

Dala ng matinding pangamba para sa kanyang buhay ay pumayag si Waway na magpanggap bilang nobya ng isang mayamang lalaki. Naisip niyang wala namang magandang ibinunga sa pagsunod niya sa puno ng moralidad na pamumuhay. Ang isinukli pa ng tadhana sa kanya ay banta ng kamatayan.
Pinakasalan niya ang milyonaryong computer software developer na si Estevez. Paniwalang-paniwala ito na siya ang nobya nito sa Internet. Akala niya ay mauuto niya ito at magiging madali na sa kanya ang lahat. Ngunit nawala sa isip niyang napakatalino nga pala nito. Kaya nang mabisto siya nito, naglaho ang pagiging maamo nito.
Ngayon, wala itong ibang gustong gawin kundi ang pagbayarin siya sa limpak-limpak na salaping nakuha niya rito, pati na sa panloloko niya.
At natuklasan niyang mahirap palang mapagtuunan ng galit nito, lalo na at sa puso niya ay mayroon nang damdaming romantikong sumibol para lamang dito...
Sa unang pagkikita pa lamang nina Mindy at Benki ay alam na ni Mindy na hindi maganda ang impresyon sa kanya ng binata. Sa katunayan ay sinabi nito mismo iyon sa kanya. Pakialamera at tsismosa daw siya. Siya ay may impresyon din dito. Mayabang, sanggano, at animo kung sino ito.
Dahil mag-asawa ang ex-girlfriend nito at ang best friend niya--ang lalaking lihim na minamahal niya--ay hindi maiwasan na nagkakasama sila. Wala silang pagtatagpong naging maganda para sa kanya...
Hanggang sa kinailangan niya ang tulong nito dahil may masamang balak sa kanya ang obsessed na manliligaw niya. Hindi naman ito nagkait ng tulong. Isinama siya nito sa probinsiya, kung saan kinailangan niyang magpanggap bilang nobya nito sa lola nitong tulad nito ay mainit din ang dugo sa kanya.
Pero bakit apektado siya gayong pekeng nobya lang naman siya?

Pangarap ni Meymey sa buhay ang yumaman kahit sa hindi eksaktong magandang paraan. Pero may plano na ang tadhana sa kanya, at iyon ay ang biglaan siyang gawing multimilyunarya.
Ang kaso ay may pagpipilian siya: ang pakasalan ang lalaking tutulong sa kanya kapalit ng pakikihati nito sa kayamanang namana niya o sarilinin ang pamamahala sa malaking kompanya at bayaran ang lalaking iyon nang milyones.
Pinili niya ang una.
Ang akala niya ay wala na siyang magiging problema, na kasal lamang sa papel iyon at hindi siya lugi sapagkat mahusay sa negosyo, matalino, at edukado si Nick, ang lalaking pinakasalan niya…
Pero babaero pala ito. Bakit siya apektado gayong sa papel lang sila kasal?

Kailangan ni Lemonade na makatakas sa pamilya niya at sa lalaking ipinagkakasundo ng mga ito sa kanya. Isa lamang ang kapalit ng tulong na dumating sa kanya para magawa iyon: ang magpanggap siyang isang kapuspalad na kawaksi.
At ang kanyang amo ay walang iba kundi si Alejandro, a simple and sweet farm boy.
Nahulog ang loob niya rito.
Alam niyang mali ang sumisibol na damdamin niya para ditto. She was going to leave that place soon. At ito naman ay alam niyang mayroon ding ibang gustong babae.
Ngunit hindi sinasadyang may namagitan sa kanila…

Umibig si Pen-pen sa isang lalaking bawal niyang mahalin--si Martin, ang lalaking pakakasalan ng amo niyang si Lemonade. Mabait ang pamilya nina Lemonade at matagal na siyang kasambahay at katiwala ng mga ito. Ayaw sana niyang mahalin si Martin ngunit kusang sumibol ang pagtingin sa puso niya. Iiwasan sana niya ang lalaki ngunit ito ang kusang lumapit sa kanya, tila gustong tudyuhin siya, ilapit sa kanya ang bawal.
At mabilis siyang natukso...

Sa unang pagkakataon sa buhay ni Pen-pen ay kailangan niyang mamili: ang gawin ang mali kapalit ng pagkawala ni Martin sa kanya o ang gawin ang tama na nangangahulugan na kailangan niyang magsinungaling kay Martin.
Pinili niyang gawin ang tama kapalit ng inaasahan niyang pagsasama
nila. Ngunit nahuli nito ang kasinungalingan niya. At labis itong nagalit
sa kanya, isang uri ng galit na napakasakit para tanggapin niya...

Pinakasalan ni Kate si Carmelo sapagkat kailangan niya ito. Ganoon lamang kasimple. Hindi siya kailanman naniwala sa pag-ibig. Lumaki siyang hindi nakita iyon. To put it simply, she thought all those wonderful stories about love and romance were an exaggeration and were very overrated.
Pero nagkamali siya. At ngayon ay namomroblema siya—because she was now in love with her husband. Malinaw sa kanyang iba talaga ang mahal nito bago pa sila ikasal. Pero isa siyang babaeng hindi madaling sumuko. Hindi siya nag-training ng kamalditahan mula pagkabata para sa wala. And so she teased her husband to no end…
Magtagumpay kaya siya?

Limang taon na ang nakalipas mula nang makilala ni Natalie ang isang lalaking nagpakilala sa kanya bilang “Armando.” Hindi niya nagawang malimutan ito. Ang lugar kung saan niya unang nakilala ito ay binabalik-balikan pa rin niya kahit wala nang bakas ang dating pinagtatrabahuhan ng lalaki roon. Sinabi niya sa kanyang sarili na kailangan na niyang tigilan ang kahibangan niya. Kailangan na niyang kalimutan ang lalaking labis na nakapukaw sa kanya.
Pero nang muling nagpakita ito sa kanya, ay may babae na itong handa nitong pakasalan…

Umalis si Adring ng kanyang bayan dahil sa takot sa dati niyang amo. Nilapitan niya si Polding, ang pinakamatalik niyang kaibigan na kailan lang niya muling nakita.
Dahil dati na itong may inookupang espasyo sa kanyang puso ay lalong lumawak iyon. Ang kaso ay mayroon na itong nobyang ibig nitong bigyan ng singsing. Pero hindi siya makakapayag na mauwi ito sa nobya nitong natuklasan niyang ubod pala ng landi.
Nag-isip siya ng paraan upang magkasira ang dalawa. Ngunit hindi pa man niya naisasakatuparan iyon ay pinaalis na siya nito... Sapagkat hinagkan siya nito noong lasing ito at hindi nito matanggap iyon...

Ang plano ni Pepsi sa kanyang buhay ay simple lang: bitagin ang lalaking mag-aangat sa kanya at sa kanyang pamilya sa buhay. At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Gene. Ngunit hindi pa man siya nakakapagsimulang mambitag ay umentra na sa eksena ang pinsan nitong walang K, si Tani. Ang tanging handog ni Tani sa isang babae ay ang walang kaseryo-seryosong pagtingin nito sa buhay at ang kapogian nito. Iyon lang. At wala siyang balak na matuwa rito.
Pero pilit itong nagsusumiksik sa kanya... At parang gusto na niyang pasingitin ito... Paano na ang plano niya sa buhay?

Sa unang pagkikita nila ni Curtis ay napagkamalan si Helen na kidnapper ng lalaki. Sa pangalawang pagkikita nila ay naghahanap ito ng yaya. Naisip niyang puwede na niyang pagtiyagaan ang kasungitan nito dahil malaki ang suweldo at maganda ang benepisyo.
Pero hindi naman pala niya kailangan magtiyaga. Sa kalaunan ay napagtanto niyang hindi lang naging maganda ang unang pagkikita nila kaya madaling nahulog ang loon niya rito, para lamang malaman sa huli na isang manloloko ito. Pinaasa siya nitosa wala at saka siya pinaalis sa buhay nito. Ngunit nagbalik ito, at gustong muli siyang magtrabaho para dito.
Aba, ang kapal naman ng mukha nito!

Isang lalaki ang naging sanhi kung bakit natanggal sa trabaho si
Quesa. At sa hindi maganda nagtapos ang kanilang pagkikita sapagkat
binato at nabasag niya ang windshield ng sasakyan nito. Ang akala
niya ay natakasan na niya ito. Subalit ito pala ang nobyo ng kanyang
pinsan na kailangan niyang akitin. Malaki ang utang-na-loob niya sa
pinsan niyang iyon at iyon ang pabor na hinihingi nito sa kanya.
Paano niya magagawa iyon kung magkita pa lang sila ng lalaki kapwa
nag-iinit na ang mga ulo nila sa isa’t isa?

Unang pagkakataon pa lang na nakita ni Koko si Vladimir ay natagpuan na niya ang sarili na humahanga sa kaguwapuhan nito. Nagkakuwentuhan sila, nagkatawanan... Hanggang sa abutan siya nito ng pera at malaman niyang inakala nitong isa siyang babaeng puwedeng i-table sa pipitsuging beer-house-cum-karinderya na napasukan niya!
Ang akala niya ay hindi na sila muling
magkikita ngunit kinabukasan din ay nagtagpo uli sila. Paano pa
mabubura ang maling impresyon nito sa kanya?

Dahil sa isang misyon ay nagtungo si Yves sa mansiyon ni Gustavo upang magpanggap na isang kawaksi. Isa siyang pulis na naghahanap ng isang kriminal. Si Gustavo ang suspect niya.
Ngunit ang hinala niya ay nagbago kaagad nang makilala niya ito nang husto. Imposibleng ang kriminal at ang lalaking mahal niya ay iisang tao lamang... Imposible.

Mayroong sama ng loob si Estrella sa kanyang malupit na ama kaya nilisan niya ang kanilang hacienda. Ibig niyang patunayan dito na kaya niyang mamuhay nang mag-isa at umunlad sa sarili niyang pagsisikap kaya nagplano siyang babalik lang kapag matagumpay na siya.
Ngunit bumalik siya nang mamatay ang kanyang ama. At ganoon na lamang ang galit niya nang malamang ipinagkatiwala nito ang mga ari-arian nit okay Andres, ang lalaking umagaw sa kanya ng pagmamahal ng kanyang ama.
Mula noon hanggang ngayon ay nakikihati ito sa hindi nito dapat pakialaman. Hindi niya mapapayagan iyon... Ngunit paano na kung ang puso naman niya ang ibig nitong kunin?
Tri Vuong