

"I
m-miss the way you smell, I miss the way you bring color to my
house, I miss the way you play with the dog, I miss all the
delicious foods you cook... I m-miss you so damn much I think
I'm gonna go out of my mind if I can't be with you again."
Lumaki sa probinsiya si Ida. Doon ay binuo niya ang mga batang pangarap para sa hacienda na kanyang kinagisnan. Ngunit ang lahat ng iyon ay hindi nabigyan-katuparan. Bihag pala siya ng kahapong hindi siya ang gumuhit.
Sa loob ng mahigit isang dekada, maraming hindi nabago sa kanyang buhay, gaano man kasidhi ang damdamin niyang higitan kung ano lamang ang inihain sa kanya ng tadhana.
Ang panahon ay tila inilipad lamang ng hangin. Ang mga tao sa kanyang paligid ay nagbago, may nawala, kakaunti ang nanatili.
Sa loob ng mahigit isang dekada, kabilang sa hindi nagbago ay ang pagmamahal niya kay Carlo, ang nobyo ng kanyang kapatid. Matagal itong nawala, ngunit palagi ring bumabalik. At sa huling pagbabalik nito ay nalaman niyang ikakasal na ito sa kanyang ate...
"When
the hearts wants something,
it coudn't be stopped."
Laki sa isang islang kulang sa kaunlaran si Anita. Sa isla ay naranasan niya ang kalupitan ng tao at ang malamig na galit sa kanya ng kanyang ina; subalit doon din niya natagpuan ang mga tunay na kaibigan, at isang lalaking nagpakilala sa kanya bilang “Luis” na minahal siya at pinawi ang kanyang kalungkutan. Ngunit biglang-bigla ay naglaho si Luis. Pinilit niyang kayanin ang buhay na wala ito, sapagkat wala siyang ibang pagpipiliang gawin.
Hanggang sa dumating ang pagkakataong matuklasan niyang may ubod-rangyang
buhay palang itinakda ang tadhana sa kanya. At sa bago at nakalululang
buhay niya ay nakilala niya si Adam, ang lalaking nangakong papangalagAaan
siya ano man ang mangyari, ang lalaking mayroong mga matang tulad ng
kay Luis...
Ipagkakatiwala ba niya rito ang puso niya?
"I
promise you, I will not
make you cry."
Alicia met Rodrigo when she was sixteen. Hindi niya kaliga ang lalaki. Nagtatrabaho lamang siya bilang kawaksi sa mansiyon ng mga ito habang ito ay marami nang accomplishments sa buhay nito. Kasama na roon ang bilang ng magagandang babaeng balita niyang na-involve dito.
Nangangamba siya tuwing nasa mansiyon ito sapagkat hindi niya alam kung ano ang gusto nito sa kanya.
Dinala siya ng kapalaran niya sa Amerika at muli silang nagkita. Ngayon ay nagtatrabaho na siya sa isang malaking kompanya. Rodrigo was more dashing than before. He asked her to work for him. She took his offer. Hindi niya alam na iyon ang simula ng kabaliwang huhulma sa kapalaran nilang dalawa…