K A S U N D U A A N
Ang kasunduang ito ay ginampanan sa pagitan nina, GG. JUAN DELA CRUZ, (Ang tumanggap ng biik), na nasa hustong gulang, may asawa at kasalukuyang naninirahan sa Purok 2, Brgy. Binanuaan, Talisay, Camarines Nortre. at ni GG. ERIC A. BALAORO, (Ang
nagbigay ng biik), nasa hustong gulang, may asawa at naninirahan sa Purok 2, Brgy.
Binanuaan, Talisay, Camarines Norte, ang kinatawan ng grupong "TalisayonAko Internet Group",
na binubuo ng mga taga Talisay, Camarines Norte, na kasalukuyan ng naninirahan sa
bansang Estados Unidos at ibang Bansa, at kasali dito ang ilang kaibigan nila.
Sa aking pagtanggap ng biik, ang mga sumusunod ay aking tutuparin at gagampanan ng buong puso;
1, Na, aking aalagaan ng maayos ang biik na pinagkatiwala sa akin upang ito ay lumaking malusog sa paraan ng:
a. Pagpapakain nito sa oras.
b. Pagpapanatiling malinis ang kulungan nito.
k. Pagbili ng gamot kapag ito ay magkasakit.
2. Na, kapag ang hayop na aking inaalagaan ay namatay sanhi man ng sakit o kagat ng makamandag na hayop o insekto at wala akong maipakitang bangkay kay Gg. Eric A. Balaoro, o ito ay nawala, ninakaw man o hindi ay aking papalitan sa loob ng isang buwan, ng kasing-laki o kasing-sukat ng pinakamalaking baboy na kasamang ipinamigay sa araw na ito ay mabatid na nawala. Kung maipakita ang bangkay, hindi kinakailangang palitan.
3. Na, kapag ako ay nakapagbigay na ng dalawang (2) babaeng biik sa produkto ng hayop na ipinaalaga sa akin kay Gg. Balaoro, na binibigyan ko ng pahintulot na siyang pumili, bilang kabahagi ng grupong, TalisayonAko Internet Group na kanyang kinakatawanan upang muling maipamahagi sa ibang tao, ang hayop ay mapapasaakin na ng lubusan.
4. Na, aking binibigyan ng pahintulot si Gg. Balaoro, na makapasok sa aking bakuran upang bisitahin at makita ang tunay na kalagayan ng hayop na pinaaalagaan sa akin.
5. Na, aking pagyayamanin ang tulong pangkabuhayan na aking tinanggap sa grupo ng TalisayonAko Internet Group, sa pamamagitan ng palagian ng pag-alaga ng baboy.
Bilang patunay na aking nabasa at naunawaan ang lahat ng mga nakasaad na mga regulasyon at obligasyon na aking paninindigan, ako ay malayang lumagda ng aking pangalan sa ibaba, ngayong petsa _________, ng buwan ng ____________ ___, na taong
____________ __.
JUAN DELA CRUZ
------------ --------- --------- --------- --------
Ang tumanggap ng biik
S A K S I
--------------------------------------------------------------------------------