

“Is
is possible to hate a guy and be
physically attracted to him at the same time?”
Pagkadisgusto sa isa't-isa ang naging impresyon nina Francesca at Edward nang una silang magkita. At lalo pang naragdagan ang galit niya sa binata nang maging sanhi ito ng pagkakatanggal niya sa trabaho.
Kailangang magantihan niya ito.
Tila naman nakikiayon sa kanya ang tadhana dahil nakapalagayang-loob niya ang mama nito. Idagdag pang pinakiusapan pa siya nitong tumira sa bahay nito.
"You've seen how kind my mother is. I have only one thing to ask from you. Please don't include her in whatever plans you have for me."
How dare you! Ganyan ba talaga kababa ang pagtingin mo sa akin?"
"Let's just say I don't trust women like you."
Ngunit nang minsang halikan siya nito ay nagulo ang sistema niya.
Bigla yatang nagbago ang plano niya, she promised herself that she will make him her husband...
“Kung
ayaw ko ang isang bagay, kahit sino pa
ang pumilit sa akin ay hindi ko gagawin. Bago pa
man nila ako kausapin ay plano ko nang alukin ka ng
kasal. Wala na akong magawa, I've fallen so bad!”
“Forget what whappened,” malumanay na utos ni Adrien kay Tasya. Ang tinutukoy nito ay ang muntik nang paglapat ng mga labi nito sa mabini niyang mga labi.
“Bakit, may nangyari ba?” bale-wala namang sabi niya. Tama ito, kailangan nga niya iyong kalimutan dahil sa una pa lang naman ay hindi na nila gusto ang isa’t-isa.
“Cut the bullshit, Tasya! We both know what happened. And I want you to forget it. Huwag kang mag-ilusyon sa akin.”
Ikinapanting iyon ng mga tainga niya. Ngunit bakit hindi siya maka-react? Dahil ba totoong nag-iilusyon nga siya rito at gusto rin niyang matuloy ang nabimbing halik?
“Hindi
ba't pangako ko sa 'yo na ang kasal
natin ang magiging pinakamaganda sa
kasaysayan ng Santa Elena? It's all for
you, Margie. Ganyan kita kamahal.”
“Binalaan na kita, Margie,” seryosong sabi ni Tonio sa kanya. “Hindi ba, sinabi ko na sa ‘yo na mag-ingat ka kay Jun-jun? Bakit parang enjoy ka pa sa kanya kanina?”
“Ano bang paki mo?” galit niyang tugon dito.
“Ganoon ka na ba talaga kadesperada na pati si Jun-jun ay papatulan mo? Atat na atat ka na bang magka-boyfriend dahil hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagkakaroon kahit isa man lang?” nanlilisik ang mga matang akusa nito sa kanya.
Tila naman nagkaroon ng sariling isip ang kanyang kamao na dumapo sa mukha nito. Dumugo ang nguso nito.
Tumayo ito at hinawakan ang kanyang braso. “You are going to pay for this.” Iyon lamang at sinibasib na siya nito ng halik.
Ngunit imbis na magalit ay tila nag-enjoy pa siya sa ipinalasap nito sa kanya?
Totoo mga ba ang akusasyon nito sa kanya?
“Ayoko
na kasing magsayang ng panahon.
Gusto ko, makasama kasama ko na siya
kaagad. Para bang I need to see her
face everyday.”
Magmula nang makilala ni Ana si Matt ay nagkaroon na ng kulay ang buhay niya. Paano ay narito na ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki—guwapo, matikas, responsible sa lahat ng bagay, at higit sa lahat, mahal niya ito!
Nginit isang araw ay hindi niya inaasahan ang kanyang natuklasan. Pamangkin pala ito ni Miss Nicacia—ang old maid na na-demote at siya niyang pinalitan sa pagiging head ng HRD departmet.
Alam niyang galit na galit ito sa kanya. Tuloy, hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang isipin sa pagiging malapit nila ni Matt.
I’ll play along in his pathetic game! Wala siyang aasahan sa akin. Paaasahin ko siya sa wala. Magmumukha siyang tanga gaya ng ginawa niya sa akin! Galit na galit sabi niya sa sarili.
Kaya nga kaya niyang makipaglaro dito? Baka naman siya rin ang unang sumuko!
“I
never realized how much I can give.
how can I be so selfish. Until now, I stil
want you for myself, but I wouldn't take
you.That's how much I love you.”
Patay na patay si Olive sa DJ na si Johnny Suave. Hindi kompleto ang araw niya kung hindi niya naririnig ang tinig nito. Kaya naman sumali siya sa pa-contest upang manalo ng invitation sa party na sponsored ng radio sattion na pinagtatrabahuhan nito, wishing that she could finally see him.
Nanalo naman siya sa pa-contest. Unluckily, hindi niya na-meet si Johnny Suave kundi isang lalaking nagngangalang “George” na napagkamalan niyang si Johnny Suave.
Okay na sana iyon dahil guwapo naman ito. Ngunit nang malamn niyang ito ang George na nagpahintay sa kanya nang twenty minutes sa telepono nang tumawag siya ay kumulo ang dugo niya sa galit.
Worse, ipinakilala pa siya nitong fiancée nito sa ex-girlfriend nito.
Ngunit nang malagay ang buhay niya sa panganib, bakit parang feeling niya ay secured siya sa piling ni George?
“Buong
ingat na itinaas ni Jerome ang veil
ni Pia. "This is the best day of my life, wife.”
Si Pia—mahilig sa tong-its, Playstation, parating tambay sa kanto at super-kulit.
Subalit may ambisyon din naman siya—ang makapamingwit ng isang lalaking guwapo at mayaman.
Si Jerome—guwapo, mayaman presedente ng isang malaking fishing company. Galit ito sa mga babaeng cheap dahil sa isang insedenteng gumawa ng isang malaking eskandalo sa buhay nito.
Nagkakilala sila.
Ngunit hindi natiis ni Pia na hindi kulitin ang binata kahit halos sakalin na siya sa pagkaasar.
May kahahantungan naman kaya ang pangungulit niya rito?