

"Initially, I thought it would
be fun to date a girl like you.
Then I thought maybe it would be nice to have you fall
for me without you knowing who I really am. But then
I started to feel good making you feel special. And I
realized why, I have fallen in love with you."
Malakas ang loob na nakipagpustahan si Ross sa long-time nemesis niya na si Tony Pedfea. Siguradung-sugurado siya sa larong bilyar. Ni minsan ay minsan ay hinsi pa siya natalo nito sa larong iyon.
Ngunit natalo siya. Ang kapalit: magtatrabaho siya bilang security guard ng isang pipitsuging gay bar!
Sa pangalawang gabi niya roon, nakatanggap siya ng kakatwang proposition mula sa isang magandang babaeng nagpakilala sa pangalang “Lila.” Babayaran umano siya nito magpanggap lamang siyang boyfriend nito sa loob ng isang araw.
Siya, si Ross Las Conia na halos pag-aari ang buong siyudad at pinagkakandarapaan ng mga babae, magpapanggap na boyfriend ng isang babaeng ngayon lamang niya nakita? No way!
But why did he agree to help her?
Dahil isip lamng niya ang umaayaw, ang puso niya ay excited na sundin ang kahilingan ng estranghera…
"Puwede ba akong mag-sorry, 'tapos,
pakasalan ka
kapag pinatawad mo na ako nang totoo sa loob mo?"
Ngunit ang galit niya kay Tiago ay dagling napalitan ng pasasalamat nang ilang ulit siyang tinulungan nito sa gitna ng kagigipit. Unti-unti ay nahulog ang loob ang loob niya rito.
Hanggang isang araw ay may natuklasan siya tungkol sa pagkatao nito na dapat niyang ikagalit ngunit hindi niya magawa. Sa halip, ito pa ang nagalit sa kanya at itinaboy siya nito palayo…
"I
won't ever leave you. You would have to chain me
up a tree or something if you wanna get rid of me
because I won't ever leave you."
Labis na nagalit ang ama ni Maggie sa kanya nang may lumabas na eskandalosong picture niya sa Internet. Kahit anong paliwanag niya rito na hindi siya iyon ay hindi ito naniniwala. Ipina-exile siya nito sa probinsiya, sa bahay ng lola niya.
Doon ay nakilala niya ang isang tindero ng isada, si Franco. Bad trip siya rito sa unang pagkikita nila kahit pa nga napakaguwapo nito. Ngunit natuklasan din niya kung gaano nito kabait.napakabait nito, sa tunay na kahulugan ng salitang iyon. At nagsimulang magpapasag ang puso niya tuwing magkakalapit sila. Okay na sana, handa na siyang ma-in love sa isang tindero ng isda. Lamang ay may problema: may nakabingwit na pala rito.

"Sabi mo noong huling gabing nakausap kita,
magtanan na tayo. Sising-sisi ako na hindi ako
pumayag. Kaya 'eto ngayon, itinatanan kita."
Malaki ang problema ni Dang. Crush niya ang mayabang na boarder sa bahay ng best friend niya—si Yulo. At crush din ito ng kanyang kaibigan. Nilait-lait niya si Yulo sa kaibigan sa pagbabaka-sakaling manamlay ang pagtingin nito sa guwapong driver. Ngunit bigo siya. Naisip niyang ka-cheap-an ang kanyang pagkakaroon ng crush sa lalaking parang kung sino kung umasta gayong nagmamaneho lang naman ng tricycle. Kaya nagpasya siyang huwag na lamang pansinin itoo kahit pa nga nagtataka siya kung bakit matatas itong mag-Ingles sa kabila ng kalagayan nito sa buhay. Ngunit hindi pala niya kayang iwasan ito.
Dumating sa puntong mukhang sa kanya naman nagkagusto si Yulo. Nahulog pang lalo ang loob niya rito. Ngunit napakaraming balakid sa kanila. Tiyak na hindi papayag ang kanyang ama na makipagrelasyon siya rito, ang best friend niya ay hindi na siya kinakausap, at hindi naman maaaring habang-buhay na lamang siyang tatakas nang dis-oras ng gabi para katagpuin ito.
Paano na ang mahal niya “tricycle driver”?