MY LOVE, MY HERO

Draco Salvador (A Special Edition)

 

Draco

Si SPO1 Eula Serna ay isang matapang na alagad ng batas sa bayan ng San Jose.

Ang tahimik nilang bayan ay nabulabog dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga kababaihan. At siya ang naatasang mag-imbestiga.

Ang sabi sa report sa diyaryo, kagat dawn g bampira ang dalawang butas sa leeg ng mga biktima.

Lalo siyang kinilabutan nang makilala niya si Draco Salvador, ang misteryosong lalaking nobyo ni Dana Ybanez—ang prime suspect niya, sa loob ng morgue. Paano naman siya hindi kikilabutan, unang pagkikita pa lamang nila ay tila namagneto na siya sa mga mata nito at tila nawalan ng lakas ang mga tuhod niya?

Subalit habang lumalaki ang ebidensiya niya laban sa lalaki ay lalo naming nahuhulog ang loob niya rito…

 

 

Leon

 

sample image

Lumuwas sa Maynila si Isay para sa isakatuparan ang pangarap na maging isang sikat na artista.

Sa kasamaang-palad, bumagsak siya sa pagiging tindera.

Suwerte naming nagtagpo ang mga landas nila ni Leon, ang posging may-ari ng advertising agency. Nangangailangan ito ng bagong modelo. Umatras kasi ang orihinal na modelo ng isang shampoo commercial.

Agad naman siyang pumayag. Nag-click sa masa ang commercial kaya nagging sunod-sunod ang mga offers sa kanya.

Ngunit sa halip na matuwa ay nalungkot pa siya. Nararamdaman kasi niyang habang pumapaimbulog siya sa tagumpay ay unti-unting lumalayo sa kanya ang guwapong binata.

Kinompronta niya ito.

Tila tumigil sa pagtibok ang puso niya nang marinig ang sagot nito.

Carlos

 

sample image

Siya raw ang susunod na biktima. Iyon ay ayon sa kuya ni Yayi. At upang protektahan siya, ipina-abduct siya nit okay Carlos, ang guwapo at misteryosong kaibigan nito sa NBI.

Dinala siya ni Carlos sa isang isla kung saan ay pinaglaba at pinagluto siya nito, mga bagay na hindi niya ginagawa. Dahil doon ay inaway niya ito; pakiramdam niya ay pinahihihirapan siya nito. At kahit anong pilit niyang ibalik siya nito sa Maynila ay ayaw nitong gawin.

Ngunit sa paglipas ng mga araw, napansin niyang nag-e-enjoy na siya sa company nito. Not to mention the fact na attracted din siya rito. Hindi kaya umiibig na siya rito?

 

William Sebastian Gabriel Cornelius Hortados III
(A Special Edition)

 

sample image

Naguguwapuhan si Tin-tin kay Billy, ang apo ng best friend ng lola niya. Subalit hindi niya alam kung paano magre-react nang sabihin ng kanyang lola na kailangan niyang magpakasal sa binat, or else, mawawala lahat ng karangyaang tinamasa niya, pati na ng kanyang pamilya.

Hindi niya iyon matanggap dahil walang pagmamahalal na namamagitan sa kanila ni Billy. At batid niyang sa annulment din ang kapupuntahan ng pagpapakasal niya rito dahil ang girlfriend nitong si Sandra ang mahal nito.

Subalit nagising na lamang siya isang araw na gingampanan ang papel bilang asawa nito.

Lalo pa itong napamahal sa kanya nang iligtas siya nito sa taong gusting pumatay sa kanya. Ngunit ganoon na lamang ang panlulumo niya nang makitang si Sandra pa ang dinaluhan nito sa halip na siya.

It broke her heart to tiny little pieces… umiibig na nga siya kay Billy… ang kanyang asawa.

 

J Uy (A Special Edition)

 

sample image

Malaki ang problema ni Zel. Nasangkot siya sa isang illegal na aktibidad nang wala siyang kamuwang-muwang. Ngayon ay nangangailangan siya ng malaking halaga upang hindi siya patayin ng mga miyembro ng sindikato.

Kung kalian naman siya sumuko na sa pag-iisip kung paano siya makakakalap ng pera ay saka naman inihain ng tadhana sa kanya si J Uy, ang anak ng amo niyang Intsik. Ito ang solusyon sa kanyang problema.

Iang hakbang ang kanyang ginawa na ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magagawa niya.

Dapat ay matakot ito sa kanya, ngunit siya pa ang nabuwisit nang husto sa kakulitan nito. At kapag hindi na niya alam ang kanyang gagawin ay ito pa ang nagpaplano ng kanilang susunod na hakbang.

Was J just looking for an adventure? Siya ba ang adventure na iyon? Paano na siya kung natagpuan niyang sa huli ay ang puso naman niya ang nabihag nito?

 

Wilce (A Special Edition)

 

sample image

Wala ni hinagap ni Audra na mababago sa isang iglap lamang ang kanyang buhay.

Mula sa papag na kinahihigaan niya, sa iilang piraso ng natirang tinapay upang maibsan ang kanyang gutom, at sa kakaunti nang laman ng tubig sa bote na kailangan pa niyang tipirin kinabukasan, ngayon titira siya sa mansiyon na pag-aari ng guwapong si Wilce, at matitikman niya ang masaganang buhay.

Masaya na sana suya, ngunit sa bawat araw na inilalagi niya sa poder ng binata ay lalo lamang nitong ipinamumukha sa kanya na sadyang wala siyang lugar sa mundong ginagalawan nito.

Gayunpaman ay natutuhan na niya itong mahalin. Ngunit ang mas masakit sa kanya ay nang nalaman niyang may iba na palang nagmamay-ari ng puso nito.,

 

Pepe (A Special Edition)

 

sample image

Napilitang magtungo si Carmeline sa San Fernandina dahil sa sunod-sunod na death threats na natatanggap niya. Bukod pa roon ay hindi niya matanggihan ang offer ng abogado ng lola niyang kailanman ay hindi pa niya nakilala. Ibibigay raw sa kanya ang natirang ari-arian ng matanda basta manatili siya sa San Fernandina at pagyamanin ang lugar na iyon.

Ngunit pagtapak na pagtapak pa lamang niya sa baying iyon ay agad na siyang nagduda kung tama ang kanyang nagging pasya. Lahat ng tao sa lugar na iyon ay naniniwalang siya ay apo ng aswang.

At nang Makita niya si Jose “Pepe” Isidro, ang abogadong siyang papatnubay sa kanya habang naroon siya, nakumpirma niyang mali ang kanyang nagging desisyon.

For he looked like the devil himself!

 

 

Franco Cortez (A Special Edition)

 

sample image

Isang gabi ay tila hulog ng langit na dumating si Francoo sa saklolo ni Paige. Dinala siya nito sa probinsiya upang protektahan siya sa mga hindi pa nakikilalang nagtatangkang dumukot sa kanya. At sa lugar na iyon kung saan sariwa ang hangin, maganda ang bawat umaga, masarap ang pagkain, at tiwala siya sa siguridad niya ay nakita niya ang mga bagay na hindi niya noon napansin kay Franco—ang manliligaw na binasted niya.

Unti-unti ay parang nais niyang pagsisihan ang pambabasted niya rito noon. Nakaka-frustrate na noon ay abot-kamay na niya ito. Idagdag pang sa eksena ngayon ay may isang Belinda na umaangkin kay Franco.

She was not supposed to care. Pero hayun siya at ngitngit na ngitngit at nais sabunutan ang babae. Dahil ang kapal ng mukha nitong magpahayag ng territorial message! Kanya si Franco! Kanya lamang!

 


Godo

 

sample image

Nakasaksi sa krimen si Negs kaya kinailangan niyang tumalilis sa crime scene dis-oras ng gabi. Ulila siyang lubos at walang ibang malapitan kundi ang kaibigan niyang bading na si Tonio.

Ang kaunti niyang ipon sa bangko ay hindi na niya nagawang balikan sapagkat naging wanted siya sa isang krimeng hindi naman niya ginawa. At dahil nahihiya naman siya sa kaibigan na karguhin siya ay pumayag siya sa isang baliw na ideya: ang magtrabaho rin sa club na pinapasukan nito bilang drag queen.

Doon ay natanggap naman siya at nakilala niya ang ubod nang guwapong si Godo, ang may-ari ng lugar. At mukhang nagpapa-cute ito sa kanya… Ang kaso, sa pagkakaalam nito ay isa siyang bading! Kaya?

 

 

 

Malcolm

 

sample imageDahil sa takot na naramdaman sa nasaksihang krimen ay tumalon si Liwayway mula sa ikalawang palapag ng gusali patungo sa swimming pool. Pagkatapos niyon ay iniharang niya ang sarili sa parating na taxi upang pasakayin siya kahit basang-basa siya, saka nagpahatid sa isang mall.

Nahabol pa rin siya ng masasamang-loob. Nakarating siya sa parking area ng mall. At dahil wala nang mapuntahan ay pumasok siya sa trunk ng isang sasakyan. Kalaunan ay natuklasan niyang ubod ng guwapo pala ang driver niyon--si Malcolm, isang kaskasero ng driver at umiinom pa habang nagmamaneho.

Matulungan kaya siya nito o lalo lamang siyang mapahamak dahil dito? Pero bakit pinili pa mas gusto na yata niyang mapahamak basta ito ang kasama niya...

 

Copyright © 2008 - Designed by Tri Vuong