

“His kiss was far better than Valium or any other sedative. It calmed her soul, ease away her tension. And he didn’t stop, too. He didn’t stop kissing her until all her worries were forgotten.”
Nakilala ni Remedios si Aurelio bilang “Paul” sa isang bar. Nagrerebelde siya at ito ang kanyang napag-trip-an. Ang plano niya ay lustayin ang perang pinaghirapan ng kanyang ama kaya plano niyang ubusin iyon sa binata. Wala naman itong isinukli kundi kasupladuhan. Ngunit sa likod ng kasupladuhang iyon, batid niyang isang mabuting tao ito. Palagi siyang pinagsasabihan nito, inaalala. At natagpuan niya ang sariling hinahanap-hanap ito. Kulang ang mga sandali kapag magkasama sila.
Noon ito lalong nagging suplado, palagi siyang itinataboy palayo. Kaya naman sinugod niya ito. At natuklasan niya ang dahilan: binayaran ito ng kanyang kapatid niya para layuan siya.
Ngitngit na ngitngit siya. Sa gitna ng napakaraming kamiserablehan sa buhay niya ay sumali pa ito. Binalikan niya ito, ninais pamukhaan—at ninais makitang muli kahit sa huling pagkakataon. Ngunit wala na ito, naglaho nang parang bula.
He didn’t want to turn back from his vice which was Nadia. She was stronger, a lot more potent than any substance available in the market.
Baguhan sa ibang bansa at sabik sa ibang Filipino si Nadia. At nang minsang namamasyal siya sa Times Square sa New York ay pinaunlakan kaagad niya ang paanyaya ng pinakaaroganteng lalaking nakilala niya—si Paulino.
Ang hindi inaasahang unang pagkikita ay nasundan pa. she found out Paulino was a very rich businessman in Manhattan, so rich in fact that he offered her five thousand dollars to sleep with him. She knew she couldn’t play his game. Hindi siya sanay makihalubilo sa mga tulad nito—rich, powerful, gorgeous, sensual.
Sinubukan niyang iwasan ito, but she was like the moth uncontrollably drawn to the fire. And just like that stupid moth, she could get burned…

“Minsan naiisip ko, ano ba ang mapapala ko sa lahat ng ito? Marami akong nasasaktang tao, kasama na ako roon. ‘Tapos, maiisip ko, ano ba ang kapalit ng lahat ng ‘yon? ‘Tapos, maiisip kita. Ikaw ang kapalit ng lahat ng ‘yon. And I would smile and think, hell, it’s all worth it.”
The fire burned the moth’s left wing. But it figured it had another one so it kept going near the fire.
It was too late for Nadia to back out from her relationship with Paulino. Mahal na mahal na niya ito. Handa na siyang sumuong sa kahit saan para ditto. Pero kailangan niyang mag-reality check—hanggang saan ang kahit saan?

He would never cease to put smile on her lovely face, never get tired of teasing her to see the beautiful blush of her cheeks. For she was his life, she was his new life, his would-be wife. Her happiness was his, too.
Hanggang sa makilala niya si Iggy Daza, isang beterinaryo. Unang pagkikita pa lamang sila ay attracted na agad siya rito. Wala namang ginawa ito kundi tuksuhin siya—sa kanyang labis na pagkainis. Sa bawat pagtatagpo nila ay iginigiit nitong may gusto siya rito. Kahit ayaw niyang mahalata siya nito ay wala namang siyang magawa dahil totoo naman ang obserbasyon nito.
Until one day, she decided she was going to make him her boyfriend. Nangyari naman iyon sa lubhang kasiyahan niya. Pagkatapos niyon, ilang matatamis na halik ang pinagsaluhan nila.
Pero isang araw, naabutan niya ito sa isang intimate na eksena—kasama ang isang babae.
“For the record, Dottie, you-are-not-my-girlfried! You only insisted you are, but we both know you’re not. Pinagbigyan kita, because I don’t want to hurt your feelings. But, really, this has gone too far!”
Tigagal siya sa sinabing iyon ni Iggy.

Hindi talaga niya maunawaan ang lalaking ito.
Ano ba talaga ang nais nitong mangyari? At
paano niya iiwasan ito when he was
being that lovable?
Dahil sa pagrerebelde sa kapatid ay naglayas si Sibyl sa kanila. Alam niyang makikita siya ng kanyang kapatid kung hindi niya pag-iigihin ang pagtatago. Her brother, was after all, was one of the richest and most powerful men in the country—Ross Las Conia. Kaya namasukan siya bilang katulong. Iyon ang huling maiisip nitong gagawin hiya. At ang huling lugar din na maaaring paghanapan nito sa kanya ang napasukan niya—isang punerarya.
There, in the funeral home, did she meet her boss, the gorgeous funeral director and mortician with the name very contrary to his looks—Toto.
She had always been drawn to strange things. And Toto, being mortician, was no exception. Ang problema, simula pa lamang ay natuklasan na niya kung kaano kababaero ito. Ito lang yata ang funeral director na hinahabol ng mga kababaihan. And it was no wonder, too. He was very, very sweet and lovable.
Imposible nga lamang na magkagusto ito sa kanya, sapagkat siya ay isang kawaksing may punto kapag nagsalita, sobrang kapal kung mag-make up, at sobrang baduy pumorma.

“Alam kong usapan nating wala tayong pakialamanan sa isa’t isa pero hindi ko pala kayang panoorin ka lang sa ginagawa mo. I’m not numb, Toto. May pakiramdam ako. At mahal kita! Nagseselos ako sa kanya.”
Dumating ang panahong kailangan nang malaman ni Toto ang totoong katauhan ni Sibyl—na siya ay hindi isang kawaksi kundi kabilang sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa bansa. She had to tell him, because she couldn’t go on pretending. She had already fallen in love with the funeral director.
But someone else beat her to the punch. And Toto hated her. Sinubukan niyang kausapin ito upang magpaliwanag ngunit hindi na niya makontak ito. Nagpasya siyang puntahan na ito. At labis siyang nasorpresa sa kanyang nadatnan—mukhang hindi na ito galit. Sa katunayan ay kasama nito ang girldriend nito. It became clear to her all of a sudden, kawaksi man o hindi, hindi nito kayang mahalin siya.
Pero hindi pala doon natatapos ang problema. Nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila…