PHR Classic

Sa Likod Ng Mga Panaginip

Iba ang image ni Leeann sa kanilang lugar—isang pakawalang babae. Iniignora lamang niya ang mga panlilibak sa kanya; paraan niya iyon ng pagrerebelde sa ina.

Sa ganoong image siya nakilala ni Jeremy, ang kapatid ng isa sa mga kaibigan niya. Harap-harapan nitong sinasabi sa kanya kung gaano kababa ang pagtingin nito sa kanya. Hindi niya kinontra ang mga sinabi nito, pinaniwala niya itong ganoon nga siya.

Hanggang sa matagpuan na lamang niya ang sariling nagmamahal na rito sa kabila ng lahat—dahilan upang isang gabi ay isuko niya ang sarili rito. Gabing ni hindi nito naalala.

Makalipas ang anim na taon ay muli niyang nakaharap ang mas lalong gumuwapong lalaki. Iba na ang mundong ginagalawan niya. Matagumpay na siya sa buhay. Kung may hindi nabago sa kanya, iyon ay ang pagtingin niya sa lalaki. Subalit tila mababa pa rin ang pagtingin nito sa pagkatao niya…

Alaala  Ng Pangako

Sa isla kapwa lumaki at nagkaisip sina Daniella at Ramon. Doon din sumibol ang pag-ibig na inalagaan nila nang napakatagal na panahon. Isang wagas na pagmamahalan na naging inspirasyon nila sa pagbuo ng mga pangarap at mithiin nila sa buhay.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Pinaglayo sila ng panahon. Winasak ng unos ang kanilang mga puso, pilit inaanod pati ang kanilang kaluluwa.

At ngayon, makalipas ang maraming taon, ay sinasariwa na lamang ni Daniella ang nakaraan. Sapagkat doon na lang niya maaaring ibalik ang lahat… ang magagandang alaalang iyon.

Nakatira na nga sila ni Ramon sa iisang bubong ngunit ibang-iba na ito—malamig… malayo sa kanya.

Ang Pag-ibig Ni Bruno

Si Ditas ay naging piping saksi sa labis na pagmamahal ni Bruno kay Ida sa loob ng napakahabang panahon. Alam na alam niya kung gaano ang naging pagtatangka ng binata na maabot at makuha ang puso ni Ida. Siya na labis-labis din ang pagmamahal sa binata at handang gawin ang lahat upang ikonsidera siya nito bilang isang babae at hindi isang kaibigan.

At nang isang gabing parang gumuho ang mundo ng binata sa tuluyang pagkawala ni Ida tungo sa kamay ng iba ay ay nilapitan siya nito at may hiniling sa kanya: “Tulungan mo ako, Ditas, puwede ba? Tulungan mo akong kalimutan siya.”

Hindi niya kayang pahindian ang hiling nito. Hindi na malinaw sa kanya kung kaya niyang gawin iyon o hindi, ang tanging naisip niya ay kailangan niyang sumubok…

Ang Pag-ibig Ng Babaeng Kontrabida

Copyright © 2008 - Designed by Tri Vuong