Pepper [batch 3] Divos & Diva

Samantha

 

Samantha ran away from home because her father was forcing her to marry a Chinese businessman to save their business. Napilitan siyang humanap ng trabaho sapagkat wala na siyang pera. She was hired as a yaya. Ang kanyang amo ay si Esting Macaraeg, isang hampaslupang napakayabang! Kung tratuhin siya nito ay para ba itong hari at dinala siya nito sa dulo ng daigdig para lang gawin siyang katulong! Hindi niya iyon matanggap. Wala itong karapatan! Kung may iba lamang siyang pagpipilian ay nilayasan na niya ito. Inis na inis siya rito. Pero bakit hindi niya maalis ang mga mata niya sa pagtitig sa katawan nito? Why did she think he had an absolutely delicious physique?

 

 

 

Miles Encarnacion

 

Parang kidlat si Miles Encarnacion sa buhay ni Pining. Dumating ito, nawalan ng trabaho ang tatay niya. Sa isang iglap, nawalan siya ng sampung libong piso dahil dito. Sa isang iglap, nobya-nobyahan na siya nito. Sa isang iglap, “break” na sila. Sa isang iglap, pogi na ito sa paningin niya. Sa isang iglap, hinahagkan na siya nito...

Anong kaguluhan iyon?

 

 

 

 

Pipay

 

Parang isang telenovela ang buhay ni Pipay. Lumaki siyang api-apihan hanggang sa dumating ang isang doña na nagpakilala bilang tunay na lola niya.

Masuwerte na sana siya kung hindi lamang sa isang ampon nitong minsan ay nagtangkang ipakulong siya kahit wala siyang kasalanan! Pero bakit sa loob ng maikling panahon, ang buwisit na ampon ay hindi na nakakainis? Bakit parang papogi na nang papogi ito sa kanyang paningin.

 

 

 

Julio

 

Never in her wildest dreams did Olivia think she would get involved with the underworld. But her father put her in that position. Wala siyang ibang magawa. Bilang kapalit ng buhay niya at ng kanyang ama ay kailangan niyang panatilihin sa laboratoryo ng leader ng gang ang isang chemist na gusto nang mag-resign, si Julio Buan. She was told she needed to do everything to make the man stay. If she needed to sleep with him, she had to.

She loved her father and her life as well, and so she would do whatever she was told to do. Ang problema lamang ay si Julio. Mukhang ni halik ay hindi niya mabibigyan ito. He was far from being good-looking, to put it mildly.

Ano na ang magagawa niya ngayon? Paano niya aakitin ang isang lalaking bukod sa “hindi kaguwapuhan” ay mukhang takot pa sa tao?

 

Lutchie Lee

 

Lutchie lost everything she worked hard for because she fell in love with the wrong man. Wala siyang tanging gustong gawin kundi ang magantihan ang babaeng nang-agaw sa kanyang mahal at mabawi ito.

Doon pumasok si Ruante Castillo na ang tanging gusto ay ang mabawi ang babaeng inagaw rito ng lalaking minahal niya. They did not like each other but they had to work together for one mission.

Ang kaso, bakit naiiba ang misyon niya sa pagtakbo ng panahon? Bakit parang ayaw na niyang mabawi ang ex niya at bumibilis ang tibok ng puso niya tuwing makikita niya si Ruante?

 

 

Gaye Elizalde

 

 Bagaman isang cosmetics expert si Gaye ay hindi siya mahusay sa pagpapanggap. She studied Cosmetics and trained under one of Hollywood’s best makeup artists. Nang kinailangan niyang magpanggap upang iwasang pakasalan ang lalaking napili ng lolo niya para sa kanya ay ginawa niya ang lahat ng makakaya niya. Mula sa pagiging isang magandang dalaga ay nag-transform siya sa isang matabang babaeng masama ang ugali at animo binukbok ang mukha.

Because she was no expert in wearing disguises, she accidentally created two personas: a fat, ugly woman and a pretty mute.

Mukhang nagugustuhan na nito ang pretty mute na walang iba kundi siya rin.

Pero dumating ang puntong gusto na niyang magustuhan siya nito bilang totoong si Gaye...

 

Copyright © 2008 - Designed by Tri Vuong