

"She was the only woman who
had ever made him feel that way.
And that thought that she was probably the only woman who
could make him feel a bit alarmed, also warmed his soul."
Dahil kailangang iwasan ni Flor ang isang makulit na DOM ay napilitan siyang lumuwas sa Maynila. Masaya naman sana siya nang agad siyang matanggap sa isang hotel bilang chambermaid. Doon ay nakilala niya si Zeph, ang big boss niya—mayaman, guwapo, arogante, batas ang bawat salita.
Hindi maganda ang nagging unang pagkikita nila. Hindi sinasadyang napagkamalan niyang masamang tao ito kaya nahataw niya ito sa ulo at natutukan ng patalim.
Sinesante naman siya nito subalit nakiusap siyang bigyan ng isa pang pagkakataon. Napahinuhod naman niya ito… subalit bakit sa pagdaan ng mga araw ay tila ibig nitong mapabilang siya siya sa listahan ng mga babae nito?
"Hindi ko maintidihan kung paano
mo naisip na sasaya ako
kung wala ka gayong alam mong gagawin ko’ng lahat
para lang makasama kita. How did you totally
miss the point? I-am-miserable-without-you."
Hindi kaya ni Flor na iwasan si Zeph. Ayaw man niya ay nahuhulog ang loob niya rito. Alam niyang malayo ang agwat nila sa buhay kaya ganoon na lamang ang paglaki ng puso niya nang pinatunayan nito kung gaano siya kamahal nito.
Subalit dumating ang pagkakataong siya naman ang kailangang magpamalas ng pagmamahal ditto upang mapabuti ito. Ngunit labis na nagalit ito sa kanya…

"There's nothing anyone could
do to
make me change my mind about you.
I love you and I want to be with you
for the rest of my life."
Unang kita pa lang ni Inday kay Herminigildo ay nakuha na nito ang atensiyon niya. Pero hindi pa man sila pormal na nagkakakilala ay nagkagusto na ito sa pinakamatalik niyang kaibigan.
At nanood lang siya habang namumulaklak ang relasyon ng mga ito. Hanggang sa makipaghiwalay rito ang best friend niya.
Ninais nitong makausap siya at pagsabihan ng sama ng loob. Ngunit sa ang simpleng pag-uusap lang sana ay nauwi sa pangyayaring kapwa hindi nila inaasahan...

Best friend ni Marie si Yoyoy noong nasa high school sila, subalit iniwasan siya nito at iniwan kung kailan kailangan niya ito. Matagal na panahon ang lumipas na hindi sila nagkit. Hindi na niya nabalitaan kung ano ang nangyari sa buhay nito.
Siya naman ay biglang parang naging teleserye ang buhay. May mayamang don na naghahanap sa apo nito at siya pala ang apo na iyon.
Nabago ang buhay niya. At muli sialng pinagtagpo ng tadhana ni Yoyoy. Noon niya natuklasang may inalagaan pala siyang damdamin para sa kanyang kababata.
Kahit idinadaan nito sa biro ang suhestiyong makipag-break na siya sa nobyo niya ay ikinatuwa niya iyon. Hanggang sa matuklasan niyang iyon ay hindi pala biro lang. May ibang motibo ito. At iyon ay hindi pabor sa kanya…

PJ never expected she would fall in love with Franco but she did. Marami siyang hindi inaasahan na mangyayari nang makilala niya ito, subalit ang pinakahindi niya inasahan ay ang natuklasan niyang taling nagkokonekta pala sa kanilang dalawa mula't sapol. It was the reason why Franco hated her family. It was the reason why he could never ever love her...

PJ used to be rich. She stopped being one because of Franco Manete. At naisip niyang marapat lamang na ibalik niya kahit kaunti ang yaman nila na nawala dahil dito. She planned to con him. But she failed. She failed so miserably that Franco even obtained hard evidence against her. He threatened to sue her unless she changed his mind. And then he said, "You might want to strip in front of me to make me change my mind easily."

Kinuha si Thelma ng kanyang pinsan--na nag-aambisyong maging sikat na artista--bilang alalay nito. Pero sa tingin niya ay hindi ito sisikat sapagkat masama ang ugali nito at hindi rin kagandahan. Nagtiyaga lamang siyang magtrabaho rito sapagkat nais niyang makaipon para sa plano niyang sariling negosyo.
Sa kanyang pagtatrabaho dito ay nakilala niya si Leo, isa sa mga manliligaw nito. Hindi ito natutuwa sa kanya at lalong hindi siya natutuwa rito. Pero bakit minsan, habang nakatingin siya sa mukha nito ay ginusto niyang hagkan siya nito?

Masalimuot ang buhay ni Gertrudes. At isa lamang ang nakita niyang solusyon upang kahit paano ay mabigyan niya ang sarili ng maayos na kinabukasan: ang magdala sa kanyang sinapupunan ng sanggol para sa mag-asawang hindi magkaroon ng anak.
Nakilala niya ang mag-asawang nangangailangan ng anak. Si Israel ang lalaki--- guwapo, mayaman, mabait. Naging napakabait nito sa kanya. Pinakitunguhan siya nito na animo asawa siya nito.
Nahulog ang loob niya rito at ganoon din ito sa kanya. Iyon ang alam niya.
Dahil nang manganak siya ay iniwan siya nito at isinama ang anak nila…

Matagal bago nagsanga uli ang mga landas nina Gertrudes at Israel. Sinuwerte na si Gertrudes sa buhay. She was now a somebody--- a somebody who was willing to give all she had to take back her life that Israel had heartlessly taken away from her. Kahit saan pa sil makarating, babawiin niya ang ninakaw nito…
Sana lamang ay hindi muling mapasakamay nito ang puso niyang minsan nang dinurog nito…

Ang pangarap ni Ana ay ang makapag-Japan nang sa ganoon ay matulungan niya ang kanyang pamilya. Sayang naman ang sa palagay niya ay nag-uumapaw na talento niya. Ngunit wala siyang pang-placement fee kaya hindi siya makaalis.
Nakakita siya ng solusyon kung paano matutupad ang kanyang pangarap: ang manghiram ng pera sa kanyang boss na si Amador; tutal naman ay mayroon itong napakalaking pabor na hiningi sa kanya. Sa tagal ng pangungumbinsi niya rito ay napapayag din niya ito. Ang kaso, mientras lumalapit ang araw ng kanyang pag-alis ay parang naiiba na ang kanyang pangarap... Parang mas gusto na niyang manatili na lamang sa bansa at pangarapin nang gising si Amador...