

“Hindi
puwedeng hindi na kita makita ulit. Paano ko
naman masasabi sa 'yo na maha na mahal kita?”
Nakilala ni Lia si Derek dahil nanliligaw ito sa kaibigan niyang si Kelly. Ayaw ni Kelly sa binata—kahit pa nga nandito na ang lahat ng katangiang hinahanap ng isang babae sa isang lalaki.
Nagkataon naming magmula ng makilala niya si Derek, parati nang nagku-krus ang mga landas nila. Akala tuloy nito ay sinusundan niya ito. At tuwing magyayari iyon, wala na itong ginawa kundi asarin siya!
Nais niyang tirisin ito nang pinung-pino sa sobrang inis. Subalit bakit sa tuwing magkakalapit sila ay nanghihina ang kanyang mga tuhod? Namimigat ang talukap ng mga mata niya at nais niyang hagkan siya nito?
How dare you! Ganyan ba talaga kababa ang pagtingin mo sa akin?"
"Let's just say I don't trust women like you."
Ngunit nang minsang halikan siya nito ay nagulo ang sistema niya.
Bigla yatang nagbago ang plano niya, she promised herself that she will make him her husband...
“Whatever
happens, just know in your heart
na mahal kita. Mahal na mahal.”
Dahil sa isang traumatic experience noong bata pa siya, naging ilag sa mga lalaki si Kelly. Until she met Dr. Paolo Rapaem, a very good psychiatrist. Hindi lamang siya nito tinulungang tanggapin ang masamang pangyayari sa buhay niya, itinuro pa nito sa kanya kung paano ang magmahal.
Subalit wala itong maipangako sa kanya. At nalaman niya kung bakit. Nakatakda na itong ikasal. Ang pinakamasaklap, nalaman niya iyon ilang araw bago ang mismong araaw ng kasal nito.
Tulad ni Julia Roberts sa pelikulang My Best Friend’s Wedding, gumawa siya ng paraan upang mapigil ang kasal nito.
Kaya lang, kung si Julia Roberts nga ay hindi nagtagumpay, siya pa kay? Up to last minute ay nananalangin siya para sa isang milagro. Dinggin naman kaya ang kanyang panalangin?
“This
is pleasure and agony combined. Do you know
what's so agonizing about it? That I can't touch
the one causing me so much pleasure...”
“Mula pagkabata ay isa lamang ang mithiin ni Angel sa buhay: ang mabawi ang perang pinagbilhan ng kanilang lupa. Ilang taon niyang hinanap ang taong pinagkatiwalaan ng kanyang ama—upang malaman lamang buhat dito na ang lupa ay kinamkam ng isang napakalaking kompanya ng real estate development.
Pinuntahan niya si Miguel Legarda, ang guwapo ngunit antipatikong presidende ng kompanya, upang bawiin dito ang kanyang lupa.
Ito ang sinabi nito sa kanya: "I can give your land back if you become my personal servant for a couple of months."
Nagulat siya sa hiniling nito. Papayag kaya siya?

“Siguro, destiny took over last
night. Maybe it's
written in the stars that we'd meet. ”
Tindera sa bangketa si Monica nang makilala niya si Kiko. Ito ang tipo ng lalaking kailanman ay hindi niya iniisip na magkakagusto sa kanya: mayaman, guwapo, matalino, simpatiko at lovable.
Niligawan siya nito, sinuyo. At nahulog ang kanyang loob dito.
Kasimbilis ng panliligaw nito ang engagement period nila. Everything seemed too good to be true. And it was.
Hanggang sa nalaman niyang hindi pala siya minahal ng binata. Nalaman niyang kamukha pala niya ang nag-iising babaeng minahal nito.
Gumuho ang lahat sa kanya. At nakadagdag pa sa kanyang hinagpis ang isiping naibigay na niya ang lahat-lahat sa lalaki...