| Vol. 100 No. 1 |
TINIG SILANGANAN |
August 2007 |
Mula kay:
V.:W.: IRINEO P. GOCE, PGSwB
Addr: 1431 St. Alphonsus, Villa de Lipa, Marawoy,
Minamahal kong mga kapatid
SA INYO PONG LAHAT, PUSPUSAN ANG MAALAB KONG PASASALAMAT!
Dalangin ko na
Napadpad ako sa samahang ito sa dahilang meron akong nababagoong nang Petisyon, partikular sa Kongreso ng Pilipinas. Matutunghayan ito sa –
http://www.PetitionOnline.com/maBIni2
Hindi ko na dapat pang ulitin ang mga naisulat ko na -– sa palagay ko’y napakalinaw, maliban sa kung may katanungang dapat kong sagutin ng tuwiran. At ang masasabi ko, precisely the SAME AND VALID REASONS WHY I conceived the idea of my Petition: PAGSASABATAS NG TADHANA SA KONSTITUSYON HINGGIL SA PAMBANSANG WIKA.
Ang ating pambansang bayani, si Dr. Jose P. Rizal, bilang pagsalangsang sa pagnanais ng mga Filipino na magsanay sa lenguwaheng Español, na ang pagkatuto nito ay ikinakait sa kanila ng mga awtoridad na kastila nung kanilang kapanahunan, ay nagpayo sa atin, paraan kay Simoun:
Hinalaw sa ika-7 na kabanata ng El Filibuterismo: si Simoun [1]
“x x x. Hinihingi ninyo ang pagkakapantay-pantay ng karapatan, ang pagtutulad sa kastila (Amerikano ngayong panahon - ipg) ng inyong pag-uugali, at hindi ninyo napapansing ang hinihingi ninyo’y kamatayan, ang pagkagiba ng inyong lahi, ang pagkawasak ng inyong tinubuan at ang pagpapadakila sa pambubusabos. Ano naman kayo sa hinaharap? Bayang walang lakas ng loob, bansang walang kalayaan! Hihiramin ninyo ang lahat pati na ng inyong sariling mga kasiraan (kapintasan? )! Hinihingi ninyo ang ugaling kastila (Amerikano - ipg), nguni’t hindi man lamang pamutlaan kung iyan ay ipinagkakait! At sakaling ibigay man ang gayon sa inyo ay ano ang inyong ninanasa? Ano ang inyong mapapala sa ganyan? Maligaya na kayo kapag naging bayan ng pag-aalsa, lupain ng digmaan ng mga magkakababayan din, isang republika ng mga mababangis at walang kasiyahang katulad ng ilang republika sa Timog Amerika. Ano ang kahulugan ng inyong nilalakad na pagtuturo ng wikang kastila (Ingles - ipg), isang hangaring kung hindi man nakakatawa ay maaaring magbunga ng masama. Ibig ba ninyong idagdag pa ang isang wika sa may mahigit nang apatnapung ginagamit sa lupaing ito? Upang lalo nang hindi kayo magkaintindihan?
“x x x. Napapadaya kayo sa matatamis na pangungusap at hindi ninyo sinusuri ang kaubud-uburan at ang tunay na bungang matatamo ninyo sa ganyan. Ang kastila (Ingles - ipg), kailanman ay hindi magiging wikang panlahat sa kapuluan, hindi gagamitin ng bayan sapagka’t ang layunin ng kanyang isip at tibukin ng kanyang puso ay walang katugon sa wikang iyan; bawa’t bayan ay may sarili niyang wika at sarili niyang kaugalian at damdamin. Ano ang gagawin ninyo sa wikang kastila (Ingles - ipg), kayong iilang gagamit? Patayin ang inyong sariling katutubo; ipailalim ang inyong sariling isipan sa ibang pag-iisip, at sa halip na kayo’y maging malaya ay lalo kayong magiging ganap na alipin! Siyam sa sampu sa inyong nagpapalagay na may kabihasnan ay maituturing na itinakwil ang inyong sariling lahi. Ang sinuman sa inyong gumamit ng salitang kastila (ingles - ipg) ay nakalilimot sa kanyang wikang sarili na halos hindi na maisusulat ito ni maintindihan; at ilan na ang nakikita ko na ikinatutuwa pa ang masabing hindi siya marunong ng sariling wika… Samantalang ang Rusia, sa pang-aalipin sa Polonia ay ipinipilit ang salitang ruso, ipinagbabawal ng mga aleman ang salitang pranses sa mga lupaing kanyang nasasakop, ang Pamahalaan naman ninyo’y nagsusumakit na pamalagiin ang inyong wika, at kayo, bayang kahanga-hanga sa ilalim ng isang pamahalaang hindi malirip, kayo ang siyang nagsusumakit na alisin sa inyo ang sariling pagkabansa. Nalilimutan ng isa’t isa sa inyo na samantalang ang isang baya’y nag-iingat ng kanyang wika, ay angkin niya ang sagisag ng kanyang kalayaan, katulad din naman ng pag-aangkin ng tao ng kanyang pagsasarili habang iniingatan ang sariling pagkukuro. Ang wika’y siyang diwa ng mga bayan.”
P.S. With English as our prevailing official language for governance and educational instructions, the Republic of the Philippines has been reduced into a banana republic of greedy politicians, malcontented Rallyists, NPAs, CCP, MILF, MNLF, ABU Sayyaf, and what have you. All of which are being abetted by a thriving arsenal of dirty tricks for low-intensity conflicts by clandestine operators at the backyard of our own inept, inutile and unconcerned government! And horribly for the benefit of alien commerce in the form of dissipated government resources and materiel of the police and military; and unquantified manhours lost to our domestic economy!
Shall I say more?
I now salute you, my Dear Compatriots!
With my flaming fraternal embrace to one and all.
[1] Salin ni Maria Odullo de Guzman
Create a free website at Webs.com