LOVE JUNKIES [batch 2]

Lavinia, The Bratty Love Junkie

 

sample image

You lied when you said you didn't love me.
Because you did. And from the look on your face,
I could very well say that you still do."

Isang spoiled brat, iyan si Lavinia del Rosal. Wala siyang ginusto na hindi niya nakuha. Kaya naman nang i-challenge siya ng mga kaibigan na subukan ang kanyang charms ay agad siyang pumayag. Nagpalabunutan kung sino ang malas na lalaking paglalaruan niya sa kanyang mga palad. Ang nabunot, si Tony Pedfea, ang most eligible bachelor in town...

Man of the world, iyan si Tony Pedfea, aka TP. He lost a bowling game with Mauricio, a bitter man who wanted his revenge from the lady who dumped him--si Lavinia del Rosal. He was left with no other choice but to do what Mauricio asked him: ang turuan ng leksiyon ang mayamang babaeng spoiled brat.

Ngunit paano sila mananalo sa kanya-kanyang misyon kung sa mga pagtatagpo nila ay palagi na lamang silang nagkakaroon ng argumento sa isa't-isa?

 

 

Danica, The Disullusioned Love Junkie

 

sample image

Sabihin mo sa 'kin, ipaliwanag mo kung sa tingin mo,
malilimutan pa kita kahit kailan, Danica. Ipaliwanag mo
kung paano ko malilimutan ang isang tulad mo... dahil
hindi ko yata kayang isiping may posibilidad ang ganoon.

Naghahanap ng atensiyon mula sa pamilya si Danica nang makilala niya si Daniel, isang kargador ng bigas sa palengke. Lahat ng hinahanap niya na hindi ibinibigay sa kanya ng pamilya ay ibinigay nito. She fell in love with him. And they got married.

Ngunit ipinagtabuyan siya nito at humingi ng isang milyong piso sa kanyang kapatid kapalit ng paglayo nito sa kanya.

Makalipas ang anim na taon ay muling nakita niya ito. He was now a businessman tycoon from mexico, larger than life, more dashing than before...

And he threatened to file adultery chargers against her if she wouldn't be his wife again...

 

 

Madeline, The Overzealous Love Junkie

 

sample image

"You're not my type. You're so damned sexy.
Maraming kalaban. Pero ikaw ang mahal ko,
ano'ng magagawa ko?"

Bago mag-alas-dose ng madaling araw ay bumaba na si Madeline sa sala, kaagad na sinindihan ang kandila. Nang tumunog ang grandfather clock, tanda na hatinggabi na, ay umusal na siya ng chant.

"Ipakilala mo sa akin ang aking kapareha, salamin. Ito ang aking tanging hiling."

Dahan-dahang nagmulat siya ng mga mata. And there on the mirror was Tyler Amecable--ang kanyang mortal na kaaway!

 

 

Angela Lee, The Convert Love Junkie 1

 

sample image

Ang bagay na kinatatakutan niyang mangyari noon pa ay
nangyari na. She was already in love. At kaya siya ngayon
narito sa piling ni Gerardo ay dahil hindi niya iniiwasan ang
pag-ibig. As a matter of fact, she was ready to face it--head-on.

Walang tiwala si Angela Lee sa mga relasyong romatiko, and men in general. Ayaw niyang matulad sa kanyang ina na nagtiwala at nasaktan at patuloy na nasasaktan dahil nagmahal ito ng maling lalaki. Naisip niyang may mga taong sadyang tumatandang mag-isa at naniniwala siyang isa siya sa mga iyon. Hanggang sa makilala niya si Gerardo.

She had been running away from love, she never thought it was waiting to surprise her in the wrong place, at the wrong time, and with the wrong man. For she was the only daughter of one of the Republic's senators, while Gerardo was a hired hand at her friend's hacienda...

 

 

Angela Lee, The Convert Love Junkie 2

 

sample image

She used to hate love, now she couldn't
wait to share it with this man.
The love junkie in her was euphoric."

Sa kabila ng pagtutol ng mga tao sa paligid niya ay nagpasya si Angela na piliin si Gerardo. Mahal niya ito at batid niyang mahal din siya nito. Ngunit may mga bangungot ito mula sa kahapon na hindi nito kailanman malilimutan. And soon, it came back to haunt him.

Nagkalayo sila ng damdamin, pinaghiwalay ang kanilang mga saloobin... could they still go on together after they grown apart?

 

 

 

Corrine. The Duped Love Junkie

 

sample image

"Forget what I said before. I didn't know what
I was doing then. But now I do. I love you."

Feeling loser talaga si Corrine pagkatapos na ipagpalit siya ng kanyang mapapangasawa sa kanilang best man sa mismong araw ng kanilang kasal. Lolo siyang nainis nang itrato siya ng lahat na tila isang babasaging kristal. Kaya naman nagdesisyon siyang magbakasyon sa apartment ng pinsan niyang walang pakialam sa mundo.

Ngunit lahat yata ng bagay ay nagbabago; hindi na walang pakialam ang pinsan niya, in love na ito. At ang tanging sagabal sa love story nito ay isang lalaking nagngangalang Nicanor Padua, isang hermit na nagtatago sa sariling isla nito. Kailangan niyang makausap ang lalaki, for the sake of her cousin.

Nang marating niya ang Bughaw Island ni Nicanor ay nagulat siya dahil malayo sa pagiging ermitanyo ang hitsura nito. He was gorgeous! At lumabas ang kanyang kakulitan, she insisted to stay on the island whether he liked it or not!

 

 

 

 

Didith, The Reasonable Love Junkie

 

sample image

"I love you. I do. I can't bear the sight
of you with another man."

Artista si Didith. At kung kailan siya walang kapera-pera ay saka lumapit sa kanya ang isang Simon Olivera na nag-alok sa kanya ng isang kakaibang acting job. Gagawa sila ng paraan upang mabaling sa kanya ang pansin ng kapatid nitong may nobyang hindi nito gusto.

Dahil magaling naman siya sa larangan na iyon, sa tingin niya ay kaya niyang gawin iyon. Ngunit mukhang imbes na tulungan ay lalo lamang pinahirapan ni Simon ang kanyang trabaho. Bigla na lamang kasi nitong inanunsiyo na magpapakasal na sila!

 

 

 

 

Nelia, The Ambitious Love Junkie

 

sample image

"I love you so much. I never thought
i'd be asking someone to marry me ever."

Mataas ang pangarap sa buhay ni Nelia, iyon ay ang sumikat at yumaman. Madali sana siyang makakakuha ng trabaho kung saan mapapadali ang pagtupad niya sa mga pangarap--nakapag-asawa kasi ng mayaman ang Ate Bebs niya--ngunit masyadong ma-pride ang kanyang ama at ayaw nitong hihingi siya ng tulong sa kanyang bayaw.

Isa na lang ang naisip niyang paraan: ang sumali sa beauty contest sa telebisyon. Kung kailan naman tila abot-kamay na niya ang mga pangarap ay saka niya nakilala si Arturo, isang supladong lalaking mula sa isa sa pinakamayayamang angkan sa bansa.

Bakit nag-iba yata ang kanyang ambisyon mula nang makilala niya nito? Ayaw na niyang sumikat. Gusto na lamang niyang pansinin siya nito. Ngunit mas mahirap yatang ito ang ambisyunin niya...

 

 

 

 

Yana, The Prayerful Love Junkie

 

sample image

"I fell in love with you the moment I saw
you lying on the bed like cleopatra
that night on my father's birthday."

Yana worked for a top cosmetic company. Everything in her life was fine, except for one thing: her boss who was very grumpy. Nasita na siya nito sapagkat palagi siyang late. Ngunit hindi lamang ito repressed sapagkat hindi nito mailabas ang tunay na katauhan nito. She doubted his masculinity.

Pero sa isang conference sa Subic na isinama siya nito, at kapwa sila lango sa alcohol, ay may nangyari sa kanila. The next day, she didn't know what to do... so she just decided to leave him while he was still asleep and pretended that nothing happened.

Pero hindi naniwala ito sa kanya.

Ang ginawa niya ay iniwasan na nita ito. Napansin niyang lumayo na rin ito sa kanya. Ngunit bakit siya nasasaktan kapag binabale-wala na siya nito, na parang walang nangyari sa kanila? Hindi ba't iyon ang gusto niya? Naiinis na nga siya sa kanyang sarili.

Mas magulo pa siya sa eleksiyon sa Pilipinas!

 

 

 

 

Alexa, The Insecure Love Junkie

 

sample image

"Do you ever want me to flirt with you? 'Cause I
will. Just give the signal and I swear I will."

Alex was a doctor, she topped the board exams and had a nice practice in her family's own hospital. Ngunit siya ay insecure. She simply thought she was not that pretty. But she had learned to deal with that. Okay naman talaga ang lagay niya.

Hanggang sa makilala niya si Gabriel, ang brother-in-law ng pinsan niya.

Hindi pa man sila nagkikita ay inis na siya rito sapagkat inindiyan nito ang rehaersals ng kasal ng pinsan niya gayong ito ang best man. And when they finally saw each other, she thought he was a complete jerk. He kept teasing her, flirting with her--while his girlfriend was around!

But then she couldn't resist his charms, and she found herself falling for him... Ang malaking problema: praning ang girlfriend nito. The woman was just so obsessed with Gabriel she would do everything to make her life a living hell. And worse, the woman made Gabriel believe she was a lunatic.

 

 

 

 

Copyright © 2008 - Designed by Tri Vuong