GIANTS (1980's) - Mag-inang higante natagpuan sa Mt. Isarog tinatayang may taas ng 15-20 ft. ang ina. Ang nasabing higante ay nahuli ng mga sundalo sa bundok ng Isarog, binaril nila ito sa binti upang hindi makatakbo. Isinakay nila ito sa bagoon ng tren at kanilang tinaliaan ng malaking kadena upang hindi makawala at itoy dinala sa Mt. Kadig pagkaraan ng ika-labinglimang (15) araw ito ay ibinalik sa Mt. Isarog sa dahilang galit raw ang asawang lalaki ng higanteng babae, ang anak ay tinatayang nasa edad na tatlong buwan na kung ikukumpara ang laki nito sa karaniwang tao ay mas malaki ayon sa mga nakakita.

Source: Interview sa mga taong nakasaksi ng pangyayari, na pinatutunayan rin ng tiyuhin ng aking asawa na nakatira sa Calauag Quezon ng mga panahong nasabi, ito ay sina Arturo Aban at Mariano Aban na mismong nasaksihan nila kung gaano kalaki ang higante at silay personal kong nakausap.

GIANTS ENCOUNTER(2000) - Nasaksihan ng mga tao ang isang malaking bakas ng malaki sa karaniwang bakas ng tao, ang bakas na ito ay paakyat sa bundok ng Manrisikrisik (Susong Dalaga). Nakita nila ang isang malaking nilalang na sa kanilang takot silay nagpulasan ng takbo papalayo sa lugar.