Precious Hearts Romances

Hubad Na Katotohanan

 

sample image

Papakasalan ba naman kita kung hindi kita mahal.

Ubod ng istrikta ang lola ni Yna. Napakahalaga para ditto ang reputasyon ng kanilang pamilya kaya ganoon na lamang ang paghihigpit nito sa kanya.

Nakilala niya si Cy Villavicencio, isang lalaking sa unang pagkikita pa lamang ay agad nang pumukaw sa kanyang interes.

She soon found out that the attraction was mutual.

Ngunit paano niya ipakikilala sa lola niya ang isnag lalaking pumayag na magpakuha ng litrato nang hubo’t hubad?

 

 

48 Hours

 

sample image

"The forty-eight hours she spent with Joey was only
the start of a lifetime love they both found."

Mula sa mga ninuno nila ay magkalaban na ang pamilya nina Shey at Joey. Ngunit nagkaroon ng truce nang magtanana ang mga bunso nilang magkapatid at sila ang naatasang magbalik sa mga ito.

Sa mundong ginagalawan ni Shey, ni minasn ay hindi pa siya nakatagpo ng lalaking tulad ni joey—spontaneous, funny and easy-going.

Sa paghahahanap ng lead sa kinaroroonan ng kanilang mga kapatid ay nagkasama sila sa loob ng apatnapu’t walong oras. At sa loob ng maikling panahong iyon ay naakainisan sila, nagksundo—na nauwi sa isang maapoy na gabi.

Paano na pagkatapos ng apatnapu’t walong oras na iyon? Paano na kapag nabawi na nila ang kanyan-kanyang kapatid?

 

 

Amo, Mahal, Kita

 

sample image

“Binayaran ka ni Dona Enriquetta para mag-spy sa akin
but in the process, did you find it in your heart to love me
kahit kaunting-kaunti lang? please say yes…”

Malaki ang utang-na-loob ni Dada sa best friend niyang si Penelope kaya hindi niya tinaggihan ang ina nitong si Dona Enriquetta nang hilingin nitong ipaghiganti niya ang anak nito laban sa lalaking nang-iwan ditto sa mismong araw ng kasal nito—si Santi Aragon.

Nakapasok siya sa teritoryo ngmga Aragon, pumasok siya bilang sekretarya ni Santi. Mukhang maisasakatuparan niya ang paghihiganti. Ngunit ang hindi niya napaghandaan ay ang charms ng kalaban.

And when Santi kissed her, she was simply lost…

Paano na ang misyon niya?

 

Sige, Kunwari Hindi Kita Mahal

 

sample image

"I will never ever let you go, Lenlen. Itaga mo ‘yan
sa bato at kahit tagain ako ng kuya mo."

Walang mapagpipilian si Lenlen kundi tanggapin ang alok ni Jek na maging “girlfriend” nito dahil kailangan nang maoperahan ang kanyang kapatid niyang nasa ospital.

Iyon ang kondisyon nito upang akuin nito ang pagbabayad sa pagkakautang ng kapatid nito sa kanya.

Wala namang siyang nagging problema dahil scripted lahat ng mga kilos nila. Hanggang sa mapuna niyang tila nagiging habit na ng binata ang paghalik-halik nito sa mga labi niya, na hindi naman niya kayang sawayin.

Hanggang magising siya isang umaga na hindi na siya umaarte, bagkus ay natural ang mga kilos niya, at ramdam niyang ganoon din ito tuwing kasama siya. Ngunit nanlumo siya nang mabatid na ibang babae ang balak nitong ligawan matapos lamang ang kanilang “palabas.”

 

Hopia Para Kay Mis Chinatown

 

sample image

“Ito ang tandaan mo, I will move heaven and earth
to get you back… because I need you back.

Nakilala ni Trizel Tan si Karlo noong siya ay labing-anim na taong gulang pa lamang. Isa itong trabahador sa kanilang hopia factory. She was young and she fell head over heels in love with him. Nagkaroon sila ng relasyong lingid sa kaalaman ng ama niyang napakaistrikto. She defied everything for him but he broke her heart when she found out that he was already married.

At ngayon, makalipas ang siyam na ataon, ay muli silang nagkita. Matagumpay na ito sa buhay, mayaman. He ws larger than life, malayo sa estado ng lalaking minahal niya noon.

Alam niyang dapat na niyang kalimutan ang nakalipas. Isal lamang malaking pagkakamali ang kanilang naging relasyon nila, niloko lamang siya nito.

Ngunit paano niya gagawin iyon gayong sa tuwing makikita niya ito ay para siyang bumabalik sa disisais anyos na dalagitang nagmahal ditto nang lubos?

 

Tatlong Linggong Pag-ibig

 

sample image

“Pasensiya ka na kung kailangan pang mawala ka sa ‘kin
bago ko maunawaan na ikaw pala ang pinakamahalagang
bagay sa buhay ko.”

I am Antoni Toledo, the painter. The first time I saw Ana I thought she was pretty. No not pretty, she was beautiful. I didn’t dwell on the thought because she was my brother’s girlfriend, and I, too, had a girlfriend then. Anyway, things got so complicated that I kidnapped her, without her realizing it. I took her to my beachfront property on an island. I found out what a wonderful person Ana is. She’s funny, she’s sexy, she’s a great cook, she’s intelligent, she could sing. I never thought I could sleep till mid-morning and feel like I want to go back to sleep because she’s ther by my side. I’m an early riser, you see. And I never thought kidnapping was fun. And I never thought I’d end up falling so much in love with my kidnapee. Sana, maniwala na siya sa akin dahil nagsasabi ako ng totoo. Maputol n asana ang drawing hand ko kung nagsinnungaling lang ako.

 

 

Ang Aking Happy Ending

 

sample image

"Just when you were all set to forget what you feel for me
because I told you I can never love you did I realize
that I’m in love with you. How’s that for irony?”
Hindi sinadya ni Chariton a ma-in love siya kay Ade. Basta isang araw ay hindi na mapalis ito sa isip niya.

He was a great guy. He was everything any woman would want—rich, sexy, funny, and gorgeous. Why wouldn’t she fall for him? Sinubukan niyang mapalapit ditto. At nang alukin siya nitong maging business partner nito ay agad siyang pumayag.

Nalaman nito ang kanyang nadarama para ditto. But to her dismay, he told her he could never like her, that she was like a little sister to him.

He started introducing her to other men. And when she started going out with one of them, si Romeo, napansin niyang palagi nang naiirita ito. Hantaran pang sinabi nito sa kanya na hindi siya nababagay sa isang katulad lamang ni Romeo.

Kikiligin n asana siya. Ang kaso, alam niyang wala namang ibig ipakahulugan iyon, lalo pa at nakilala na niya ang sopistikada, at ubod ng ganda at bait na nobya nito…

 

 

Love Tricks, Love Magic

 

sample image

"I started to feel wrong everytime I was with her.
Ang daming kulang. Kalian ko lang na-realized
kung bakit, dahil nga ang tanga-tanga ko.Siyempre,
kahit kailang ay hindi siya puwedeng maging ikaw."

Donnie was Barbie’s best friend. Ito ang batang nagnakaw sa kanya ng halik noong bata pa siya at hindi niya inakalang makakasundo pala niya. After years of being friends, she realized she was in love with him.

Ilang ulit na tinagka niyang sabihin ditto ang kanyang nadarama ngunit parati siyang pinipigilan ng pangambang baka masira ang pagkakaibigang inalagaan nila sa kabila ng distansiya at panahon.

Isang araw ay sinabi nito sa kanyang magpapaksala na ito sa isang babaeng kakikilala pa lamang nito—sa babaeng hindi maganda ang reputasyon, sa babaeng hindi nababagay rito. Sinabi niya rito ang opinion niya. They had a terrible fight.

“Kaibigan kita pero imbes na suportahan mo ako dahil masaya ako, nagagalit ka. Bakit ganyan ka? Ano ba ang inaasahan mo? Na habang-buhay, tayong dalawa lang ang magkasama? O baka naman may gusto ka sa akin?”

Inay ko!

 

 

 

 

Ang Misteryo Ng Maldita

 

sample image

“I would like to tell you how wonderful I think you are.
No girl in her right mind wouldn’t want to have you.”


JT met Paola Danica one night while she was stinking drunk. Hindi niya alam kung bakit tinulungan niya ito gayong bukod da hindi naman niya kilala ito ay nagsuka pa ito sa kalsada, at walang pakialam kahit na masagasaan ito ng naglalakihang bus sa Cubao.

When she passed out, he took her to a motel. And he woke up with cops arresting him. Wala pa mang beinte-kuwatro oras ay napakarami nang nagyari sa kanya dahil sa babaeng ito: Napasakay siya sa ordinaryong bus nang wala sa oras, nasukahan, naaresto nang naka-briefs lang, at nagpalipas ng gabi sa presinto.

Pero sa kabila ng lahat ng iyon, bakit hindi niya magawang pahindian ang dalaga sa mga hiling nitong lahat naman ay tila sinadya upang malagay siya sa alanganin? Bakit siya nagtitiyaga rito gayong sinabi mismo nito na hindi ito handa sa anumang relasyon?

He was a class-A male, chasing crazy, mysterious maldita. Somehow, that was all right with him. What the hell happened to the universe?

 

 

For The Love Of Roding

 

sample image

"It’s not this lovely hand I’m not going to ever let go.
Oh, this soft hand I can’t forever hold. But you, dearie,
I will bind me to me… for all time."

Karen tried to seduce Roding, the president of the company her father co-founded. Her reason was simple: she was in love with him. But she failed in her attempt. At hindi lamang ganoon ang nangyari, isinumbong pa siya nito sa kanyang ama, dahilan upang ma-disown siya at paalisin nito sa kompanya nila.

At natuklasan na lamang niyang ang ipinalit ng kanyang ama sa kanyang posisyon sa kompanya ay ang pinsan niyang buwisit sa buhay niya. And then she found out she was Roding’s girlfriend. Nagpuputok ang butse niya. Ang dalawa ang mga mortal niyang kaaway at kailangan niyang makaganti.

Simple lang ang kanyang plano: pagsirain ang dalawa at humalakhak bandang huli. Subalit sasaglit na panahon pa lang ang lumilipas ay nabago na agad ang plano niya. Nauwi na iyon sa: pagsirain ang dalawa upang humalakhak sa bandang huli kapag si Roding ay nobyo na niya.

Ang tanong, magtagumpay kaya siya gayong minsan na siyang tinanggihan ng lalaki?

 

For The Love Of Leon

 

sample image

I’ve been through a terrible relationship and it made me realize
what I want. When I give, I want to receive, too.When I love,
I want to be loved back. That’s not too much to ask for, right?
I deserve all that, right?

Isa lamang ang pakay ni Marpessa kung bakit siya bumalik ng Pilipinas—ang humiram ng puhunan sa kanyang lola upang makapagsimula ng mas magandang buhay sa piling ng nobyo niyang handa na niyang pakasalan. Hindi niya inasahan na may kapalit palang hihingin ang matanda: kailangan niyang pakasalan ang apo ng kaibigan nito, si Leon. Kapag ang binata ang tumanggi sa kanya, ibibigay nito ang pera sa kanya. Kung hindi, sorry siya.

Sa pag-aakalang wala siyang hindi kayang ma-turn off, naisip niyang pumayag sa kagustuhan ng matanda. Ano ba naman ang akala niyang pagmukhain na niyang baliw ang sarili ay nais pa rin siya nitong pakasalan! Ang problema niya ay mukhang magkakaroon na ng solusyon nang malaman niya ang history ng love life ng lalaki. She brought back in his life a woman from his past.

Bakit kung kailan parang nawawala na ang binata sa kanya, na siyang nais niya, ay saka siya hindi mapakali?

 

Being Mrs. Lao

 

sample image

You see these lovely hands? You have me here.
That’s how crazy I am about you.”

Angel married Rudolph Lao for the sake of her father she had only met. Ang sabihing guwapo ang kanyang asawa ay kulang—mayaman din ito at makapangyarihan. Nagdesisyon siyang ayusin ang samahan nila. Pero paano niya iyon gagawin kung honeymoon pa lang ay nagloloko na ito? Could she last being Mrs. Lao?

.

 

Carly & Sid's Story

 

sample image

A life without Sid was no life at all. It would be so empty
without him. And that emptiness would ultimately kill her.

Godo was Carly’s boyfriend when she met Sid, Godo’s best friend. At sinubukan niya lahat ng makakaya niya upang pigilan ang damdaming hindi niya inasahang madarama para dito----sapagkat si Godo ang taong tumulong sa kanya sa panahong kailangan niya ng taong makakapagpangiti sa kanya. Hindi niya ito kayang ipagpalit na lamang basta, lalo na sa best friend nito.

Ngunit hindi na niya nagawang pigilan ang damdamin kalaunan. She and Sid had a secret affair. Until one day he dumped her and told her he was going to marry his ex-girlfriend and there was nothing anyone could do to stop him…

.

 

When Macoy Danced The Cha-Cha

 

sample image

"True, he was not perfect, she was far from being one, too.
But all his imperfections made him the guy who made her
happyall the time. If Bridget Jones had Mister Mark Darcy,
she had Mister Ferdinand Lao-Jacob."

Tinabihan niya ito sa kama at agad na pumaikot sa baywang nito ang kanyang braso. Napatingin ito sa kanyang mukha at hinagkan niya ito. Una’y tila ayaw nitong tumugon hanggang sa matuto itong sumabay. She was an expert. At lalaki lang siya para makapagtimpi pa sa ganito kagandang babae.

He was consumned with so much passion it took human effort for him to stop when she asked him to.

"Why? What’s wrong, honey?" bahagyang inip niyang tanong.

"Are we making love?"

"Sure looks like it." Muli niya itong hinagkan at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nito pinatigil. After the act he was spent. Nakatulog siya agad. At nang magising siya ay ganoon na lamang ang pagkabigla niya sa magkakasunod na sampal nito sa kanyang mukha.

"Rapist! You raped me! How dare you! Idedemanda kita! Idedemanda kita!"

Natulala siya.

.

 

Hey, By The Way I Love You, Too!

 

sample image

"You don’t belong to any other man but me."

Abie had a feeling that she was frigid. Wala siyang madamang kahit na ano sa mga nagging nobyo niya. But things changed all of the sudden when Utoy kissed her. Si Utoy, ang ex-boyfriend niya noong high school na pagkatapos siyang ma-cornoer sa girls’ restroom noong graduation party nila ay umalis na ng bansa.

Now he was back and was planning to get married. Paano na kung ito lamang pala ang tanging lalaki sa buong mundo na tutunaw sa yelo niya? Hindi siya makakapayag na mapunta ito sa iba! Laban kung laban! Bahala na si Batman!

.

 

Copyright © 2008 - Designed by Tri Vuong