FILIPINO- BAYTANG 4





LA SALLE COLLEGE ANTIPOLO
Home

My Blog

mga larawan

Guestbook

usap tayo

FILIPINO- BAYTANG 5

FILIPINO- BAYTANG 6

Filipino- Baytang 6 Saklaw ng Pagkakasunud- sunod ng mga Arallin

DESKRIPSYON NG KURSO

 

                 Ang asignaturang FILIPINO 6 ay pinagsanib na aralin sa wika at pagbasa. Inaasahan nitong malinang ang iba’t ibang kasanayan sa pakikipagtalastasan tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat gayundin ng mapanuring pag-iisip.

                 Ang mga paksa, gawain at pagsasanay ay sadyang iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang maging makabuluhan, kawili-wili

at napapanahon ang pagkatuto.Nagtataglay ito ng mga pilimpiling akdang pampanitikang sumasalamin sa realidad ng buhay at kapupulutan ng mahahalagang aral.

                Upang higit na maging makabuluhan ang pagkatuto, ang mga aralin ay pinagsikapang maiugnay sa iba’t ibang asignaturang sakop ng MAKABAYAN, Agham at Edukasyon sa Wastong Pag-uugali.

                Ang mga pagsasanay ay nahahati sa iba’t ibang antas na naaangkop sa kakayahan at kahandaan ng mga mag-aaral. Kalakip ng bawat aralin ang mga pagpapahalagang pangkatauhan na naglalayong makalinang ng mga mamamayang matalino sa pagpapasya, may mabuting kalooban at inaasahang magiging kapaki-pakinabang sa kapwa at sa bayan. 

 

SAKLAW NG PAGKAKASUNUD-SUNOD NG MGA ARALIN

Taong 2006-2007


I.                     Unang Katlong Taon 

A.    
WIKA

 1.      Parirala at Sugnay

 2.      Pangungusap

a.      uri ayon sa gamit

b.      uri ayon sa pagkakabuo

c.      bahagi ng pangungusap

d.      ayos ng pangungusap

e.      uri ng pangungusap

 3.      Pangngalan

a.      kayarian

b.      pananda

c.      gamit

d.      kaukulan

 4.      Panghalip

a.      uri

b.      panauhan

c.      kaukulan

B.     PAGBASA

a.      nababasa ang tula nang may wastong hinto, bigkas at damdamin

b.      natutukoy ang kasingkahulugan at kasalungat ng makabuluhang salita sa tula

c.      nakapagpapahayag nang wasto at mabisa

d.      nasusuri ang pangungusap at napipili ang salitang nagpapamali sa diwa nito

e.      nasasagot ang tiyak na tanong tungkol sa detalye, kahulugan at matalinghagang salita

f.        napaghahambing at natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba sa bigkas ng salita

g.      natutukoy ang damdamin at katangian ng bawat tauhan

h.      naibibigay  ang detalye, tauhan at kanilang katangian

i.        nabibigyan ng mahusay na wakas ang tuwiran at di-tuwirang pahayag

j.         nakabubuo ng balangkas tungkol sa isang talambuhay

k.      napipili ang tamang kalalabasan ng pangyayari sa pahayag

l.         nailalarwan ang pangunahing tauhannauunawaan ang akda nang mahusay

II.                   IKALAWANG KATLONG TAON

A.     WIKA 

1.      Pandiwa

a.      pagbabanghay

b.      uri

c.      tinig

d.      pokus

2.      Pang-uri

a.      mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat

b.      anyo

c.      pag-uuri-uri

d.      gamit

e.      kaantasan 

3.      Pang-abay

a.      pagkakaiba ng pang-abay at pang-uri

b.      uri

c.      kaanyuan

d.      kaantasan
 

B.     PAGBASA

a.      napipili ang kasingkahulugan ng may salungguhit at                         

ang magkakasingkahulugan sa pangkat ng mga salita

b.      napipili ang hindi kabilang sa mga sagot sa bawat

      tanong

c.      napagsusunud-sunod ang pangyayari nang tama

d.      nabubuo ang salitang magpapawasto sa diwa ng pangungusap

e.      nakasusunod sa panuto nang wasto

f.        naibibigay ang matalinong hinuha sa pahayag

g.      nasusuri ang pahayag kung katotohanan o opinion

h.      nasusuri ang mga pahayag kung naganap sa akda

i.        naibibigay ang mga tiyak na sagot para sa inilalarawan

j.         napauunlad ang sariling bokabularyo

k.      nasasagot ang mga tanong tungkol sa katangian ng tula at tayutay
 

III.                  IKATLONG KATLONG TAON

A.     WIKA 

1.      Pang-angkop

 

2.      Pangatnig

 

3.      Pang-ukol

 

4.      Pagsulat ng Balita

 

5.      Paggawa ng Tula

 

6.      Liham

a.      pangkaibigan

b.      pangangalakal

 

B.     PAGBASA

 

              a. naibibigay ang detalye ng alamat

              b. nahahatulan ang pahayag kung katotohanan o opinion 

                  lamang

              c. nakapagbibigay ng wastong hinuha ng pangyayari

              d. nauunawaan ang tamang pagpapahayag ng panawagan o

                  kahilingan

              e. nauunawaan ang mensahe na nais iparating ng may-akda

              f.  napipili kung sino ang inilalarawang tauhan ng pahayag

              g. natatapos ang pangungusap sa pagsulat ng salitang

                  angkop sa diwa nito

              h. nabubuo ang character web ng pangunahing tauhan









© 2006 All Rights Reserved.  

Make a free website at Freewebs.com