SANDCASTLES

Gabriel Joaquin Zaragosa

 

Binibining Barbero“I’m telling you, Joaquin, it’s all behind us now.
We’ll start something new and something more beautiful.”

Hindi matanggap ni Chinggay ang nangyari sa kanyang pamilya, kaya pilit pa rin siyang nagpapanggap na mayaman siya.

Ang rason niya, hindi naman magtatagal at yayaman uli siya dahil sisiguraduhin niyang mayaman ang mapapangasawa niya. He must possess the three F’s, ang pamantayan niya sa pagpili ng mapapangasawa: face value, flashy car, at fat bank account.

Kaya naman panay ang pakikipag-text niya sa mga rich and eligible bachelors. Kaya lang, panay naman palpak ang mga nakikilala niya.

Hanggang sa Makita niya si Gabriel Joaquin Zaragosa. He possessed all the three F’s. kaya lang…

 

Maria Amor Cipriano

 

waiter, barber, engineer, lover“Kahit ilang ulit mong sabihing binago ka ng panahon,
hindi magbabago ang nararamdaman ko para sa ‘yo,
Amor. Walang makakapaghiwalay sa ating dalawa.”

Sa murang edad ay umusbong ang pag-ibig sa mga puso nina Maria Amor at Kenneth, sa kabila ng pagtutol ng papa ng binatilyo. Mayaman kasi ang pamilya nito.

Ngunit sa halip na itigil ang kanilang relasyon ay ipinagpatuloy nila iyon. Palihim silang nagkikita. Hanggang sa matuklasan ng papa ni Kenneth ang tungkol doon. Pinalayas nito ang buong pamilya ni Amor.

Sumumpa si Amor kay Kenneth na babalikan niya ito pagdating ng araw para ipagpatuloy ang pag-iibigan nila.

Napadpad ang pamilya niya sa Maynila. Gustuhin man niyang balikan si Kenneth ay hindi na niya magagawa. He deserved the best and it wasn’t her.

Ngunit tukso ng tadhana ay muling nagkrus ang kanilang mga landas. Pilit niya itong iniiwasan ngunit lapit naman ito ng lapit sa kanya.

Aminado siya, malapit nang bumugay ang puso niya…

Carlos Cuervo

 

waiter, barber, engineer, lover“How can I not fall in not with you? You are the
sweetest thing that I ever seen. You are the
loveliest, the most beautiful, the most sweetest-
smelling woman in the whole planet.”

Walang alam gawin si Giggles kundi magpaganda at magshopping. Kaya nang mamatay ang daddy niya, sa halip na pamahalaan ang kanilang family-owned construction business, ay ipinagkatiwala niya ito sa isang empleyado nila. Bagay na labis niyang pinagsisihan. Ninakaw nito ang pera ng kompanya.

Blessing in disguise yata ang palagian niyang pagdyi-gym. Doon niya nakilala si Carlitos Cuervo. Para sa kanya, kulang ang salitang “guwapo” para i-describe si Carlitos. He was more than that. Nakipaglapit siya rito, first anf foremost because she liked the man, and second, because she wanted to ask him for financial help.

Noong una ay ubod ito ng suplado, pero kinulit niya ito nang kinulit hanggang sa pansinin din siya nito. Ewan niya kung himala o ano, bigla na lamang itong bumait sa kanya. At niligawan pa siya nito!

When he offered to help her, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Pumirma kaagad siya sa kontrata against sa advice of her trusted friend and lawyer. Tiwalang-tiwala siya kay Carlito.

Iyon pala ay may iba itong pakay…

Isabela Torres

 

“Dati, sabi ko, I will do everything to reach my
dream—na yumaman nga. But you know what?
Now, I’m willing to give up that dream,
everything for you, just to be with you.”

Ang tanging nais ni Isabela ay ang yumaman. Sa isip niya, alam niyang kapag yumaman siya, wala nang taong maaaring makapanakit sa kanya.

Gagawin niya ang lahat makamit lamang niya ang nais niya. She planned to seduce filthy rich men and cry rape afterwards.

Ngunit pumalpak ang unang plano niya. Wala siyang ibang choice kundi ang pagtiyagaan ang nerdy millionaire na si Josefino de Asis.

Dumating ang pagkakataong hinihintay niya. Tuluyan na niyang naakit si Josefino. Sampung milyong piso ang kapalit ng pamba-blackmail niya rito.

At nang sadyain siya nito sa kanila…

“Alam mo Sabel, kung maibabalik ko lang ang lahat, wala akong babaguhin na kahit na ano. I could have given you more than ten million pesos. I could have give you everything I own dahil hindi mababayaran ang kaligayahang nadama ko sa loob ng ilang buwang nakasama kita,” sabi nito.

Pakiramdam niya ay dinikdik ng almires ang puso niya.

 

 

Rodrigo Madrid

 

waiter, barber, engineer, lover

“When you left, I realized that I could endure the pain
if it happens again because life without you is so much worse.”

Tinakasan ni Wednesday ang kasal nila ni Jared. Sumama siya sa isa niyang kaibigan nang magbakasyon ito sa probinsiya.

Sa pagtungo niya roon, isang misteryosong mansiyon ang labis na nakaakit sa kanyang pansin. Hindi niya natiis na hindi tuklasin ang misteryo niyon.

Ngunit nahuli siya ng guwapo ngunit misteryoson ring may-ari niyon—si Rodrigo Madrid. Ikinulong siya nito roon.

Noong una ay nagrerebelde siya. But when she learned how his life and child died, her heart went out to him.

Gusto niyang tapusin na ang pag-eernitanyo nito.

Ngunit hindi niya inakalang sa gagawin niya ay mamemeligro ang puso niya.

 

Angela Cabrera  &  Jaime Miguel Linero

 

waiter, barber, engineer, lover

“I love you, Angela, so much. I thought I would never experience happiness again. But you came and taught me how to smile again.”

Ipinangako ni Angela sa kanyang sarili na pagbabayarin niya ang lalaking nagtulak sa kanyang kapatid na maaga nitong kamatayan.

Pagkaraan nang pitong taon, nahanap din ng imbestigador na inupahan niya si Miguel na binanggit ng kapatid niya sa huling sulat nito sa kanya. Sa labis na pagkasabik na malaman ang katauhan ng lalaki, she charted a plane para lang makabalik sa Maynila.

Nabuwisit siya nang malamang hindi siya nag-iisa sa flight na iyon. Kasama niya ang isang lalaking nagngangalang Jaime na guwapo nga ay mailap at arogante naman.

Ngunit hindi sa Maynila nag-landing ang eroplano. Nag-crash sila sa isang isla. Doon sa islang iyon, nabuo ang pag-ibig sa pagitan nila ni Jaime.

Nang ma-recue sila, isang bagay ang nadiskubre niyang labis niyang ikinapanlumo. Si Jaime ay si Miguel. She loved the man she was supposed to hate!

 

Copyright © 2008 - Designed by Tri Vuong