

Walang choice si Yan-yan kundi pumayag sa kagustuhan ng kanyang papa na pakasalan niya ang anak ng kaibigan nito, si Romeo. At nais niyang maglupasay nang makita ang hitsura nito. “Nerd.” Iyon ang tamang itawag kay Romeo.
Gumawa siya ng paraan upang hindi matuloy ang pagpapakasal dito. Subalit nang lumaon, ayaw man niyang tanggapin ay tila nahuhulog ang loob niya rito.
Ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang ang nerd na Romeo palang nakilala niya ay isang pagkukunwari lamang? Na ang totoo palang Romeo ay isang man of the world? At si Heather Martinez, isang magandang socialite, ay nobya pala nito?
Gumawa siya ng paraan upang hindi matuloy ang pagpapakasal dito. Subalit nang lumaon, ayaw man niyang tanggapin ay tila nahuhulog ang loob niya rito.
Ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang ang nerd na Romeo palang nakilala niya ay isang pagkukunwari lamang? Na ang totoo palang Romeo ay isang man of the world? At si Heather Martinez, isang magandang socialite, ay nobya pala nito?
Malaki ang problema ni Gelyn. Sa edad niyang dalawampu’t pito ay wala pa siyang steady date. Kung may nakakaka-date man siya, either bebentahan siya ng kung anu-ano, super-yabang or mukhang… never mind! Hanggang sa humingi ng pabor sa kanya ang boss niyang si Ace. Magpapanggap daw siyang nobya nito. Pumayag naman siya. Guwapo naman kasi ito at sa tingin niya ay “iba” sa mga lalaking nakilala niya. Kaya nga hindi niya napigilan ang sariling mahulog ang loob dito.
Ngunit paano kung matuklasan niya ang “tunay” na pagkatao nito?

Nais panawan ng malay ni Donna nang malaman niyang ikakasal siya sg kanyang ina sa isang lalaking ni hindi pa niya nakikita sa tanang buhay niya. Hindi pa siya handang magpakasal kaya nagpasya siyang lisanin ang bahay nila sa tulong ng kanyang kapatid na si Daniel.
Napadpad sila sa sasakyan ng isang lalaking nagngangalang Hugh. Dahil patungo sa probinsiya ang lalaki ay nagpanggap silang magkapatid na tumakas mula sa isang “mabagsik na amo.” Pumayag naman itong kupkupin silang dalawa. In short ay namasukan siya bilang katulong nito. Sa pagdaan ng mga araw ay natuklasan niyang taglay nito ang lahat ng gusto niya sa isang lalaki. Umibig siya rito ngunit natuklasan niyang itinuring lamang siya nitong isang laruan. Sa huli ay ito naman ang kanyang tinakasan. Ngunit pagbalik niya sa Maynila, natuklasan niyang ito pala ang lalaking nakatakda niyang pakasalan!

Gusto ni Dedee na kapag ikinasal siya ay siya ang pinakamagandang bride. Pero imposible na yatang mangyari iyon.
She got married, all right. Kaya lang ay business arrangement lang iyon at sa huwes lang. Seth needed a wife and she was available. Kapag naayos na nito ang mga kailangan nitong ayusin ay maghihiwalay na sila.
So she did her part as the good housewife. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay mag-eenjoy siya sa kanyang ginagawa. At lalong hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya rito.
Seth may look fearful but he was so naïve in many ways. Para itong inosenteng bata na ngayon pa lang natuto sa kalakaran ng mundo.
Hindi niya puwedeng itanggi na masaya na siya. Ano ngayon kung hindi na matutupad ang pangarap niyang maging totoong bride? Dahil higit pa roon ang nakuha niya…

Mula pa noong high school ay tinik na sa lalamunan ni Georgina si Toots.Wala na itong ginawa kundi ang ipahiya siya sa panunukso nito sa katabaan niya. Ginawa siya nitong pang-aliw at katatawanan. Mabuti na lang at nauna itong magtapos; nabunutan siya ng tinik.
Ang akala niya ay hindi na sila magkikitang muli, ngunit makalipas ang ilang taon ay nagtagpo uli ang mga landas nila.
Ang guwapo-guwapo na nito at malaki ang ipinagbago, Mula sa pagiging isang teenager na tila walang pangarap sa buhay ay naging politiko na ito at isang abogado. Ang hindi lang nagbago ay ang pagpuna nito sa katabaan niya. Mukhang hanggang ngayon,isa pa rin siyang malaking katatawanan para dito.
Alam niyang hindi dapat na bigyan niya ito ng pansin.
Ngunit maaari baiyon, ngayong may crush na siya rito?

Contressa’s biggest dream was to get married to the right man. Sa palagay niya ay natagpuan niya ang right man sa katauhan ng nobyo niya. Ang problema ay hindi pa sila maaaring magpakasal dahil kailangan muna niyang piliting tumanggi sa kasal nila ang lalaking napisil ng kanyang lolo na pakasalan niya. Ang lalaki ay walang iba kundi si Travis.
Pero matigas si Travis sa kapasyahang magpakasal sila. Hindi raw ito papayag na hindi matuloy iyon…

Natuklasan ni Contressa na mahirap palang kausap si Travis. Ang proposition niya na sa palagay niya ay kapwa nila pakikinabangan ay tinanggihan nito. At gigil na gigil siya rito na gusto nitong pakasalan siya gayong unang kita pa lang niya rito ay may kasiping na itong iba!

Binuo ni Emiliana ang mga batang pangarap niya na kasama si Aldo, ang kababata niya at unang nobyo. Ngunit nasira ang pangarap nila. Sinira iyon ng matinding pangangailangan niya. At kinailangan niyang itaboy ito palayo...

Sa loob ng mahabang panahon ay nagtiis si Emiliana sa piling ng isang lalaking malupit sa kanya. Nasa ganoong estado siya nang muli niyang makita ang lalaking siyang isinisigaw pa rin ng kanyang puso--si Aldo. Ngunit iba na ito. Mas kilala na ito sa pangalang “Zeke,” isang mayaman at makapangyarihang tao.
Sa kabila ng malaking ipinagbago nito ay nasilip niya sa mga mata nitong buhay pa rin ang pagtingin nito sa kanya.
Pero totoo ba ang nakita niya o isang bahagi lamang ng palabas?