LA SALLE COLLEGE ANTIPOLO

FILIPINO IKALAWANG TAON

DESKRIPSYON NG KURSO

        

               Ang Florante at Laura ay isang awit at itinuturing na obra-maestra o akdang-guro ni Francisco Baltazar. Ang mensahe ng akdang ito ay napapanahon at punung-puno ng magagandang kaisipan na dapat maikintal sa isipan ng mga mag-aaral. Totoong may kalaliman at kabigatan ang mga salitang ginamit ni Balagtas na ang karamihan ay mga pahiwatig at tayutay kaya nangangailangan ito ng maliming pagsusuri upang lubos na maunawaan ang mga bagay na tinutukoy sa loob ng taludtod. Sa dahilang ito, sinikap ng may-akda na ipaliwang sa payak na paraan ang nilalaman ng mga saknong upang sa tulong ng guro ay maipahatid sa mga mag-aaral ang mensaheng nais ipahiwatig  nito. Hinati rin ang mga saknong sa bawat tagpo at binigyan ng karampatang pamagat at iniangkop ayon sa pangyayari sa akda.
        Sa Ikalawang Taon, ang mga aralin ay pinagsanib na Wika at Panitikan na naglalayong malinang ang iba't ibang kasanayang pangkumunikasyon tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Ang mga paksa, gawain at pagsasanay  ay sadyang iniangkop sa kakayahan at interes ng mga estudyante upang ang pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, at nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip.


Saklaw ng Pagkakasunud-sunod

Unang Katlong Taon
A. Wika

1. Iba't ibang uri ng texto
2. Wastong pagbabaybay
3. Pangungusap
       a. Ayon sa gamit
       b. Ayon sa kayarian
4. Mga tuntuning dapat sundin sa pagsulat ng editoryal o pangulong tudling
5. Pakikipanayam
6. Pagbabagong morpoponemiko
        a. asimilasyon
        b. Pagpapalit at paglilipat
        c. Pagkakaltas at pagdaragdag

B. Panitikan
    1. Pagkilala sa kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit sa pangungusap
    2. Pagtukoy sa tiyak na detalye ng binasang akda
    3. Paglalarawan sa mga tauhan sa kwento
    4. Pagsusuri sa mga pahayag sa pamamagitan ng pagsang-ayon o pagsalungat
    5. Paghinuha sa kahulugan ng mga salita
    6. Pagsasaayos ng mga detalye ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento

C. Pagsulat ng balita

D. Mapanuring pag-aaral sa akdang Florante at Laura Aralin 1-10
    1. Pagtukoy sa mga magagandang kaisipang inilalahad ng mga taludtod
    2. Pagtukoy sa damdaming napapaloob sa mga saknong
    3. Pagbibigay kahulugan sa mga pahiwatig na ginamit sa taludturan
    4. Paglalarawan at paghahambing sa mga katangian ng mga tauhan sa akda 

IKALAWANG KATLONG TAON

A. Wika
   1. Pakikipanayam
   2. Iba pang pokus ng pandiwa
   3. Kaganapan ng pandiwa
   4. Gamit ng pangngalan
   5. Hinto/ Intonasyon sa pagbigkas ng mga salita

   B. Panitikan
    1. Pagpapalawak ng talasalitaan
    2. Pagsusuri sa pahayag kung ito ay katotohanan o opinyon
    3. Pagbuo ng pahayag kaugnay ng binasang akda
    4. Pagbibigay ng wastong hinuha sa bawat pahayag
    5. Pagbuo ng paghahambing

C. Pagsulat ng kathambuhay

D. Mapanuring pag-aaral sa akdang Florante at Laura Aralin 11-19
    1. Pagtukoy sa mga tayutay na ginamit sa mga taludturan
    2. Pagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari
    3. Paglalarawan sa isang bahagi ng buhay ng mga tauhan
    4. Pagbibigay ng pagpapakahulugan sa mga isinasalaysay sa mga saknong

IKATLONG KATLONG TAON

A. Wika
    1. Berbal at di-berbal na komunikasyon
    2. Iba pang uri ng pang-abay
    3. Pantukoy at pangatnig
    4. Pagsulat ng term paper

B. Panitikan
    1. Pagsusuri kung ang pahayag ay wasto o hindi batay sa binasang akda
    2. Pagtukoy sa mga elemento ng tula
    3.Pagkilala sa tunggalian ng mga tauhan sa kwento
    4. Paghinuha sa maaaring wakas/kalalabasan ng akda
    5. Pagtukoy sa konseptong napapaloob sa tula

C. Pagsulat ng editoryal

D. Mapanuring pag-aaral sa akdang Florante at Laura Aralin 20-28
    1.
Pagbubuod sa mga saknong/aralin
    2. Pagkilala sa mga paraan ng pagsasalaysay  na gamit ng akda
    3. Pagtukoy sa iba't ibang pananaw o pagtingin
       a. Pananaw na Humanistiko
       b. Pananaw na Klasisismo
       c. Pananaw na Naturalistiko

Mga Reperensya

       --Florante at Laura ni Francisco Balagtas
      
       --Pluma at Panitikan II
             Arlene G. Baysa et. al
            
       -- Ang Bagong Filipino Ngayon II
             Bagong Edisyon
             Teresita Arceo at Teresita Anastacio

       --Daloy ng Diwa II
             Bagong Edisyon
             Lilibeth Dayrit Monton et.al

       --Ang Bagong Filipino sa Hayskul II
             Emma Alegre

Create a free website at Webs.com