

Nang
lumuwas sa Maynila si Tatha ay isa lamang ang kanyang intensiyon---ang
makapaghanap ng trabahong makakatulong sa kanyang kapatid na mayroong
karamdaman. Dahil lumaki sa payapang lugar ay hindi siya sanay sa buhay-siyudad.
At hindi niya inakalang mapapasama ang kanyang lagay doon.
Salamat at may dumating na isang tagapagligtas, si Maximo Rivero. Mabait
ang matanda sa kanya at itinuring siyang parang isang tunay na anak.
Tunay ang malasakit nito sa kanya at sinuklian niya iyon ng ganoon din.
Subalit dumating ang pagkakataong nakilala niya ang anak nito, si Augusto.
Kabaligtaran ito ng ama nito---arogante ito, mapagmaliit. At ang nais
nito’y simple lang---ang mapaalis siya sa buhay ng ama nito.
Kinailangan
ni Tatha na makisama kay Augusto ayaw man niya. At natuklasan niyang
maaari naman pala silang magkasama ng maluwat. Unti-unti ay nabago ang
kanilang samahan. At unti-unti ay natuto siyang mahalin ito.
Akala niya ay wala na silang magiging problema, na magiging maayos na
ang kanilang samahan, sapagkat nadarama niyang may pagtingin din ito
sa kanya, subalit may mga bagay sa kailan lang na nakalipas sa buhay
niya ang sumusunod sa kanya, anumang pilit niyang kalimutan na ang mga
iyon… Higit sa lahat, may mga bagay palang hindi kinalimutan si
Augusto---kabilang na roon ang mababang pagtingin nito sa kanya.
Honeydew
was obsessed with the model Joey Mills, a member of the Maradiso tribe
of the ethnic group Oskuro. He was G-O-R-G-E-O-U-S. He turned out to
be her cousin’s wife’s ex-boyfriend and now close friend.
Dahil mayroon silang koneksiyon ay feeling close siya rito kahit hindi
siya nito pinapansin.
Isang araw ay nalaman niya kung bakit biglang nakasal ang kanyang pinsan
sa asawa nitong isang katutubong tulad ni Joey “Kay-ri”
Mills---nagpalipas ng gabi ang lalaki sa bahay ng babae. A bold idea
entered her mind…
Dinurog
ni Du-an ang puso at kumpiyansa sa sarili ni Ingga noong sila ay nasa
lugar nila. Pinagtawanan siya nito nang harapan nang akalain niyang
iniibig din siya nito.
Makalipas ang maraming mga taon ay muli silang nagkita. Iba na ito at
lalong ibang-iba na siya. Isa na siyang artista, habang ito naman ay
mayamang negosyante.
Ang ipinagtataka lamang niya ay kung bakit ito umaarteng para bang obligasyon
nitong protektahan siya. Mukhang may gusto sa kanya… ang kaso
ay ayaw niyang muling magkamali ng hinala. At lalong ayaw na niyang
mapaugnay dito, tanda pa rin niya ang ginawa nito sa kanya noon.
Pero sa kung anong biro ng kapalaran ay kinailangan nilang magpakasal…
Isa
sa pinakamagandang babae sa tribu si Lumlitan. Ngunit pagluwas niya
ng Maynila ay maraming tao ang namintas sa kanyang hitsura. Masakit
man iyon sa kanyang kalooban ay hindi naging hadlang iyon upang manguna
siya sa klase at sa huli ay mag-apply sa isang malaking kompanya, sa
Horace Industries.
Simple lang ang pangarap niya sa buhay at iyon ay ang makatulong sa
kanyang pamilya. Malaking biyaya niyang itinuring ang pagkatanggap sa
kanya sa Horace Industries sa isang mataas na posisyon.
Ang kanyang simpleng buhay ay nagkaroon ng komplikasyon nang matagpuan
niya ang sariling umiibig sa anak ng kanyang boss, si Danielito Marasigan---makisig,
guwapo, edukado, mayaman, at ikakasal na sa isang anak-mayaman din.
Wala naman siyang magagawa sa kanyang nadarama, malinaw sa kanyang isang
pangarap si Danielito na hindi niya kailanman makakamtan… Ngunit
isang araw ay nasorpresa siya nang magsimula ang lalaking pagtuunan
siya ng espesyal na atensiyon…
Mataas
ang pangarap ni Alaia sa buhay. Plano niyang mabigyan ng magandang buhay
ang kanyang mga magulang, makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Napakahirap
para sa kanyang kamtin ang mga iyon kung hindi niya tutulungan ang kanyang
sarili sapagkat ang kanyang sarili lamang ang kanyang inaasahan.
Salamat at nabigyan siya ng trabaho sa Villa Geronimo. Malaki magpasuweldo
ang pamunuan niyon. At doon niya nakilala si Malvar, ang nag-iisang
anak na lalaki ng may-ari ng villa.
Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita ay humingi naman ityo
kaagad ng dispensa, sa pamamagitan ng isang mamahaling alahas at maapoy
na halik…
Masyadong
mabilis ang mga pangyayari sa pagitan nina Alaia at Malvar. Ang kanyang
galit para sa kabruskuhan nito ay agad ding napalitan ng pagsuyo. Mahirap
para sa kanyang hindi mahulog ang loob dito kung lahat ay ginagawa nito
upang ipakita ang pagtingin sa kanya. Marami itong pinangako sa kanya,
maraming pinlano para sa kanilang dalawa.
At nang dumating ang puntong lahat ng pangako nito ay binawi nito, inakala
niyang isa lamang iyong masamang panaginip. Hiniling niyang sana ay
hindi iyon totoo. Labis niya itong kinailangan ngunit ibang lalaki ang
dumating upang sagipin siya. Tinulungan siya nito, iniba ang kanyang
mundo.
Makalipas ang mahabang panahon ay nagbalik si Malvar. At kung magsalita
ito ay para bang dapat niyang tanawing utang-na-loob dito ang naging
pang-iiwan nito sa kanya noon…