

"Being with you is enough."
Ang unang pagtatagpo nina Alicia at Guido ay hindi maganda. Napaghinalaan ni Alicia ang lalaki na masamang tao. Sge ended up electrocuting him. He ended up kissing her and insulting her lips.
Hindi niya inakalang muli silang magtatagpo. at lalong hindi niya inasahang darating ang araw na ipapakilala niya ito bilang noybo niya....
"Isang halik mo lang mamatay-matay
na ako.
Alam kong alam mo yan. Alam kong nararamdaman mo."
Isa lang ang plano ni Nene nang magtungo siya sa Zambales: ang bawiin ang formula ng sabon ng kanyang lola na ninakaw ng dating best friend nito na si Miguela Serillo. Iyon ang nagpayaman sa pamilya Serillo. Ang mga ito ang nagtamasa ng yaman na dapat ay sa kanila.
Dalawa ang natuklasan niya nang malaman niya ang tungkol sa sabon: Una, isa sa mga apo ni Miguela ay ang ex-boyfriend niyang babaero, Pangalawa, ang panganay na apo ni Miguela na si Miguel ay ubod ng suplado at istrikto.
Bukod pa sa ubod ng guwapo...

May isang hiling kay Ruru ang may sakit niyang lolo: ang gumawa siya ng paraan para matupad ang huling habilin ng pumanaw nitong best friend. At ang habilin na iyon ay huwag hayaang pakasalan ng apo nitong si Melchor ang nobya nito at tulungang gawing mature ang lalaki.Hindi niya matanggihan ang kanyang lolo. Sumubok siya kahit totoo ay ayaw niya. Bukod sa parang hindi tamang makialam siya, si Melchor din ang makulit na matabang bata noon na sa halip na makipaglaro sa mga kaedad nito ay inaaway siya.
Makalipas ang mahigit dalawang dekada ay nagkita uli
sila. Pero hindi na ito
isang matabang bata na malaki ang tiyan na nangungulit sa kanya noon
kundi macho na macho at guwapong-guwapo na.
Ipinaalala kaagad niya sa sarili na project niya ito at hindi prospect...

Nang malaman ni Cate na siya ang nawawalang heredera ni Juancho Teracarreon ay hindi siya nagdalwang-isip na kunin ang iniwan nitong kayaman sa kanya. But she was warned againts his rumored greedy business partner-- Carmelo Escobar.
Inignora ni Carmelo ang pagnanais niyang makausap ito kahit mayroon siyang solidong katibayan na siya ang nawawalang heredera. Hanggang sa puntahan niya ito sa isla nito. She finally met him face to face. Unang pagkikita pa lang nila ay nagpalitan na sila ng maaanghang na salita. He was a rude, sarcastic, self absorbed jerk who immediately told her he thought she was an opportunist! But he allowed her to stay on his island paradise. He said, "You can stay on the island but far away from me. I'm only letting you stay because of your unbelievable guts. You're the first one to have made it this far, but I'm guessing this is as far as you could get."
And she thought: We'll see about that....

Ang simpleng buhay ni Adorada ay naging komplikado nang ma-in love siya kay Teo,ang bunsong lalaki ng pamilya Madrid, ang pamilyang pinag-e-extra-han niya bilang kawaksi upang maging sideline niya. Nagpa-cute siya rito sapagkat guto niyang may marating ang damdamin niya.
Nawala ang komplikasyon nang mukhang napansin siya ni Teo. Naging nobyo niya ito... Pero nagkaroon ulit ng komplikasyon ang buhay niya nang makita niya itong may kahalikang ibang babae.
Naghintay siya ng paliwanag pero hindi dumating iyon... Sa muling pagkikita nila, hindi niya alam ang magiging reaksiyon niya. Dahil ang totoo, may kakaiba pa ring dating ito sa kanya.

In love na in love si Mitch sa amo niyang si Elpidio. Suplado ito, parating nakakunot ang noo, at ilang ulit na siyang nasita nito dahil hindi niya maiwasang mapatingin dito tuwing kaharap niya ito.
Mahilig siyang mangarap nang gising--- na isang araw ay mapapansin siya nito. at nang dumating ang araw na iyon ay labis ang kasiyahan niya.....Pero alam niyang sa pelikula lang nangyayari na ang amo ay mai-in love sa isang ordinaryong kawaksi.
Nanganbgarap lang ba siya?

Ang bunso ng pamilya Madrid na si Charisa ay isang spoiled brat. Wala siyang ginawa sa buhay niya kundi ang magpasarap. She had everything money could buy--and more. Nasira lang ang mga plano niya nang manganib siya sa Amerika.
Nagkaroon siya ng stalker.
Napilitan siyang umuwi sa Pilipinas subalit nasundan siya nito. Ayaw niyang magsumbong sa kanyang pamilya sapagkat alam niyang mapapagalitan siya. Siya ang humanap ng kanyang magiging bodyguard.
Nakatagpo naman siya, si Abel. Sa umpisa pa lang ay may opinyon na itong kagagawan din niya ang pagkakaroon niya ng stalker. She hated his guts but she felt safe with him. And she had to admit, he was darn good-looking. He looked so very familiar but she couldn't recall where she first met him...
And then one day she remembered-- Abel was Lino, the high school geek who was once upon a time head over heels into her. the one she and her friends made fun of ten years ago...And he still seemed bitter about it.

Katiwala si Melody sa apartment units ng kanyang biyudang tiyahin. Mabait ito sa kanya. Ang problema lang niya ay angmumurang-kamias ito mula nang mabiyuda. At siya ang dakilang tagahanap kung nasaan ito kapag hinahanap ito sa kanya ng mga anak nito. Naloloko ito sa mga lalaking mas bata rito nang ilampung taon, mga DI at escort.
At isa na roon si Mar, isang guwapong escort na sa umpisa lang ay kinaiinisan na niya. Ano ang karapatan nitong pagsamatalahan ang kahinaan ng kanyang tiyahin?
Pero natuklasan niyang hindi naman pala ito nagseserbisyo sa kanyang tiyahin. Pinsan lang ito ng escort ng tiyahin niya. At sa kabila ng hindi niya pagpapakita ng katuwaan dito ay bumibilis ang tibol ng puso niya sa tuwing tititigan siya nito.

Lee was bored. She was looking for an adventure. Nakita niya iyon nang hindi niya inaasahan.
She was only looking at a mysterious and handsome man in a casino-- and the next thing she knew, scary-looking men were already pointing their guns at her. Na-abduct siya, napasali sa barilan, at sa huli ay inilayp sa kanyang pamilya ng lalaking misteryoso.
That man was Sebastian. Kung gaano kahindi inaasahan ang pagkakakilala nila ay ganoon din kahindi inaasahan ang pangyayari sa pagitan nila. Kay bilis ng mga kaganapan. ang sumunod na nalaman niya ay bumalik na sa normal ang buhay niya. Wala na ito. at wala itong iniwang impormasyon sa sarili. She only knew him as Sebastian. Ni hindi niya alam ang apelyido nito kung iyon ang totoong pangalan nito....

Ten years ago, Juana met Peb. She immediately fell in love with him. Sa kabila ng kaistriktuhan ng kanyang mga magulang ay nagawa niyang suwayin ang mga ito at makipagnoybo sa binata na driver niya.
Nakatakda na siyang magpakasal subalit handa siyang talikuran iyon at tuluyang bale-walain ang kagustuhan ng kanyang mga magulang, para sa binata. But she found out he was only conning her.
After ten years, they met again. She was mad at him-- but still very much in love with him.....
Ano na gagawin niya sa damdaming iyon na ayaw mamatay-matay?

Napilitan si Bam-Bam na magpanggap bilang ina ng sanggol na iniwan sa kanya. Kapangalan niya ang ina ng sanggol, at mayaman ang nagpapahanap dito na tiyuhin nito-- si Lamberto.
Sising-sisi siya sa kanyang nagawa pero naroon na siya sa mansiyon ng lalaki. Mukhang paniwalang-paniwala ito sa drama niya. Ang akala niya ay simula na ng maliligayang araw niya subalit hindi nagtagal ay nabisto siya nito. At pinarusahan siya nito kapalit ng pakiusap niysng huwag siyang ipakulong nito.
Pero lalong sumama ang lagay niya nang magsimula siyang ma-in love dito.
Sapagkat mayroon na itong nobya, isang babaeng pantasya ng kalalakihan. Ano ang laban niya roon? Lalo pa at sa paningin ni Lamberto ay isa lamang siyang pipitsuging manggagantso....

Mula sa ilang taong pagtratrabaho sa ibang bansa ay nagbalik sa Pilipinas si Paulita, baon ang sakit ng damdamin sa isang relasyon. Gusto niyang makalimot. Gusto rin niyang alalahanin ang kanyang pamilyang nagtatwa sa kanya.
Ang dalawang bagay na iyon na gusto niyang gawin ay natagpuan niya sa isang bahay-bakasyunan na for sale pala. It reminded her of her family and it didn't have any resemblance to the modern world where she met the one who broke her heart.
Sa bahay na iyon niya nakilala si Noynoy, ang walking one-stop-shop. Ang lahat ng maaaring bilhin ay ibinibenta nito--mula longganisa hanggang bahay at lupa. Wala itong ginawa kundi kumbinsihin siyang huwag nang bilhin ang bahay. Nagmatigas siya, kaya naman halos araw-arawin na nito ang pangungulit sa kanya.
Ngunit isang gabi ay may nagpakitang kakaibang nilalang sa bahay na iyon. Nagdalawang-isip na siya kung bibilhin pa niya ang bahay. Pero paano kapag wala na siya roon?? Hindi na niya makikita si Noynoy.
.

Paulita thought she could handle ghost and monster, but she could not handle the coming of the biggest ghost in the form of a woman everyone thought was already dead---Nonoy's ex-girlfriend.
Mas matindi pa sa inuubong kapre, white lady na nakaiwan ng tsinelas, at kinokombulsiyong spirit questor ang dinala nitong pangamba sa kanya. Pero ano ang magagawa niya? Dumating ito, buhay at gustong bawiin hindi lamang ang bahay nitong siya na ang nakabili kundi patu na rin ang lalaking sa loob lamang ng maikling panahon ay minahal na niya nang labis.
.

Umpisa pa lang ay naguwapuhan na kaagad si Ebeng kay Valerio, ang kapatid ng isang kliyente niya. Subalit sa umpisa pa lang ay inis na ito sa kanya. May gusto itong malaman na hindi niya maaaring sabihin dito. Iniisip din nitong niloloko niya ang pamilya nito.
Ilang ulit siyang ininsulto nito, hanggang sa ang pogi points nito sa kanya ay tuluyan nang nabawasan nang nabawasan. Noon naman nanganib ang kanyang buhay,.St wala siyang ibang malapitan kundi ito.
.

Kakaiba ang unang pagtatagpo nina Summer at Ram. Nabigla si Summer nang bigla na lang may yumakap sa kanya. Si Ram iyon. Mukhang napagkamalan siya nitong kung sino. Humingi naman kaagad ng dispensa. Pero dahil guwapo ito at may isang makulit at mayabang siyang manliligaw ay ipinakilala niya ito sa lalaki bilang kanyang boyfriend. Ram didn't mind.
Mukhang nagkagusto kaagad sa kanya ito at sa totoo lang ay flattered siya. Magandang lalaki ito, mukhang mabait, at halata pang mayaman at sosyal...
Subalit nang malaman niya ang lihim nito ay labis siyang nahindik....
.

Ang unang impresyon ni Miranda kay Rosendo ay isang mayabang at aroganteng lalaki ito - palibhasa mayaman. At mukhang dala ng power tripping - dahil malas na naaksidente niya ang luxury car nito - ay gustong ipasagot sa kanya ang damage ng sasakyan. Wala itong pakialam kahit sinabi na niyang wala siyang pera at kahit sinabi na nitong may insurance naman ito.
Ngunit hindi niya inaasahang ang aroganteng lalali ay may kabaitan din pala. Unti-unting nakilala niya ito. Nagsimula siyang malunod sa atensiyon nito sa kanya. Unti-unti ay natuto siyang mahalin ito.
Ngunit sino lang ba siya kompara dito?
.

Nagkamali si Miranda ng akalang humalik ang langit sa lupa at totoong minahal din siya ni Rosendo,sapagkat kung kailan kailangan na niya ito ay saka nawala ito.
At sa pagbabalik nito ay gusto nitong baguhin ang takbo ng buhay niya...
.

Controversial three-time widow and a virgin. That was Tata. Kung kailan parang ayaw na niyang mag-asawa uli ay saka dumating sa buhay niya si Greg, ang antipatikong driver niya. Noong una ay napipikon siya rito pero aminado siyang napukaw nito ang kuryosidad niya sa personalidad nito. Tahimik lang ito, misteryoso.
Hanggang sa unti-unti ay tila napanatag na ito sa kanya at hindi nagtagal
ay nagtapat ito ng pag-ibig. Hinayaan niya ang sariling sumunod sa dikta
ng kanyang puso. Pero dumating ang araw na natuklasan niyang hindi pala
totoo ang Greg na nagpakilala sa kanya. Ito pala ay si Zandro, isang
lalaking ang tanging gusto ay magdusa siya.
Lin
.