PAGUDPUD (Places & Souvenirs)

Paradise Detainee

 

Milady was sent to the Philippines because her grandfather had enough of her. At sa Pilipinas ay wala siyang ibang makakasama kundi ang pinsan niyang umpisa pa lamang ay halatang hindi siya handang i-welcome. Ang ihinain nito sa kanya ay corned beef na pinagtirhan at ang pinasalubong nito sa kanya sa airport ay isang lalaking mukhang Bondying. He was a geek named Baby Miggy, and her cousin’s suitor, too.


Iritado siya sa lalaki, pati sa pinsan nito at sa isa pa nitong kaibigan. Wala siyang magawa dahil ang allowance niya ay sa pinsan niya ipinapadala ng lolo niya. Napasama siya sa isang road trip. They went to Pagudpud. The place was paradise, perfect setting for romance. And when her cousin left her there with Miggy, things got a little romantic. But Miggy was her cousin’s. And she didn’t really want a geek for a boyfriend. Her life was in New York! But she couldn’t leave Pagudpud. There she was, detained in paradise, slowly becoming love’s detainee, too, it seems…

Away Bati Sa Paraiso

 

Kung hindi lamang sa malaking pasuweldo ni Eusebio ay hinding-hindi magtatrabaho rito si Isay. Sapagkat animo hari ito ng universe. Bad trip ito. Pero kailangan niyang sunggaban ang oportunidad. Kailangan niya ng pera para sa kanyang mga pangarap.

Bangayan sila ng bangayan. Reklamo ito ng reklamo sa kanya at ganoon din siya rito. Pero ang mga awayan nila ay himalang bigla na lamang tumigil isang araw. Sa halip na mainis siya rito, sa kanyang mga mata ay tumitindi ang kaguwapuhan nito.

At anong ligaya niya nang hagkan siya nito…

 

 

Crazy In Paradise 1

 

waiter, barber, engineer, loverUnang kita pa lamang ni Maria kay Ross ay naisip na niya agad na ito ang prinsipeng matagal na niyang hinihintay. Ang kaso, inis ito sa kanya. Sinusubukan niya ang lahat upang matuwa ito sa kanya at pansinin siya nito.

Hanggang sa dumating ang pagkakataong napasakanya ito.

Bahala na kung ano ang kahinatnan niyon...

 

 

 

 

Crazy In Paradise 2

 

Ang akala ni Maria ay magtutuluy-tuloy na ang kanyang happy ending—ngunit nagkamali siya. Chapter one lang pala ang masaya sa kuwento niya. Sapagkat ang kanyang Prince Charming ay nakahanap ng iba. Paano na siya, eh, siya ang bida?

 

 

 

 

 

 

Lovers In Paradise

 

Pumunta sa Pagudpud si Yna dahil ibig niyang mapag-isa at mapalayo sa mga alaala ng lalaking minahal niya at upang matapos na rin ang sinusulat niyang libro.

Ngunit ang tahimik na mundo niya ay nagulo sa pagdating ng isang maingay na kapitbahay, si Ismael. Walang ginawa ito kundi magpatugtog nang malakas, sumayaw-sayaw, at magtatakbo sa beach nang nakahubo!

One day she had enough of him. Pinagsabihan niya ito. Ang akala niya ay mababara niya ito subalit nagkamali siya. Hindi ito naapektuhan sa sinabi niya, bagkus ay nag-flirt ito. The nerve!
But why would she find herself always watching him while he wasn’t looking?

 

Sa Kabilang Dako Ng Paraiso 1

 

waiter, barber, engineer, lover

Nakilala ni Aurora si Jorge dahil sa kanyang trabaho. Alam niyang mababa ang pagtingin ng marami sa tulad niya na isang babaeng kapit sa patalim. Pero iba si Jorge. Tinulungan siya nito, nangako itong magbabago ang buhay niya, ipinahiwatig na may malalim itong pagtingin sa kanya. Pero ang mga pangakong iyon ay plano lamang pala nitong bawiin, pagkatapos niyang umasang dumating na sa wakas ang kanyang prinsipe sa katauhan nito...

 

 

 

 

Sa Kabilang Dako Ng Paraiso 2

 

waiter, barber, engineer, lover

Pakiramdam ni Aurora, ang buhay niya ay puno ng alon na walang gustong gawin kundi ang ilubog siyang pilit anumang pagtatangka niyang umahon. Nasa gitna siya ng laot, lubos nang nahihirapan... Sa lahat ng iyon, ang mga alaala ni Jorge ang nakapagbibigay sa kanya ng pag-asa, kahit wala na ito, sa kabila ng mga nangyari sa kanila. Kung kailan tila naging panatag na ang tubig ay saka ito nagbalik, tila hinahamon uli ang mga alon sa buhay niya...

 

 

 

 

Copyright © 2008 - Designed by Tri Vuong