

"I realized that if I cannot
have you. Daig ko pa ang
nagluluksa. Because you made it so hard for me to
last one single day without you near me. You’re the
biggest blessing God had ever given me."
Kinailangan ni Menggay na magbakasyon sa probinsiya kahit ayaw niya. Isa siyang sikat na komedyante na napasama sa isang eskandalo sa magulong mundo ng show business.
Sa kanyang pagbabakasyon ay nakita niyang muli si tim, ang batang uhugin na noon ay palagi niyang iniinis. But he was far from being uhugin. Isa na itong sikat na abogado, matikas, at guwapo. Ngunit ang mga mata nito ay malamig, walang buhay.
At may kung anong nakapukaw sa kanya upang tuklasin ang lamig na iyon sa mga mata nito. Kaya ban g powers niya?
"I figured, if I’m still
in love with you after seeing you
pee in a plastic bag, and spill piss everywhere,
then I guess I can love you no matter what."
Isang antique na kuwintas na may malaking topaz pendant ang naging daan upang magkrus ang landas nina Bituin at Alexander. Kailangan ni Alexander ang kuwintas para sa may sakit na abuela nito. Nangako naman si Bituin na ipagbibili niya ang kuwintas ditto kung sasamahan siya nito sa Cavite upang pakiusapan ang kanyang ex-boyfriend na balikan siya.
But funny—unexpected—thing happened on their way to Cavite. Bituin found herself falling in love with Alexander…

"Ang makapagdadala sa akin ng
babaeng ,mahal na mahal
ko ay may kaukulang gantimpala. Ang pangalan niya ay,
siguro ay alam na ninyo—Aurora Baybay."
Dahil lumaki si Auring sa pangangalaga ng mga tiyahinng matatandang dalaga ay natakot siyang matulad sa mga ito. Bata pa man ay pinangarap na niyang magkaroon ng sariling pamilya.
At nakilala niya si Art De La Vega, isang dayo sa kanilang bayan. Napakayabang nito. Unang pagkikita pa lamang nila ay nag-away na sila. Ngunit sa di-inaasahang pangyayari ay may nakakita sa kanila sa isang “alanganing posisyon.” Ang balita ay agad na kumalat sa buong bayan, na labis na ikinagalit ng kanyang ama at mga tiyahin. Pinilit ng mga ito si Art na pakasalan siya. Walang nagawa ang lalaki kundi ang pumayag.
Una ay umuisip sila ng paraan upang hindi matuloy ang kasal, ngunit nang lumaon ay tila dead-ma na ang paraan na iyon kay Art. Sa tingin niya ay nais na rin nitong matuloy ang kasal nila. At bago sumapit ang araw na iyon ay natuklasan niyang hindi rin pala siya nito mahal… gayong nahulog na ang loob niya rito.
She didn’t want to be trapped in a forced marriage. Gumawa siya ng paraan: Tinalikuran niya ito sa mismong araw ng kanilang kasal…

"And for a full minute, they
just looked at each other,
savoring that perfect moment. He was going to be her
husband. She loved him exactly the way he was. His
eyes were filled with so much warm, a whole lot
warmer than her half-consumed cup of latte."
Niligawan ni Fiona si Paquito—noong panahong tadtad pa siya ng pimples sa mukha, may braces sa ngipin, at puno ng bilbil ang katawan. Labis niyang pinagsisihan ang ginawa niyang pagsulat ditto, pagbigay ng bulaklak at tsokolate dahil nang malaman nitong siya ang mystery letter sender nito ay sukat sabihin nito sa lahat na wala sa loob nito ang pagtugon sa mga sulat niya.
Makalipas ang maraming taon ay muli silang nagkita. Wala na ang tigihawat niya. Malaki na rin ang nabawas sa kanyang timbang. Ito naman ay kasingguwapo pa rin ng dati… at mayabang pa rin!
Wala na talaga siyang pakialam ditto, ngunit dahil sa magkaibigan ang mga magulang nila ay napagkasunduan ng mga itong ipakasal sila. Ngunit sukat naglayas ito nang malamang ipapakasal sila!
Oh, no, she would never let one guy dump her twice! Sinundan niya ito upang ipamukha ritong kung ayaw nitong pakasalan siya ay lalong ayaw niyang pakasalan ito! Pero paano niya makukumbinsi ito kung mismong siya ay hirap paniwalaan ang bagay na iyon?

"Handa akong makipagpatayan sa
‘yo upang
mapatunayan ko kung gaano kita kamahal."
Kinaiinisan nang lubos ni Odette si Teb, ang best friend ng kuya niya. Katu-katulong kasi nito ang kuya niya sa pagbabantay sa kanya na animo mga guwardiya-sibil.
Si Te bang sinisi niya kung bakit—sa edad niyang beinte tres—ay never been kissed pa rin siya.
Ngunit isang gabi, may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya nagawang isuko ang sarili sa lalaking kinaiinisan niya? Well, she had an explanation for that. Lasing siya kaya niya nagawa iyon.
Ngunit ang hindi niya maipaliwanag ay nang ibigay niya rito ang kanyang
sarili sa ikalawang pagkakataon. Na hindi na siya lasing…

"The face that made her fall
in love the first time she saw
it was going to be the face she was going to see every
morning as she woke up for the rest of her life."
Sa tingin ni Tara ay perpekto ang kanyang buhay. Mayaman siya, may amang ibinibigay ang lahat ng gusto niya, may bpoyfriend na nasasakyan ang lahat ng tantrums niya.
Until her father decided to marry again.
Hindi niya matanggap iyon. Nagwala siya! At nang iharap sa kanya ng kanyang ama ang babaeng pakakasalan nito ay pinagtaasan niya ito ng kilay. Isinumpa niyang paghihiwalayin ang mga ito anuman ang mangyari.
Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay tila matatalo siya sa laban. Parang malabong maghiwalay ang mga ito. At isang gabi, dala ng sobrang pagseselos at pagmamaktol sa madrasta, ay nasagot niya ito, dahilan upang masampal siya ng kanyang ama. She decided to run away.
And run away she did. Ngunit nasundan pala siya ng stepbrother niyang si Jake na unang pagkakataon pa lamang niyang nakita ay nakapagdulot san g panghihina sa kanyang mga tuhod…

Matagal na ring single si Daye. And being single in the city was kind of tough, especially for a fifteen-pound overweight woman whose happily married or attracted friends insisted she needed to have a boyfriend.
Minsan naiisip niyang may jinx siya paghating sa relationships dahil palaging nagkakaroon ng mali, palaging hindi nagiging happy ang ending. Pero kahit ganoon, willing naman siyang sumubok uli. Because sometimes, it really did get so lonely it sucked big time. But it was not easy to establish connection with the few available single men her friends set her up to date.
Through the pressure and everything else from her romantically-sexually-happy friends, bitchy bodybuilding friend, more-troubled-than-her friend, asking-for-grandchildren parents, concerned-about-her-love-life client, somehow, she was able to find a man she connected with.
He just might be the key for her to find what she was really looking for.