AUGUST 2005

Tapos na.

30 august 2005


Tapos na. Napublish ko na din. Sa wakas, Gaya ng sabi ko, hindi naman kagandahan tong bago kong lay-out. Pero para sa `kin, Eto na ang pinakamaganda kong nagawa. Ewan ko na lang sa inisip niyo. Syempre, andito ang aking pinakamamahal na si sarah geronimo. Sana maapreciate niyo ung ganda niya sa lay-out.

Di ko na ipagmamalaki itong lay-out na ito dahil iba-iba naman ang tao ng opinion. Kaya, kung wala naman kayong magandang sasabihin tungkol dito. Just keep your mouth shut. As i said, "Everyone deserves to be appreciated, but you can't please everyone."

Gumawa nga rin pala ako ng ImageReady ni Sarah,




Salamat sa pag-aantay. Sana kahit papaaano, Naapreciate niyo. :D


[ ]


Naghahanda.

14 august 2005


Hayy. Siguro nakita niyo na ang bagong lay-out nina Isabel at Mika. Maganda diba. Pati din yung kay Julie Hayy nako, Naasar nga lang ako't di pa rin ako nakakapagpalit ng lay-out, gustuhin ko man talaga e, kulang talaga ako sa oras. Pero inunti-unti ko narin siya, Sana mapakita ko na yung next lay-out ko mga a week from now.

Malapit na rin Concert ni Sarah, Sabi sa kin ni Mommy, manonood daw kami, Yehey! Sa September 30 na yun. Waaa. Excited na talaga ako. Excited na ko makita si Sarah ulet. Hehe. Sige hanggang dito na lang muna. Bb!


[ ]


Relieved.

10 august 2005


Relieved na rin sa wakas. Grabe! Nagbunga na yung mga pagdadasal ko. Wala na man akong bagsak sa mga Quarterly test ko. Pero yung iba nga lang mababa. Nakakaasar nga lang talaga kasi may mga tao pa ding di makuntento sa mga score na nakuha nila. Tipong 10 mistakes na nga lang e, Iniiyakan pa at kinaka-depressed pa nila. Di ba nila narerealize na mas maraming taong kailangan ng points na meron sila. Actually, 2 exams na lang yung inaantay namin, Sa T.L.E. at Computer. Yung Computer makukuha namin sa Friday. Too bad, di ko natupad yung promise ko sa sarili ko na isa sa mga exams e, magiging highest ako. Haha. Pero ayos lang. At least, may score. Sana may pagkakataon pa kong mag-exempt ng kahit anong subject, At shempre, sana magkaroon pa rin ako ng merit card. Mas lalo kong kailangan yun ngayon, 3rd year na kasi ako. Ito na yung magiging basis for Graduation Honors including yung 4th year. Pagnawalan ako ng card maski once this year, di na ako magkakaroon ng Graduation Honors. Hayy, Sana lang talaga.

Buti ngayon, pahinga lang. ZL kasi bukas. Sumasakit nga lang talaga yung ulo ko dahil di ko alam kung lilipat ako ng Club.. Gusto ko kasi talagang mag-volleyball at the same time, nag-dadance club din. E medyo required ako sa Dance Club kasi sasayaw kami sa HS- Night. Yikes! Ako pa naman yung nagtuturo ng steps. Nasabi ko bang ang mahal mahal ng costume namin for the CCP Presentation! Sobra. Lalo pa ko, dalawa kasi costume ko. Nakakabanas lang talaga. Pero kahit ganun pa man yung nangyayari sa school. Meron pa ring masayang part, yung pag-ClCloud 9 ko at syempre ang dakilang Sabog. Hehe.

Minsan nga nagkakwentuhan kami ng Sabog habang di kami nakikinig sa teacher namin. "Ano ba mangyayari sa atin pag nag-college na tayo?" Sana magkikita pa kami pag dumating yung time na yun. Iba pa rin talaga pag alam mong may kaibigan ka. Sana. Mamiss ko talaga yang 4 na babaeng yun pag dumating yung time na yun, Wala ng asaran. Hehe, Likas na kasi talaga sa tropa namin na maglaitan -- putok, balyena, walang ilong, laki noo, maitim na cheerleader. -- Haha! Tinatawanan lang talaga namin. Sa bagay, may isang taon pa naman. Hayy.. Good luck na lang sa lahat. Kaya natin yan.


[ ]