberya ng kanyang lolo. Unang pagkikita pa lamang nila ay hindi na siya natutuwa rito. Hindi rin naman ito natuwa sa kanya sapagkat na-murder niya ang buhok nitong kung itrato nito ay tila ginto.

Tuwing makikita siya nito ay parati siyang pinagagalitan nito na animo ay may karapatan itong gawin iyon.

Ngunit ang inis niya ay unti-unting napapalitan ng kilig. Hindi dapat mangyari iyon sapagkat magkalayung-magkalayo ang mga mundo nila... Siya ay isang babaeng barbero na pilit pinapakasal ng kanyang ama sa isang manliligaw niya... Habang ito naman ay isang mahusay na abogado at pulitiko, mayaman at sikat. Saan lulugar ang kilig niya?

 

 

Macario Agoncillo

 

sample image

"Funny how you said you don't like me
when you stare at me like you desire me."

"You really want me to name my price? I told you, you couldn't afford me," pagpatol ni inday sa pang-iinsulto ni Mac.

"Just try me."

"A wedding ring."

Natigilan ito; nang makabawi ay tumawa ito nang malakas. "You're right, I cannot afford you. Honey, you're way over yourself.. Let's start with a hundred grand. How about that?"

"Get out."

"Two hundred?"

Naglakad na siya patungo sa pinto at binuksan iyon. "Out."

He didn't look bothered at all, he was even grinning. Lumapit ito sa kanya. Pumaikot ang braso nito sa kanyang baywang. at hinila siya palapit dito.

Nanuot sa kanyang ilong ang mabangong amoy nito. She tried to push him away but he wouldn't budge. And just like that, he kissed her. And she guessed it would be very hard, if not impossible, for her to figure out why she found herself responding to him like the passionate woman she never thought she was.

 

 

Renato "Atom" Viray

 

sample image

"You're breaking my heart telling me
I don't love you. Because I do. I love
you so damn much I am willing to hang
onto this. I'm never gonna let go."

Ayaw pumayag ng damdamin ni frida na magsimula at matapos ang ugnayan nila ni Atom sa isang lasing na gabi sa buhay nila kahit iyon lamang ang nais nito. He was scared of her brother, who was one of his best friends.

She did her best to make him hers... and for a while, he became hers. Kahit parang pugante silang nagtatagpo sa kapatid niya ay kontento na rin siya roon sa pag-asang ito ang unang hindi makakatiis sa sitwasyon. Ngunit hindi iyon ang nangyari. He said good-bye, for real this time.

Until came one crazy night when something happened to them again and she ended up getting pregnant. And he ended up offering marriage. Paanong hindi mangyayari ang ganoon gayong sa harap ng kapatid niya ipinagtapat nito ang lahat?

 

Jacinto "JG" Gerano 1

 

sample image

"Gusto ko lang marinig na hindi mo
ako ipagpapalit. Kahit kanino."

Muling pinagtagpo ng pagkakataon sina Bining at Jacinto. Kapwa napakalayo na ng kanilang narating. Jacinto was now a cabinet-level official. Bining was now Mrs. Yakanura, wife of a powerful businessman.

Naiba man si Bining ay may hindi nabago sa kanya - ang abot-langit na pagmamahal para sa dating kasintahang si Jacinto, ang kanyang Intoy. Ngunit sa parte ni Jacinto, malayo man ang narating nito, may natirang bagay sa puso nito mula sa nakalipas - ang galit para kay Bining.

 

 

 

Jacinto "JG" Gerano 2

 

sample image

"I would love you even if you get so big
that you would need a forklift to be
able to straddle me."

Ayaw nang pakinggan ni Bining ang tawag ng konsensiya. For so long, she had dreamed of being in Intoy's loving arms again. She stepped on forbidden territory with him... Was the love he said he never lost for her real? Was it worth sacrificing everything for... again?

 

 

Copyright © 2008 - Designed by Tri Vuong