Naranasan at nakita ni Rizal ang mga pagsasamantala ng mga kolonyalista sa masa. Ilan lang dito ang pangangamkam ng lupa at pagpapataw ng mataas na renta o buwis sa mga magsasaka. At kahit ang mga nabibilang sa panggitnang uri ay hindi rin nakaligtas sa pag-aabusong ito tulad ng pag-aabusong ginawa sa kaniyang ina, ang ginawang pangangamkam sa kanilang lupain at ang pagbitay sa tatlong paring martir. Mahusay namang naisiwalat ni Rizal sa kanyang mga akda tulad ng tula at nobela,ang realidad ng lipunan pilipino noong panahong iyon na nagtulak sa mga pilipino na mag-alsa at lumaban sa kanyang mapang-aping pamahalaan. Sa kanyang akda tulad The Indolence of the Filipinos, at anotasyon sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga, Nilabanan niya ang discriminasyon sa mga Filipino at binaluktot ang paratang ng mga prayle na tamad ang kanyang mga kababayan. Sa kanyang dalawang nobela naman -Fili at Noli, isiniwalat niya at inilarawan ang kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng pamahalaang dinidigtahan ng Simbahang Katoliko. Sa paglalahad niyang ito sa kanyang nobela, humihingi siya nga solusyon sa sakit ng lipunan niya. Ang kanyang pagmamahal sa kanyang bayan na makikita sa kanyang mga akda ang naging mitsa ng kanyang pagkakabitay sa Bagumbayan.Subalit hindi doon nagtapos ang esensiya ng kanyang mga ginawa. Ilang buwan pala lang ang nakakalipas matapos ang kanyang pagkamatay, sumiklab na ang Rebolusyong Pilipino, rebolusyong bunga ng kanyang mga akda at sulatin, rebolusyong tumupok sa Kolonyalistang Espanya. balik sa itaas|| Home |