


Jaye had always thought no man was good enough for her. But she had always dreamed of proving herself wrong one day. Through the tough exterior, she was a woman who wanted a knight in shining armor.
And Max came along.
Sa umpisa ay hindi maganda ang impresyon niya rito, subalit mabilis nitong nabago iyon. He proved to be the knight she had been waiting for.
He seemed too good to be true. But she couldn't see the snag. Naisip na lang niyang gantimpala iyon sa matagal na niyang paghihintay na dumating ang isang tulad nito sa buhay niya.
But every romantic story had a twist somewhere. And every good mystery involved a dark little secret…

Nagsilbi si Lulu bilang kawaksi sa binatang bagong uwi mula sa Amerika, si Joselito. Masyado itong tahimik at sa araw-araw ay ilang salita lamang ang nagiging palitan nila. Subalit sa paglipas ng mga araw ay naging mainit ang bawat pagsulyap nito sa kanya, at binuhay nito ang sidhing hindi niya alam na taglay niya at naghihintay lamang na mapukaw.
hanggang sa tuluyang humulagpos ang pagtikis sa tukso. Nagtiwala siya sa dikta ng kanyang damdamin.
Subalit nagkamali siya. Tila hanggang pisikal lamang ang hangarin nito sa kanya.
At marahil nga ay mali ang makinig sa dikta ng damdamin… Lalo na at napagtanto niya na baka ang maging kapalit niyon ay mismong buhay niya…

Maraming mga nagawang pagkakamali sa buhay niya si Katalina, mga pagkakamaling siyang naging dahilan kung bakit kinilala siya ni Gabriel Wharton, ang nag-iisang anak ng mag-asawang nagawan niya ng kasalanan. At ang tanging nais nito ay parusahan siya para sa mga magulang nito.
Labis ang galit niya rito sa ginawa nito sa kanya, halos kapantay ng galit nito sa kanya. Subalit ang galit ay mabilis itawid sa pagmamahal. At doon nga nauwi ang damdamin niya para dito.
At naging handa siyang gawin ang lahat upang bumagay lamang sa mundo nitong batid niyang walang lugar para sa isang tulad niya.
Pero paano na ang mga madidilim na lihim niyang hindi lingid dito? Kaya ba nitong tanggapin ang lahat ng iyon gayong mayroong babaeng handa na nitong pakasalan?

Shelley thought her life was perfect. She had a business that was doing well; good health; and the perfect, loving boyfriend, Marcus. Magkasundo sila nito sa maraming bagay. Naipakilala na niya ito sa mga magulang niya. At naipakilala na rin siya nito sa magulang at anak nito.
She thought him having a daughter out of wedlock was all right. Kahit naman hindi niya masyadong kasundo ang teenager na anak nito ay okay lang dahil bihira naman sila magkita. But that daughter of his started to make her head ache.
At natuklasan niya, napakahirap pala kapag ang kalaban niya ay isang taong hindi kailanman maaaring talikuran nito. Ano ang laban niya sa anak? Girlfriend lang siya…

AJ’s first encounter with Seymour pissed her off big time. Sino ba itong lalaking itong akala mo kung sino, mukha namang teapot? Siya na isang dating prinsesa, pinamukhaang walang pera? She called him names and insulted him.
Pero bakit ba niya bibigyang-pansin ito? Wala siyang panahon para dito. Ang mahalaga sa kanya ay ang maibalik ang dating rangya. At kapag nangyari iyon, isa ito sa pamumukhaan niya.
If only Seymour hadn’t turned out to be the key to her bright future…

Alexandra was married to Pablo. She thought he was the perfect husband. Kahit pa hindi niya kailanman nagustuhan ang mama nito, naisip niyang wala na siyang mahihiling pa sa piling ng asawa.
That’s until Pablo’s ex-fiancée whom he was forced not to marry because of her came back. Ang tahanang inakala niyang maayos na inalagaan at tinaguyod nila, bigla ay nayanig.
She could not imagine her life without him. But something happened that made her think of calling it quits. She told him she wanted out. His answer was: “Absolutely not! No way!”

Napakatagal na panahong ginusto ni Isabella na makita uli si Javier. Ito ang katangi-tanging lalaking minahal niya, at minahal din siya, kahit saglit na panahon lamang sila nagkasama. SUbalit hindi naging mabuti sa kanya ang buhay. Her life was one big desert. She barely made it alive. ANd she did not want Javier to get caught up in that kind of world. He deserved someone better.
At kung kailan akala niya ay hindi na niya makikita uli ito ay pinagtagpo ng tadhana ang mga landas nila. He was still so very handsome, and she still possessed the same gentleness he had back then.
They shared a beautiful night together. It was colorful, it was perfect. But when she woke up the following day, he was no longer there. And she had no idea where to find him.

Hindi inaasahan ni Isabella na magbubunga ang isang gabing pinagsaluhan nila ni Javier. Sa halip na malungkot ay masaya siya sa kaalamang iyon.
Hahanapin niya si Javier. Karapatan pa rin nitong malaman na magkakaanak na sila.
Hindi naman ito nagdalawang-isip na panagutan siya at ang magiging anak nila. DInala siya nito sa isang mundong hindi niya kailanman naisip na kinabibilangan nito. Labag man iyon sa kanyang kalooban ay wala siyang magawa. Hawak nito ang alas. Once again, she felt like she was trapped in a place that was so small it was hard to breathe. She decided to make the most out of it.
At sa ilang panahon ay inakala niyang magiging maayos na ang lahat. Subalit tila nagkamali na naman siya. Bakit ganoonn? Sa tuwing akala niya ay magiging masaya na siya ay dumarating ang mga pangyayaring nagbabalik lamang sa kanya ng lungkot... Mahal na mahal pa rin niya si Javier... Pero may pag-asa pa kaya ang pagmamahal na iyon?