SEPTEMBER 2005

nakaka-miss din pala..

19 september 2005


Kagabi, tapos na ang lahat. tapos na ang pagod sa patayang practice, wala ng pressure sa mga steps at choreography, at wala ng maninigaw ng "quiet" na director sa aming lahat. Pero sa totoo lang, si direk dennis marasigan ay napakagaling, dama ko na marami na siyang napagdaanan at gusto niyang wag kaming mag-end up sa bagay na hindi dapat para sa amin. Pagkatapos ng matinee day 2 presentation namin, sabi niya, "if you want to be a failure all your life, then settle for the thing that is less than 100%." Ang galing ng convinction niya pag nagsasalita, talagang may laman. Dun ko lang talaga siya naintindihan ng todo-todo. Gusto niya na sa bawat bagay na gagawin naming lahat, kahit maraming mali, palpak man.. ang mapagmamalaki namin e, ginawa namin yung BEST namin. Yun ang tunay na performer. Salamat direk! :P

Sa tingin ko naman nagawa ko nang maayos yung kanta ko, medyo palpak sa matinee day 1 pero bawi ko naman sa lahat ng succeeding shows. Sabi nila, pinakamaganda daw yung gala day 2, siguro nga, dahil eto yung time na kailangang kong patunayan sa sarili ko na kaya ko to. Sobra yung tuwa ko ng batiin ako ng mga taong di ko expected na babatiin ako, si sir ecko, sir romy atbp.. Kala ko, wala silang bilib o potential na nakikita sa`kin. Overwhelmed na overwhelmed ako ng tapikin ako ni sir ecko. Pati yung mga 4th year na di ko ka-close.. Ang sarap pala talaga ng feeling kapag na-appreciate ka.

Pero ang higit na ikaka-miss ko e, ung crush kong drummergirl ng banda, si pauleen. Di ko na nga nakausap yun e, buti na lang may taga-south na taga-banda din, kaya ko nalaman yung name niya. hehe. :D

Salamat sa laht ng tulong niyo, Sa mga taong naniwala sa`kin, lalo na sa bez pwet ko, siya talaga yun nagpalakas ng loob ko. Buti na lang nanood siya ng matinee day 2, dedicated talaga para sa kanya yung performance ko nung time na yun( I bet nakangiti na yan! haha. :P) Salamat, of course sa DIYOS at hinayaan niya akong ibahagi ang lahat ng `to and never leave me in times i really need him. :D


[ ]


malapit na!

10 september 2005


Yehey! yellow card ako! top 4. Such an acheivement for me! Grabe sobra-sobra talaga yung kaba ko, inisip ko nga, basta maka-white card lang, ayos na. Thank God, He blessed with a thing more than I expect. Sabi nga ng bez pwet ko, i really need to thank that BIG MAN up there. And that is absolutely true!

Less than a week na lang, presentation na namen sa CCP. Grabe talaga ang kaba ko, Pero maraming things then yung nakakadisappoint like prioritizing the "main people", imagine, lahat ng numbers ng South e may sisinggit na taga-main to emphasize that the play is really for them. Parang ang laking insulto for the "south people" yun diba.

Nakakaasar na kamo talaga yung director namin sa play, I will share to you what happen a while ago, Sabi ni direk, "if you think you are giving 100% of your ability, raise your hand." Actually it is a meeting for the lead roles, i am only the south participant there, grabe! gustong gusto ko na umuwi, so i raised my hand.. then he saw me, at sinabi niya, "No, you are not giving your 100%! You are sometimes off in your timing, and you think you know what you are doing, but actually you do not!" Awww. Nakakafrustrate noh? Nah.. Pero, I really gave the best that i could everytime we perform, pero bakit it seems i am not good enough for him? Hayy.. I just hope he'll appreciate all my efforts. Sana.

About my lovelife, i am still waiting for a sign from GOD, Pero sa totoo lang, affected na affected na ako na gusto ko na mag burst sa tuwing nakikita ko sila. I think i should do something but i couldn't, because of fear of maulit pa yung nangyari dati, He doesn't deserve a person like Elena, Maygad. Sasaktan nia lang yun, Ayokong masaktan si Elena. Ako na lang, wag lang siya.

If the sign do show up, Gagawin ko na talaga yung dapat kung gawin. :P


[ ]


update! update na!

1 september 2005


belated happy birthday kay Katrina! august 31. Anyways, update-update na. pasensya na at di na ako mashadong nakakapagupdate about my personal life, As all of you know, naging busy ako about this new lay-out. Pero as i can see, may magandang feedback naman ang lahat dun sa new layout ko. maraming salamat! Sobrang naappreciate ko yun.

UPDATE 1: CCP Presentation
Last monday, nagpractice kami sa ESS- main for our upcoming ccp presentation.. Sobrang laki niya, as in. Tama sila at ang south ay parking lot nila. Ang lupit ng director! grabe, naninigaw talaga siya, nakakatakot. nakakaasar nga lang na kapag ang south participants na ang nagsasayaw, napaka-passive ng mga tao, gaya nga ng sabi sa`kin ni dhanette. natapos yung practice, past seven na. nakauwi kami, eight na siguro.

UPDATE 2: Schoolworks!
note this, may klase kami ng tuesday. nakakaasar, pagod na pagod kaming lahat. madedelay pa yung bigayan ng card. Dapat, ngayon yun ibibigay, sabi pa naman ni ms. mayet, 2 lang yung boys sa top ten. Nangnganib na tuloy ako. wish ko lang my merit card pa rin ako, kahit white lang.

UPDATE 3: Dance Troupe
1:21 na ang nagagawan ko ng steps! woohoo! kaso, 3:49 yung buong kanta. Wala pa sa kalahati. Got to tell you this, ang galing lahat ng members ng dance troupe, ang bilis nila makuha yung steps na ginagawa ko, kaso nga lang talagang mahirap at hindi kami umaalis sa isang step hangga`t hindi pa namin perfect yung step na yun. tapos, nagbabalak pa kami na magpagawa ng official t-shirt! yipee!wish ko lang matapos namin yung sayaw pago mag hs-night. aja dance troupe!


[ ]