

“Don't
hate me too much, Elena, it won't do you
any good. Because you're gonna be mine, and
there's absolutely nothing you can do about it.”
Bata pa lamang si Elena ay hindi na siya natutuwa kay Lucio. Salbaheng bata ito at minsan ay nahuli pa niyang may ginagawang milagro sa silid nito. Apo ito ng isa sa mga best friends ng lolo niya.
Sa paglipas ng mga taon ay halos nalimutan na niya ito sapagkat sa Amerika ito nanatili. Hindi ganap ang interes niya rito kahit pa nga madalas na ikuwento ito ng lolo nito--na ito raw ay heartbroken sa Amerika.
Sa unang araw ng pagbabalik nito sa Santa Lucia ay hindi niya inaasahan ang muling pagkikita nila--muntik na siyang masagasaan nito. At lalong hindi niya inaasahang ang unang magiging reaksiyon niya ay ang magpa-cute dito. Ang kaso, wa epek iyon dito. At habang tumatagal, unti-unting lumalabas ang insecurities niya sapagkat paano nga magkakagusto ang isang lalaking kasingguwapo at kasingyaman nito sa isang barberong babaeng mukhang champoy na tulad niya?
“Sabihin
mo nang madamot ako, sabihin mo na'ng lahat
ng gusto mong sabihin pero hinding-hindi kita lulubayan.
Hahabul-habulin kita kahit saan ka magpunta.”
Rebecca had always craved for attention. Bata pa lamang siya ay iyon na ang kulang sa kanya. She was raised by an alcoholic mother and her father left them.
One night in a party while she was tipsy, she met the waiter Dado. Ito ang napagtripan niyang umaliw sa kanya. Kahit mukhang iritado sa kanya ay pinagbigyan siya nito. And then she found out her grandfather knew him. Hindi lamang pala ito waiter, barbero rin ito. Napukaw ang interes niya rito. She decided to get to know him better. At bigla, nawala na ang pagkairitable nito sa kanya. He showered her with attention that she had been craving for all her life. She fell in love with him.
But she found out he lied about being a waiter and a barber. He was a successful engineer. Was he only lying too when he acted like her lover?
“Kahit
sa buwan ka magpunta, sasama ako.
Hindi mo ako puwedeng iwan”
Naitanong ni Maria sa sarili kung paano nga ba magpapansin sa isang lalaki. At isa pang malaking tanong sa kanya ay kung paano bumasa ng emosyon ng lalaki.
Mula sa isang mainit na gabi, naging tila isang kaibigan na lamang kasi ang pagtingin sa kanya ng lalaking itinatangi niya. At kailangang pansinin siya nito sa ibang antas. Ibig niyang mabasa ang tumatakbo sa isip nito kung bakit sila nagkaganoon. Ibig niyang maulit ang gabing pinagsaluhan nila. Sapagkat umiibig na siya rito. Paanong hindi? Maalalahanin, matalino, mayaman, at guwapo si Saturnino--ang kanyang asawa.
“I
can't get the thought out of my head that you taste
like honey. Do you taste like honey?" He smiled, held
her chin and gave her a proper kiss. And as he was
kissing her, she realized -- she was in love.”
Doktora Gabriella Rufino had never met anyone as arrogant as the hospital director Rodrigo Zialcita. Face to face he told her he wanted her. And then he said, "I always get what I want." Oh, the conceit of the man!
Ang tanging nais niyang gawin ay ipamukha ritong hindi siya tulad ng ibang mga babaeng nagkukumahog dito. But there was no denying the fact that she was slowly giving in to his flirtations. The sexual tension between them was so powerful it was frightening.
And then came that one night when she just succumbed to the temptation. And she thought, things weren’t as bad as she imagined they would be. As a matter of fact, things went perfectly.
She really ought to have realized there was a snag there somewhere. When she found out what it was, she couldn’t believe how big and heartbreaking it was.
“I
never planned to fall in love with you. But I did.
And when I did, I started to see how beautiful you are.
And I started to love everything about you.”
Kahit alam ni Yeye na inis si Conrad sa kanya--dahil minsan ay nasira ang diskarte nito sa panliligaw dahil sa kanya--ay nakapagtatakang inalok siya nito ng magandang trabaho. Ngunit ang kapalit pala niyon ay ang paglalakad niya rito sa babaeng tipo nito.
Agad na sinunggaban niya ang alok nito. Ngunit nagsisimula pa lamang siya sa pagtulong dito ay nalaman niyang tuluyan nang nakuha ng ibang lalaki ang nililigawan nito.
Ang akala niya ay good-byt na siya sa magandang trabado ngunit tinulungan pa rin siya nito.
Hindi niya inaasahan unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito kahit na alam niyang malayo ang agwat nila sa buhay.
Mukhang maayos naman ang lahat kung hindi lamang umeksena ang kapatid niyang praning at napag-trip-an na pikutin si Conrad para sa kanya.
Ayaw niya niyon. Ang gusto niya ay makuha niya si Conrad sa maayos na paraan. Pero ano pa ang magagawa niya kung inakala na ni Conrad na kasabwat siya ng kapatid nito?
“I
love you so much that I wouldn't able to
function right without you. And I plan to function
well for the rest of my life, so get ready, 'cause I'm
always gonna be here even if you try to push me away.”
It seemed like a mysterious paid escort was Merryweather’s only chance to avoid dating a man who looked like a frog. Ang misteryosong lalaki ay si Ernestino. Isang estranghero ito sa kanya, maangas para sa isang mamahaling gigolo. Gayunman, wala siyang masabi sa kilig factor na ayaw man niyang aminin ay dulot nito sa kanya, gayundin sa kanyang mga pinsan at tiyahin.
Sa loob lamang ng ilang araw ay nagawa nitong pagbali-baligtarin ang mundo niya. Ngunit paano kung malaman niyang hindi naman pala ito negosyante ng aliw kundi isang sikat na artist sa larangan ng potograpiya?
Bigla siyang nalito, lalo at mula sa ilang taong pananahimik ay muling magbalik si Muggy, ang lalaking muntikan na niyang pakasalan ilang taon na ang nakalilipas…