» Series
Barberia De Santa Lucia
Charade
Dark Chocolate
Don's Boys
Friends For Always
Groove Fever
La Casa de Amor
Love Junkies
Pepper
Sandcastles
Territorio de los Hombres
» Imprints
Precious Heart Romances
Classics
Gems / Special
Men In Blue
My Love, My Hero
My Lovely Bride
Cinderella
TxtLyf
Other Non-Seriel Titles
Love And Magic
 
 
 
 
 

THE DON'S BOYS Series

Illustre Roman Marquez

 

sample image

Biglang yaman sina Tin-tin. Ang kanyang amang dating magpuputo, ngayon ay isang don na. Sa kanilang kapalaran ay inakala niyang wala nang mas susuwerte pa sa kanya, lalo na at nakilala niya ang isang miyembro ng alta-sosyedad na si Trey--guwapo, may pinag-aralan, at mukhang may gusto sa kanya.


Nagkaligawan sila. Siyempre ay sinagot niya ito. Parang masyadong maganda ang pangyayari sa buhay niya. Dinaig pa niya si Cinderella. Pero gaya ni Cinderella ay may lumabas na kontrabida sa buhay niya. Hindi niya inaasahan na iyon pala ay walang iba kundi ang Prince Charming niyang ang tanging gusto sa kanya ay ang mapaghigantihan siya.


Paano na ang pagmamahal niya rito?


Jaldon Miguel Contreras 1

 

sample image

Kababata ni Mimi si Jaldon. Ito ang kanyang kalaro at kakampi. Ngunit nang dumating si Angelina sa buhay nito ay naturol niyang hanggang pagkakaibigan lamang ang relasyon nila. Masakit iyon sa kanya sapagkat mahal na mahal niya ito. Ganunpaman ay tinanggap niya iyon. Sa lahat ng problema nito, siya ang naging tagapayo at tagapakinig nito. Umaasa siyang tatatak sa isip nitong sila ang nababagay sa isa't isa...


Hanggang kailan siya aasa?

 

 


Jaldon Miguel Contreras 2

 

sample imagePara kay Mimi, sa pagdaan ng panahon ay hindi nagbago ang pagkakaibigan nila ni Jaldon. Nagbago man ang buhay nito, nanatili siyang nakasuporta sa bawat gusto nito. Pero sa kabila niyon ay nagawa pa rin nitong saktan siya.

Sa gitna ng sakit at malaking problema ay lumapit sa kanya ang kaibigan nito, nag-alok ng tulong at tinanggap niya iyon. Bakit sa halip na manahimik ay lalo pang nanggulo si Jaldon? Marahil ay dahil hindi nito matanggap na wala na ang tagasuporta nito. Sapagkat hanggang doon lamang siya sa buhay nito--tagaalalay, tagapakinig. Pero tapos na siya roon. Gusto na niya ng bagong simula.

Ngunit paano niya gagawin iyon kung patuloy itong pumapasok sa buhay niya?

 


Marco Amecable

 

sample imagedahil sa isang pangyayari sa kanilang probinsya ay lumuwas sa Maynila si Monalisa. Naghanap siya ng suwerte sa buhat. Ang dumating sa kanya ay trabaho--ang maging isang kawaksi para sa mayabang na among si Marco. Bad trip siya rito pero dahil wala siyang choice ay pinagtyagaan niya ito. Animo isanh hari ito na kaunting pagkakamali niya ay sinisinghalan siya........


Kaya nang sabihin nitong gusto siyang pakasalan nito ay natulala siya....

 

 


Lucas Arogante

 

sample imageMadine had only one purpose in marrying Lucas Arogante:Revenge. Malaki ang kasalanan nito sa kanyang kapatid. Lamang na siya dahil wala itong kamalay-malay sa mga plano niya.

Ngunit nabaligtad ang lahat: siya ang nalamangan nito. Dahil wala siyang kamalay-malay na mahuhulog ang loob niya rito. At hindi iyon kasama sa mga plano niya…

 

 

 

 

 


Alberto Zabata

 

sample imageNatuklasan ni Tasya na kaya pinakasalan siya ni Alberto ay dahil kailangan nito ng asawa. Hindi totoong mahal siya nito. Balak pala ng magaling na lalaki na pagkalipas ng ilang panahon ay hihiwalayan siya nito at mula na rin sa bibig nito ay hindi raw ito nagi-guilty dahil hindi naman daw siya malulugi.

Hindi makapayag ang kanyang kalooban. At naisip niyang unahan ito na tapusin ang relasyon nila. At tatapusin niya iyon sa paraang mababaligtad ang sitwasyon--iyong ito ang masasaktan at walang magagawa ito kundi lunukin ang lahat. Ngunit bakit pagkatapos ng masusing pagpaplano ay parang gusto niyang iurong iyon?

 

 

 


Bernad Burgos 1

 

sample imageBernad knew Cookie married him because she needed him, And he gave Cookie the impression that he married her because he needed a wife.

He guessed she would never know how very much in love he was with her....And its hurt to know that she was in love with one of his best friends. Sanay siyang ang mga babae ang humahabol sa kanya....nabaligtad ang sitwasyon. baliw na baliw siya sa isang babaeng mukhang kahit asawa na niya ay hindi niya makuha- kuha......

 

 



Bernad Burgos 2

 

sample imageNang matuklasan ni Cookie ang nararamdaman sa kanya ni Bernad ay laking tuwa niya. Ngunit kasabay ng katuwaan ay labis na sakit sapagkat ang nadarama nito sa kanya ay tapos na. Nagsawa na ito sa katigasan ng kanyang ulo at nakakita na ito ng babaeng mas nakakaunawa rito, mas nakakapagpasaya rito, mas bagay rito...

Ano ngayon ang gagawin nya??

 

 

 

 

 


Maximo Arnaiz

 

sample imageMataas ang pangarap ni Panchie sa buhay, Hindi pa siya kontento sa kasikatan niya sa showbiz. Gusto niya ring maging makapangyarihan at maging kabilang sa mundo ng tunay na miyembro ng alta-sosyedad.

nasa unang hakbang na siya sa pagtupad sa kanayng pangarap nang makilala niya si Maximo Arnaiz. isang tuberong hindi kaguwapuhan. Dahil dito ay nagkaloko-loko ang mga plano niya. inis siya rito pero bakit hindi niya makaila ang katotohanang masaya siya sa piling nito?

 

 


Alfonzo De Oro

 

sample imageVera had a reputation of being a playgirl. Nang dahil doon ay nalagay siya sa panganib at kinailangan ng tulong ng isang lalaking hindi niya kilala. Dinala siya nito sa isang isla kung saan walang maaaring makalapit sa kanya. Ang pangalan ng lalaki ay Alfonso.

She was so mad and wanted to go back to the city at once but Alfonso was a strict guard. Buwisit na buwisit siya rito dahil wala ni isang gusto niya ang pinagbigyan nito. Lahat ng kabakyaan ay ipinagawa nito sa kanya.

Nangako siyang pagbalik sa Maynila ay magsisisi ito sa ginawa nito sa kanya... Pero iba na ang gusto niyang gawin pagbalik nila sa Maynila: gusto na niyang agawin ito sa nobya nito.

siya rito pero bakit hindi niya makaila ang katotohanang masaya siya sa piling nito?


Allegre Montemayor 1

 

sample imageSumama si Tori kay Allegre dahil sa banta sa kanyang buhay. Ang lalaki ang ipinadala sa kanya ng taong pinagkakatiwalaan niya. Dinala siya nito sa isang lugar na sadyang walang makakakilala sa kanya—ang kabilang panig ng kanyang mundo.

She was taken to what she thought was a semi-depressed area. Masyadong mayabang ang lalaki. Pakiramdam nito ay batas ang bawat sabihin nito sa kanya. Bilang ganti ay pinagkatuwaan niya ito. Inilakad niya rito ang sa tingin niya ay isang babaeng hinding-hindi nito matitipuhan. Pero bakit sa kalaunan ay siya ang napipikon tuwing magkasama ang dalawa?


Allegre Montemayor 2

 

sample imageNatapos ang mga pagpapanggap, natapos na ang kalbaryo ni Tori, nakabalik na siya sa kanyang mundo. Hinahanap-hanap niya si Allegre kahit biniro pa siya ng tadhana—ang babaeng nakatuwaan lang niyang inilapit dito ay mukhang tuluyan na nitong binalak gawing bahagi ng buhay nito.


Mahirap para sa kanyang isiping ang lalaking minahal niya nang hindi sinasadya ay iba ang gusto. At tila wala siyang magagawa upang mabago ang isip nito…