♥ Pag-Ibig ♥


Ang hirap pala talagang ma-inlove noh? Sabi nila eh ito daw ang pinakamasayang pakiramdam sa lahat. Kapag daw inlove ka ay para ka nang nasa langit. Oo nga…tama yun pero kalakip ng kasiyahang dulot nito ay ang matinding pag-aalala, takot at kung anu-ano pa.


Ilang beses na rin ako nahulog sa maling tao. Ewan ko ba kung bakit ganun! May kaklase ako noon…hindi talaga kami magkasundo pero nang lumaon ay nagustuhan ko na ang kanyang presensya. Nalaman ko na masaya pala siyang kasama. Kahit nga sa mga corny jokes niya eh ang lakas kong tumawa. Mahilig din siyang kumanta. Malambing. Nagulat na lang ako isang araw nang magtanong siya kung pwede daw bang manligaw. E ako naman, deadma kasi nga kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya at hindi na hihigit pa. Doon ako nagkamali dahil isang araw natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nadedevelop sa kanya. Paano ba naming hindi? Eh ang bait bait niya sakin tapos sa iskul lagi kaming tinutukso. Pero hinde ko sinabi sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko. Tahimik lang ako. Natatakot din kasi ako na baka hindi siya talagang seryoso sa akin. Malay mo diba? Haaaay…Di nagtagal ay kinailangan nilang lumipat ng tirahan kaya nagkahiwalay kami. Nawala ang komunikasyon pagitan sa aming dalawa.


Pagdating ko ng bahay isang hapon, sinagot ko ang nagriring na telepono. Nagulat ako ng marining ko ang boses niya. Matinding tuwa ang aking nadama. Nagkumustahan kami, nagkuhanan ng cellphone numbers. Lagi kaming naguusap sa telepono. Namiss ko siya ng sobra. Minsan tinanong niya uli ako kung pwede uli manligaw. Ako naman tatanga tanga..humindi ako. Eh kasi ayoko ng long distance relationships. Pag ganun kasi parang di totoo. Kayo nga pero malay mo ba kung ano ginagawa niya doon. Ang dami kong arte noh? Kaya ngayon, magkaibigan pa rin kami. Masaya na ako doon. 


Matagal tagal din ang lumipas na panahon nang dumating si *toot* sa buhay ko. Naging super mega close friends kami. Lahat ng tungkol sakin tanungin mo at siguradong masasagot niya yun. Mas close pa yata kami kaysa sa bestfriend ko eh. Mabait siya, masayahin at makulit. Nakakatuwa din ang boses niya kasi andami niyang nagagayang boses ng sikat na tao/character. Pinaka astig pa nga doon yung kay Scooby Doo eh! Haha. Siya ang clown ko. Kapag malungkot ako lagi siyang nandyan para patawanin ako. Tumagal tagal ay nakaramdam ako ng kakaiba para sa kanya. Parang katulad noong sa kaklase ko pero sabi ko sa sarili ko “Naku, kala mo lang yan noh. Masaya ka lang talaga.” Pero hindi eh, iba talaga. Hindi ko sinabi yun sa kanya. Ayoko. Nahihiya ako. Wala akong sapat na lakas ng loob para masabi yun sa kanya. Isa pa ayokong masira ang pagkakaibigan namin tsaka kakahiwalay lang nila ng girlfriend niya. Dyahe noh? Ilang araw ang nakalipas, may kinuwento siya sa akin na babae na nagugustuhan niya. Mahal niya daw yata. Natameme ako noon. Inde ako nakapagsalita. Matagal bago napasok sa utak ko yung mga sinabi niya sa akin. Maiiyak na nga ako noon eh, sinabi ko na lang napuwing ako kahit wala namang hangin. Sobrang nalungkot ako noon. Para kong pinagsakluban ng langit at lupa. Maraming nakapansin ng pagkatamlay ko. Wala akong pinagsabihan ng dahilan ng kalungkutan ko. Ayoko ng may makaalam pang iba. Issue pa yun eh. Isang araw, nalaman ko na sila nap ala nung babaeng kinukwento niya. Kahit alam kong mangyayari na talaga yun eh hindi pa rin ako makapaniwala. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Ganyan talaga eh…ang tanging nagawa ko na lang ay ang maging masaya para sa kanilang dalawa dahil yun ang dapat. Ginawa ko ang lahat para maging busy ako nang sa ganoon ay makalimutan ko siya. At yun nga ang nangyari, nawala siya sa isip ko pero hinding hindi ko siya makakalimutan. Kailanman.


Tsaka naman dumating si *beep*. Naging close kami sa pagchachat. Lagi na kaming magkatext at magkausap sa telepono. Masaya rin siyang kasama. Parang nakakalimutan ko lahat ng problema ko kapag siya ang kasama ko. Ang turing ko sa kanya ay Kuya ko kasi mas matanda siya sa akin. Ang ganda ng boses niya. Sobra. Minsan natanong na lang niya kung naisip ko daw ba na pwede kaming madevelop sa isa’t isa. Syempre sagot kaagad ako ng NO kasi nga Kuya ang tingin ko sa kanya.Sa pangalawang pagkakataon, nagkamali na naman ako. Tama sila. Huwag kang magsasalita ng tapos dahil habang tumatagal eh kinikilig na ako tuwing magkasama at magkausap kami. Lagi kong hinihintay ang mga tawag niya. Inaabot na nga kami ng umaga sa pag-uusap lang eh. Minsan, nagging seryoso ang pag-uusap naming at nag-open up ako sa kanya, ewan ko na lang kung paano niya yun napagawa sa akin. Nasabi ko tuloy sa kanya na I’m feeling something very special for him. Kahiya nga eh. Haha. Hulaan mo kung ano sinabi niya…”Woah! Cool!” Sa isip ko “ha? Anong pacool-cool ka pa dian?” Para bang hindi seryoso. Tapos sumeryoso uli yung mukha niya. Sabi niya sa akin nasakatan daw siya nung sinabi kong NO nung tinanong niya kung pwede ba kami madevelop sa isa’t isa. Napakabrutal ko naman daw. Haha. Para ngang “kami” na pero hindi talaga. Ang gulo noh? Nalaman ko na lamang na sinagot na siya noong babaeng nililigawan niya. Bigla akong nalungkot. Paa bang gusto kong magselos…pero sino ba naman ako para gawin yun? Ano niya ba ako? Ang pagkakamali ko lang ay umasa ako.


Bakit ganun? Kung ano pa yung nagpapasaya sayo ay yun din ang siyang magdadala ng matinding kalungkutan sa buhay mo. Masaya ako pero sa isang iglap ay mapapalitan ito ng sobrang kalungkutan. Yung klase na hindi ka titigil sa pag-iyak. Lagi na lang akong nasasaktan. Minsan parang gusto ko ng sumuko. Nag-a-advice ako sa iba pero sa sarili ko ay hindi ko ma-i-apply. Buhay nga naman oh. Kay raming pagsubok. Buti na lang may mga kaibigan pa rin akong maaasahan at naniniwala rin akong darating din ang para sa akin…..


Sana lang hindi ako mapagod kakahintay sa kanya…. 




Kym Ysabel Golla
July 03, 2005