Agusan Del Norte

Ito ang pinakamaliit na probinsya sa rehiyong CARAGA. Mabundok ito sa hilagang-silangan at kanlurang bahagi. Habang ang gitnang bahagi nito ay patag lalo na sa may Agusan River na dumadaloy paluwas ng Butuan Bay. Ang Bundok Hilong-hilong, na 2,012 metro ang taas ay ang pinakamataas at matatagpuan sa Bulubunduking Diwata malapit sa silangang bahagi ng Surigao del Sur. Ang mga katutubong Mamanwa, Manobo, at Higaonon/Tala-andig ay nakatira sa bulubunduking ito.

 

Agusan Del Sur

Ito ang ika-apat sa pinakamalaking probinsya sa Pilipinas. Sagana sa yamang kalikasan na napapaloob sa malawak nitong taniman, at kagubatan. Ito ay lupa ng mga matatapang na Agusanons, binubuo ng ibat-ibang grupong etnika at mayamang kultura. Ito ay natatago sa malawak na 896,550 hectares ng luntiang kalupaan at kagubatan na pumapalibot sa kalahating milyong katao at mapreskong hangin.Ang mahabang Agusan River ay dumaraan sa gitna ng lambak ng Agusan del Sur.

 

Surigao del Norte

Ito ay binubuo ng mga isla sa gilid ng Asian continental shelf. Matatagpuan dito ang mahahaba at mapuputing baybaying dagat, nakamamanghang rock formations, misteryosong mga kweba at malalawak na mangrove forests. Ang malalakas at malalaking alon sa Siargao Island ang nagpakilala sa probinsyang ito bilang Surfing Capital of the Philippines.

 

Surigao del Sur

Ito ay sagana sa yamang kalikasan at matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng Mindanao kaharap ang Karagatang Pasipiko. Ito ay napapalibutan ng Surigao del Norte sa hilagang-kanluran; sa timog-silangan ng Davao Oriental; sa silangan ng Karagatang Pasipiko at sa kanluran at timog-kanluran ng Agusan del Norte at Agusan del Sur. Ang Bulubunduking Diwata naman ang pumapalibot sa hilagang-kanlurang bahagi nito.

 
Ang iba pang Probinsya sa CARAGA >>

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MADJAW KARAJAW CARAGA!!!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

This site is hosted for FREE by Freewebs.com. Click here to get your own Free Website!