

“Ano namang
ligaw-ligaw ang sinasabi mo riyan,
eh, tatlong beses ka nang nakahalik?”
Nangailangan ng pera si Alexandra kaya naman ibinenta niya ang gold coin ng yumao nang abuela sa isang collector na si Dave.
Nang magastos na niya ang pera ay saka naman hindi natigil ang pagpapakita ng kanyang lola sa kanyang mga panaginip, na halos magpabaliw sa kanya.
Naisipan niyang bawiin ang coin kay Dave ngunit ayaw na iyong ibenta ng binata.
Isa na lamang ang solusyon na naisip niya. Ang nakawin ang coin!
Pero paano naman ang puso niyang nanakaw na ng lalaki?
"When I said
‘finally,’ I meant, sa wakas ay natagpuan
ko nang muli ang babaeng nais kong makasama
sa habang-buhay. Ikaw iyon, Sam."
Bilang cheerleader, campus figure si Sam noong high school—maganda, sosyal ang mga barkada. Schoolmate niya si Marcus, na mas kilala niya bilang si Macoy—payat, makapal ang salamin sa mata, baduy. Lagi itong pinagti-trip-an ng kanyang mga kaibigan. Naawa man siya rito ay wala siyang magawa. Na-guilty pa siya nang husto nang mapilitan siyang ipahiya ito sa prom. Iyon ang huling pagkakataon nakita niya ito.
Pagkaraan ng maraming taon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Napanganga siya sa hitsura nito—matangkad, makisig, guwapong-guwapo, at matagumpay na sa buhay. In short, he was a super hunk!
Doon nagsimula ang pagkakalapit nila at madalas na pagkikita. Naligalig pa nang husto ang mundo niya nang matikman niya ang tamis ng halik nito.
Ngunit paano kung nais lamang siyang gantihan ng binata kaya nakikipaglapit ito sa kanya?
Paano pa niya isasalba ang kanyang puso, gayong nahumaling na iyon nang husto rito?

“Do you really think na magagawa
pa kitang lokohin
pagkatapos kong maging miserable dahil wala ka.”
First love ni Crystal si Morgan subalit sinaktan lamang siya nito.
Pinalibutan niya ng pader ang sarili sa takot na masaktang muli.
Matapos ang mahabang panahon, kung kalian sa tingin niya ay tumigas na ang puso niya, saka naman muling nagbalik si Morgan.
Kaya ba niyang i-resist ang lalaking hanggang sa ngayon pala ay mahal pa rin niya?

"Sige na
nga, sasabihin ko na. Mahal kita,
mahal kita at hindi ito… b-bola."
Unang kita pa lamang ni Kit kay Martin ay naaantipakuhan na siya rito.
Matangkad, guwapo at simpatico si Martin ngunit dahil sa mga pang-aasar nito ay hindi ito naging visible sa kanya.
Mukhang kulang sa araw, puna niya sa kulay ng balat nito.
Ngunit hindi naman niya maintinddihan ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang pag-asam niya na muling makulong sa mga bisig nito.
Paano nito malalaman ang lihim niyang damdamin para dito gayong hindi lingid sa kanyang kaalaman na nanliligaw ito sa tindera niyang si Naomi, idagdag pang umeentra din sa eksena ang tiyahin niyang kinaiinisan niya?

“I hate her. But why did
it feel
so right when I kissed her?”
Kapangalan ni Sharon ang megastar subalit siya'y isang bituing walang ningning—walang pera at minalas pang mawalan ng trabaho.
Nag-aply siya bilang yaya ng pamangking si Mikael na naiwan sa pangangalaga ng masungit nitong tiyuhin na si Bruce.
Batid niyang napilitan lamang na tanggapin siya dahil sadyang magiliw sa kanya ang bata.
Sa pagdaan ng mga araw, lalong napalapit sa kanya si Mikael. Na siya namang ipinagkaiba ng relasyon nila ng tiyuhin nito. Dahil sa halip na mapalapit at mapalagay ang loob niya rito, tila siya nakatulay sa alambre kapag kaharap ito. Bawat maling pagkilos niya ay pinupuna nito.
Ngunit hindi niya napigilan ang pag-usbong ng isang kakaibang damdamin para dito. Sa paglipas ng mga araw, tila hindi lamang ang pamangkin ang gusto niyang alagaan, kundi pati na rin ito.
Ngunit paano niya iyon maisasakatuparan gayong sa tuwing magkakalapit sila ay tila ito napapaso at iglap na lumalayo?

“I had been so dumb for the
past years of my life. Hindi
kita nakita dahil sa iba ako nakatingin. Pero ngayon
ay alam ko na…ikaw ang tinitibok ng puso ko.”
Kababata ni Tea si Kevin. At noon pa man ay minahal na niya ito.
Nagging saksi rin siya sa naging paghihirap ng loob nito nang umalis ang kasintahan nito patungo sa ibang bansa.
Nang hindi na niya nakayanan na hanggang sa pagkakaibigan na lang ang kanilang pagtitinginan, pinlano niyang akitin ito—sa pag-asang mababaling ang pagtingin nito sa kanya.
Ngunit imbes na ganoon ang mangyari ay nagalit ito sa kanya. Pakiramdam niya ay napahiya siya.
Nagpasya siyang lumayo.
Subalit kung kalian naman siya lumalayo ay saka naman palaging nagkukrus ang kanilang mga landas.
Dahilan upang muling lalong mabuhay at lumago ang pagtanging dati nang nasa kanyang puso.
Paano kung lalaki naman ang umakit sa kanya?

"My lips are itchy, they want to kiss you."
Nilisan ni Kate ang bayan ng Kakisigan na baon ang galit sa kanyang dibdib. Napahiya siya nang laitin siya ni Mando—ang nag-iisang kaibigan niya—at sabihang "pangit" sa harap ng maraming tao. Mula noon ay nagsumukap siya hanggang sa maging matagumpay sa negosyong pinasok niya.
At ngayon ay nagbalik siyang walang ibang laman ang isip kundi ang gantihan ang lalaki. Gagamitin niya ang kanyang karisma at angking kagandahan upang mahulog ang loob nito sa kanya.
Subalit bakit ganoon? Nang makita niya ito'y parang hindi yata niya kayang ituloy ang planong paghihiganti rito. At parang siya lamang ang masasaktan kapag sinaktan niya ito...

"I lived like a zombie through
years you were
not around. You want to know why? Because you're my life."
Kinabig siya ni Ron sa baywang. At ganoon na lamang ang pagkamangha ni Mary ng halikan siya nito sa mga labi. Na-paralyze yata siya dahil hindi siya nakakilos. Naroroon na naman ang weird na pakiramdam--tila may mga paruparo sa sikmura niya na tila sasabog anumang oras. Kusang nanghina ang kanyang mga tuhod.
"Do you understand it now, Mary?" tanong nito nang pakawalan ang mga labi niya. "After tonight, I don't think we could just remain friends.
Maang na nakatitig lamang siya sa mukha ni Ron. She was too stunned to even let out a breath. Her heart was drumming at wala siyang mahagilap na sasabihin. kaibigan nga lang ba ang pagtingin niya rito gayong naniningkit ang kanyang mga mata kapag nakikita itong may kasamang ibang babae?
"Huwag kang
tumingin sa akin nang ganyan
at baka makatikim ka sa akin... ng kiss!"
Kahit hirap ay nagawa ni Tata na makapagtapos ng pag-aaral subalit wala naman siyang mapasukang trabaho. Kaya nagtitiyaga muna siyang mamasukanng magician at minsan ay nascot sa RRJ Party Needs.
Subalit sa isang children's party ay nasapak niya ang isang guest matapos siyang mapagkatuwaang itaob sa swimming pool habang suot ang costume ni Barney. Dahilan upang matanggal niya sa trabaho.
Desperada na siyang magkatrabahong muli kaya lakas-loob niyang pinuntahan ang ninang niyang dalwampu't apat na taon na niyang hindi nakikita. Suwerte namang nangangailangan ng sekretarya ang anak nito.
Ngunit nang makita niya ang anak nito ay hindi niya malaman kung sinuwerte o minalas siya. Dahila ang anak nito ay siya ring guest sa party na nagtaob sa kanya!

"I was scared
when we made love because your skin is so fragile...
You are a goddess... A very passionate goddess, and I love you."
Halos himatayin si Penelope nang makilala niya si Engineer Francis "Kiko" Palmario. Ibang-iban na ang hitsura nito at lalong gumuwapo sa kanyang paningin. Ito ang ina-assign ng kanyang papa na gagawa ng building niya sa Mindoro.
How could I forget his face? Anim na taon ang lumipas nang kuhanan niya ito ng body hair "doon," bilang initiation niya sa sorority.
Marahil ay hindi rin siya nito makalimutan dahil napagkamalan siya nitong si "Gertrude," ang pangalang ipinakilala niya rito noon.
Sa paghahangad niyang mailigaw ito, damdamin naman niya ang nagulo. Dahil hanggang sa mga sandaling iyon ay matindi pa rin ang epekto ng mga halik nito sa kanya.
Ngunit paano niya maipaglalaban ang damdamin niya rito kung may Mayla na sa buhay nito?

"Gusto ko,
kapag hinalikan kita, malinaw ang lahat at walang
anumang hahadlang sa atin, no pretentions."
Ingrid used to be carefree. Ngunit nang ipamukha sa kanya ng lalaking minahal niya na kailanman ay walang lalaking tototohanin siya, parang bigla siyang natauhan... natakot. She became so reserved and a real Miss Prim and Proper. Naging sobrang organized ang kanyang buhay.
But Gabe came along. Masyado itong masayahin. Natakot siyang lalong mapalapit dito dahil nakikita niya ang dating sarili rito. But she could not resist him. At hindi man niya aminin ay nag-eenjoy siya kapag kasama niya ito. Nararamdaman din niyang unti-unti ay nakukuha nito ang puso niya.
Ngunit paano kung malaman niyang palabas lang pala ang pakikipaglapit nito sa kanya? Now that she was ready to really give her heart to him...

"Mga sexy o balingkinitang babae
lamang ba ang maging bida?
Aba, hindi ako makapapayag! No way!"
Hindi maunawaan ni Candy ang sitwasyon nila ng kababata niyang si Toby. Mahigit sampung taon niyang hindi nakita ang lalaki at ngayo'y umaakto itong daig pa ang isang ulirang nobyo.
Why? Palagi itong nakaalalay sa bawat gawin niya, laging nakabuntot saan man siya magpunta at, higit sa lahat, naging hobby na yata nito ang paghalik sa kanya.
At siya naman, hinahayaan lamang niya ito.
Litung-lito na siya kung kaya't ipinasya niyang tanungin ito. Ngunit isa palang malaking pagkakamali ang ginawa niyang iyon.
.

"Nagayuma
pala ako ng lagay na iyon, bakit
hanggang ngayon, mahal pa rin kita."
“You will meet this guy. He is over thirty years old, mabait, tapat, good with people, he is goal-orieted and educated. He is very good-looking and well-built,” wika ng manghuhula kay Armine.
At tila nagkatotoo naman ang sinabi nito sapagkat kinabukasan din ay nakilala niya ang isang lalaking mukhang perpekto sa deskripsiyong iyon—si Steven.
Ang nakapagtataka ay tila ang pinsan niyang si Elle ang nagustuhan nito. At sa kasamaang-palad pa, ang “driver” nitong si Henry ang inakala nitong nagugustuhan niya. Inis na inis pa naman siya kay Henry dahil bilib na bilib ito sa sarili.
At hindi niya maintindihan kung bakit kahit napakayabang nito ay ito pa ang nagustuhan ng pinsan niya. Naisip tuloy niya na yaman din lamang at baligtad ang sitwasyon ay gawan na lamang nila iyon ng paraan: Gagayumahin niya si Steven; gagayumahin naman nito si Henry.
Kaya lang, nagkapalit ang mga gayuma. Ang nainom ni Steven ay ang gayuma ni Elle at ang nainom ni Henry ay ang gayuma niya!
.

"You hate me? I don’t think
so. You don’t just kiss
the one you hate the way you just kissed me.
You don’t hate me Sally. You want me."
Ayaw ni Sally kay Pol dahil mukhang hindi seryoso sa buhay ang lalaki. Idagdag pang sa tuwing makikita siya nito, hindi niya maunawaan kung talagang nanliligaw ito sa kanya dahil wala itong ginawa kundi asarin siya. Isa pa’y ibang lalaki ang nagmamay-ari ng kanyang puso—si Mikael.
Nakaisip siiya ng magandang plano. Panliligawan na lamang niya kay Pol si Cassandra, ang babaeng karibal niya upang makuha na niya nang tuluyan ang atensiyon ng lalaki “mahal” niya.
Kaya lang ay bakit ganoon?
Parang may kung anong tumutusok sa dibdib niya sa tuwing makikita niyang
magkasama sina Pol at Cassandra? At bakit sa tuwina’y naaalala
niya ang mainit na halik na dalawang ulit nilang pinagsaluhan ni Pol?
.

"I bought a flower every single
day we were apart.
Count all the flowers, every single one means a sleepless
night and a whole day pure longing to hold you in my arms again."
Isang lalaking oozing with testosterone anf isang tipo ni Gumamela. Iyon, sa katunayan,a ng nagustuhan niya sa kanyang former boyfriend na sukat na lamang nang-iwan sa kanya, si Polding.
Kaya naman nang makilala niya si Red ay hindi man lamang siya nagging interesado rito. Masyado kasi itong mabait s akanyang panlasa. Nang manligaw ito sa knaya ay boung pamilya niya ang nag-udyok sa kanyang sagutin ito. Naisip niyang walang masama. Baka sakaling matutuhan din niya itong mahalin.
Ngunit muling nagbalik si Polding. Ginulo nito ang kanyang mundo. Nagkalayo sila ni Red. At kung kalian naman sila nagkalayo ay saka niya na-realize na mahal na mahal pala niya ang binata.
Nakabuo siya ng desisyon: Babawiin niya si red sukdulang ligawan niya ito!
Wala siyang pakialam na hinarana pa niya ito pero mukhang dead-ma na talaga siya rito.
.