

“We have something going on
between us,
Selma and we both can’t deny it.”
Katulong ang trato kay Selma ng kanyang tiyahing si Belia at ang anak nitong si Gotcha.
Nang pilit siyang pinasali ng Karako, wala siyang magawa, kahit pa nga mukha siyang saranggola sa baro’t saying suot niya. Noon niya nakita ang nobyo ng pinsan niyang mula sa Maynila. Isa lamang ang deskripsiyon niya rito: anghel.
Akala niya ay iyon na ang una’t huli niyang pagkakataon na makikita ang “anghel” ngunit nang maglinis siya sa silid ng kanyang pinsan nang madaling-araw na iyon ay naroon ang lalaki at ang tanging saplot ay briefs.
Para siyang naestatwa sa tigas. Hindi niyang nagawang kumilos. Nang nagising ang “anghel,” tinanong siya nito, “Is this some sort of surprise?”
Wala siyang masabi. Lalo na nang higitin siya nito at hinagkan sa mga labi. Hindi lamang yata lakas niya ang tumakas sa kanya kundi maging ang kanyang suwisyo dahil hindi siya nakatutol nang kalasin nito ang kanyang panloob.
When he started to caress her at saka pa lamang niya natauhan. Itinulak niya ito at nagtatakbo palabas ng silid.
Later on, she realized na naiwan pala niya ang bra niya rito…
"You are priceless, Tijuana.
I would’ve
given up everything for you.”
Matapos itaboy mula sa bayang kinalakihan ay napilitang makisama sa mga kamag-anakang ugaling-monster si Tijuana.
Sa gitna ng lahat ay may isang lalaking nanatili sa kanyang puso, isang lalaking bata pa lamang siya ay inasam na niyang makapiling—si Luke. Guwapo, matalino, mayaman, iyan ang katangian nito.
Nang pansinin siya nito ay nagtaka siya. Paano nangyari iyon gayong isa lamang siyang simpleng babae at hindi nabibilang sa mga pamilya sa alta-sosyedad? Gayumpanan, nagtiwala siya rito at lalo pang umusbong ang pagmamahal niya para ditto.
Sa buong buhay niya ay noon lamang siya nakadama ng higit namkaligayahan kapag kapiling niya ito.
Ngunit isang balita ang nakapagpagulantang sa kanya. Buntis daw ang pinsan niyang si Kara at si Luke ang ama ng dinadala nito!
“You were a challenge. You never
bought my flirtations.
You never bought all those tried and tested lines.
But I fell in love with you.”
Dahil pinag-aaral naman si Lupe ng asawa ng tiyuhin niyang matagal nang pumanaw ay pumayag siya sa uri ng pagtrato ng mga anak nito. Sa sarili niya, makakapagtapos din siya ng pag-aaral at makakaalis sa poder ngmga ito.
Ngunit bilang maid ay nakilala niya si Stephen Santa Maria, ang lalaking napipisil ng tiyahn niya para sa anak nito. Ngunit mukhang sa kanya interesado ang lalaki. Kapag tinatanong niya kung bakit panay ang sunod nito sa kanya, sasabihin lang nito na gusto nitong makasama siya.
But it seemed too good to be true. Ni minsan ay wala pang tumrato sa kanyang espesyal.
Totoo nga kayang dumating na ang Prince Charming niya?