TERRITORIO de Los HOMBRES [batch 2]

Rodrigo Ambrosia

 

sample image

"Hindi kita puwedeng gawing kaibigan
lang. I want you as my wife."

Dominique's father believed it was his duty to find her a husband because she couldn't do it in her own. All her life, she lived in seclusion. At dahil hindi niya kailanman sinuway ang kanyang ama ay napilitan siyang sumang-ayon nang sabihin nitong pakasalan niya ang lalaking napili nito.

The man was Rodrigo Ambrosia—a millionaire, a rock star, dashing and smooth, isang lalaking kailanman ay hindi mahuhulog ang loob sa kanya. Paano mangyayari iyon gayong hindi nagsisinungaling ang salamin sa tuwing titingin siya roon at makikita niya ang kanyang hitsura?

She had no illusions about her looks or about the way their marriage would go. And she told him that. She made sure he knew she was okay with him seeing other women.

Ngunit gaano katagal na makakaya niyang lokohin ang kanyang sariling bale-wala iyon sa kanya? Na kailanman ay hindi siya maaapektuhan niyon?

 

 

Oscar "Karoy" Regencia

 

sample image

Charis had an on-and-off relationship with Karoy—the man who never even became her exclusive boyfriend. He was gorgeous, he was rich, he was funny; his personality was dazzling and he was good in bed.

Labas-masok ito sa buhay niya sa loob ng ilang taon at hinayaan lang niya ito sapagkat mahal niya ito. Sa tuwing maghahanap siya ng mas malalim na relasyon, mawawala ito, at muli na naming babalik tuwing nais na niyang baguhin ang takbo ng buhay niya o kapag may dumarating na ibang lalaki sa kanyang buhay. At kapag umaasa na naman siyang lalalim kung ano man iyong mayroon sila ay mawawala na naman ito. It was a cycle that she grew tired of. She decided to stay far away from him.

Habang palapit na ang araw ng kanyang pag-alis ay parang ayaw na niyang matuloy iyon. Ngunit bakit hindi niya itutuloy gayong wala naman ito ni isang hakbang na ginawa upang pigilan siya?

 

 

Honesto "One-D" Dizon 1

 

sample image

"You're the most beautiful woman I've ever
known. And the best thing about it is that
you're mine. Akin ka lang. 'Wag mong
kalilimutan 'yan"

Rita met One-D when they were very young, He was a struggling musician. struggling student. stuggling son-- while she was a lazy student, daughter to separated and always busy parents. Biru-biruan lang ang naging nanunuyo nito na pinatulan naman niya. She never thought they'd end up having a very strong relationship that endured different stages of calamities.

She thought they could make it. As long as they had each other nothing could ever break them. But something did. At ngayon, malayung-malayo na sila sa kung ano sila noon.

Mas gusto niya iyong One-D noon na parating kupasin ang damit at ipinanlilibre sa kanya ang food stub sa school-cafeteria nila ngunit mahal na mahal naman siya-- kaysa sa One-D ngayon na sikat at mayaman ngunit galit na galit sa kanya at wala nang ginawa kundi ipamukha sa kanyang ginamit lang siya nito.

 

 

Honesto "One-D" Dizon 2

 

sample image

"You look the way a woman should look like every
morning of her life--perfectly made love to the
night before. From now on, every morning you'd
look that way. I'll make sure of that."

Alam ni Rita na kailangan niyang iwasan si One-D ngunit sa tuwing pupuntahan siya nito ay buong pusong tinatanggap niya ito. Hinsi niya kayang pahindian ang lalaking mahal na mahal pa rin niya sa kabila ng lahat ng ginawa nito sa kanya.

Hanggang sa may mangyari uli sa kanila.

"You can't deny it, Rita, you want me." he declared.

Hindi siya makatingin sa mukha nito. Paano niiya itatanggi iyon? Munting haplos lamang nito ay halos matunaw na siya.

Nais niyang magalit sa kanyang sarili sa nangyari sa kanila ngunit kasabay niyon ay may bahagi sa loob niya ang masayang-masaya na kahit sandali lamang ay nagkasama sila, that they shared the kind of intimacy that couldn't be achieved any other way.

Ngunit hanggang saan siya dadalhin ng damdaminng iyon na higit siyang pinaiiyak kaysa sa siya ay pinasasaya?

 

Esteban Calairo

 

sample image

"Don't be so tough on me, okay? Kaunting under
lang, puwede ba 'yon? Kasi, lahat ng hingin mo
sa akin, magreklamo man ako, gagawin at
gagawin ko pa rin para sa 'yo."

Dahil sa mga tiyuhing pasaway ay walang nagawa si Marita kundi ang bayaran kay Esteban-- isang mayamang binata, guwapo, mabango, ngunit saksakan ng sama ang ugali-- ang utang na hindi kanya. Wala na siyang narinig rito kundi: "Bilisan mo!"

Buwisit na buwisit siya rito. Ngunit minsan ay binigla siya nito sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya bilang kasintahan nito. at mula noon, nagulo na ang kanyang mundo nila. Hanggang sa dumating sa puntong sa halip na "Bilisan mo!" ang sabihin nito, ninais niyang marinig ang mga katagang "Mahal Kita."

Ang kaso, mukhang malabong mangyari iyon. Walang-wala kasi siyang binatbat kung ikokompara sa babaeng mahal nito.

 

Calixto Mascardo

 

sample image

"And the funny thing was, when you told me you're
moving on without me, it scared me more than the
fact that I'm getting married to a woman I don't
even see myself making love with."

Kan-kan wanted no one else but Ali since she was young. Sa tingin niya ay may pagtingin din naman ito sa kanya sapagkat ang bawat kahilingan naman niya ay pinagbibigyan nito. Ngunit sa muling pag-uwi niya ng bansa mula sa matagal na pamamalagi sa Amerika ay labis siyang nasorpesa sa kaalamang handa nang mag-propose ang binata sa iba. He even baked a cake for the woman to set his engagement ring on. Aba, hindi siya makakapayag! She ate the cake and ruined his proposal. At gagawin niya ang lahat upang hindi matuloy iyon.

Ngunit kaya ba niyang tuluyang pigilan ang binata?

 

 

 

Villador Villador

 

sample image

"Kung sasabihin mong hindi mo ako mahal ngayon,
gagawa ako ng paraan para mahalin mo ako.
Dahil maloloko ako kapag hindi ka naging akin."

Kay tagal nang minahal ni Lucinda si Villador ngunit noon pa man, batid na niyang ang kapatid niyang si Liza ang gusto nito. The two got engaged and there was nothing she could do about it. And though it pained her to see Liza didn't really love Villador, she kept quiet. And then one day, Liza came up to her and said:

"Give me twenty-five percent of your stocks in the company and I'll give you V."

 

 

 

Julian Inocentes (A New Love) 1

 

sample image

"Please don't forget the only words you're
allowed to utter tomorrow: 'I do.""

Handa na si Mrs. Barbara Conception-Arania, ang biyuda ng dating Supreme Court justice, na harapin ang mga hombres. She was going to claim what was hers--ang Territotio de los Hombres. She was armed and she was tough as nails. Walang makakapigil sa kanya.

Ngunit hindi niya inaasahan ang isang Julian Inocentes--ang biyudong hombre na galit sa mundo. He was larger than life, rude, arrogant, and gorgeous. And it seemed like all he wanted to do was make sure she knew he hated her guts as he was kissing her and she was losing all conviction to fight that desire he so very easily ignite every time.

 

 

Julian Inocentes (A New Love) 2

 

sample image

She just looked at him. And she realized she really,
really wanted to be with him. And she really, really
wanted him to take care of her. Sapagkat naunawaan
niyang handa siyang alagaan nito sa ganoong paraan.

And so Barbara married Julian to get what she had always wanted. Pero ang mga pangarap pala ay nagbabago. Ang mga pangarap na nakamit niya ay nagbago. Wala na siyang ibang nais ngayon kundi makasundo ang kanyang asawa.

But how can they live together peacefully when she didn't trust him and he didn't trust her? Parati silang nakabantay sa isa't-isa, takot sa maaaring magawa ng isa. At higit sa lahat, walang balak ito na kalimutan ang dating asawa nito.

Nakakapagod pala makipagkompetensiya sa isang alaala. At naisip niyang marahil ay mas mabuti pang tigilan na nila ang larong iyon sapagkat nahuhulaan na niyang sa bandang huli ay walang mananalo sa kanila.

Ngunit kaya ba niyang lumayo rito?

 

 

Copyright © 2008 - Designed by Tri Vuong