LOVE JUNKIES [batch 1]

Stella, The Unwilling Love Junkie

 

sample image

I don't give a damn about that dream, Stella.
Because ever since I found out that I love you,
Ikaw na ang naging pangarap ko. Aanhin ko
ang lahat ng 'yon kung wala ka naman?

Stella was a head-strong woman, mataray, suplada at parang may permanente nang PMS. Matagal na niyang kinalimutan ang pag-ibig. Para sa kanya ay pag-aaksaya lamang iyon ng emosyon at oras. Ang tanging mahalaga sa kanya ay ang makaipon nang sapat para sa kanyang sarili.

Nag-alok ng trabaho sa kanya ang kanyang boss. Iyon ay ang maging caregiver ng kapatid nitong si Vinny na naaksidente at pansamatalang naparalisa ang mga binti kapalit ng malaking suweldo kada buwan.

Kaya pala ganoon ay dahil walang tumagal na tagapag-alaga sa kapatid nitong guwapo nga ay masyado namang maangas at daig pa ang batang paslit kung mag-tuntrams. Ngunit hindi iyon uubra sa kanya. Tatapatan niya ito.

Patigasan ang laban. Ere sa ere, angas sa angas.

Manalo kaya siya? Paano kung bumigay ang puso niyang akala niya'y matagal nang paralisado?

 

 

 

 

Alice, The Self-confessed Love Junkie

 

sample image

When he kissed you, nothing in this world
matters. It will be just you, the guy,
and the wonder of the kiss.

Wala nang inasam si Alice kundi ang maikasal kay Vinny. It was what she had been dreaming of ever since she was a kid. Para sa kanya, ito ang kanyang Prince Charming.

Ngunit mula nang "maaksidente" ito ay naging bugnutin na ito at malamig sa kanya. She was hurt.

Isang gabing pauwi na siya, naisip niyang pumasok muna sa isang bar na nadaanan niya upang saglit na makalimot sa mga pambabale-eala ni Vinny sa kanya. Doon nakilala niya si Miguel, isang estrangherong ngumiti sa kanya na nginitian din niya. Nauwi sila sa bahay nito.

She gave herself in wild abandon to a complete stranger...

 

 

Maya, The Stubborn Love Junkie

 

sample image

I realized that it's fine to spend my whole life
waiting for you to get ready to marry me
than live without you by my side.

Malaki ang paniniwala ni Maya na hindi nararapat na ipakita sa kanyang nobyong si Josh ang tunay niyang nadarama--na patay na patay siya rito. She had discovered in a past relationship that men tend to take advantage of women when they learn that they head over heels in love with them.

She was headstrong, always on top of their relationship. And when Josh proposed, she got scared that she might lose her power in their relationship.

Nagdamdam ito sa kanya at kung kailan niya nabatid na mas mahalaga ito kaysa sa pride niya ay saka naman pumasok ang isang babae...

 

 

 

Faye, The Clueless Love Junkie

 

sample image

Napilitan magtrabaho sa isang girlie bar si Faye bilang dancer upang may maipantustos sa kanyang inang may sakit. Doon niya nakilala si Josh, isang abogadong handa siyang tulungang makaahon sa buhay.

At nang panahong wala siyang ibang malapitan ay nagpunta siya rito. Maayos naman ang pakikisama nito sa kanya. Napakabait nito sa kanya at sa kanyang pamilya.

Maayos na sana ang lahat kung hinsi lamang sa nakatatandang kapatid nito na si Jeremy.

Aaminin niyang may atraksiyong hatid sa kanya ang binata pero pilit na lamang niyang iniignora iyon. dahil wala na itong ginawa kundi ipamukha sa kanyang mababang uri siya ng babae.

Paano niya pasusubalian ang mga paratang nito kung ganoong nang halikan siya nito ay hindi naman siya pumalag.

 

 

 

 

Luisa, The Eager Love Junkie

 

sample image

There are only a few people in the world who need not go
out of their way to find their perfect match. You are one of
those lucky people, Lui. Would you just let him get away?
Seize your happiness while you still have the chance.

Luisa had always believed that a kiss could determine her future. Sabi niya noon sa kanyang sarili, kapag naramdaman niya sa pamamagitan ng isang halik ang lahat ng nabasa niya sa mga romance novels, sisiguruhin niyang ang lalaking iyon ang makakasama niya habang-buhay.

Ngunit paano ngayong ang halik na naging sanhi upang maramdaman niya ang lahat ng iyon ay mula sa pinakamatalik niyang kaibigan? Paano, lalong higit, kung ito ay ikakasal na?

 

 

 

Whitney, The Remorseful Love Junkie

 

sample image

“I never intended to fall for you. I promised that I wouldn't. But here I am...”

Pagkatapos ng hindi natuloy na pag-iisang dibdib sa dating kasintahan ay tila nagkaroon na si Whitney ng sariling mundo.

She wanted to revive her old self, but she found it hard to do so, especially when everyone was always on her butt, trying to comfert her. She did not need comfort; what she needed was a savior, someone to help her make people forget she got dumped by her fiance.

Noon naman niya nakilala si Attorney Benjamin Lara. Naghahanap ito ng asawa upang makuha nito ang mana nito. Hihiwalayan daw nito ang mapapangasawa makalipas ang anim na buwan.

She saw him as her savior. She accepted his offer. Mayroon nga lamang itong mahigpit na bilin sa kanya: "Do not fall in love with me, Whitney."

Sana ay masunod niya iyon at mapaglabanan ang atraksiyong hatid nito sa kanya. ;

 

 

 

 

Copyright © 2008 - Designed by Tri Vuong