| |

NAVIGATION
|
|
|
|
|
My
story began on feb 12,'05 pagkatanda ko sabado ito kahit tignan mo pa
sa kalendaryo, siempre eto ang date na hindi ko malilimutan, bandang
hapon ng gabi yon sa tambayan namin sa isang internet shop sa likod ng
ue caloocan, nagyaya ang mga barkada ko na maglaro ng rose online, isa
siyang kilalang game noon. Siempre dahil tambayan namin yun maiingay
kami puro sigawan puro kantyawan kwento dito kwento doon at habang
naglalaro ako kasama ng iba ko pang mga kaibigan bigla na lang ako
napatingin sa pintuan pero wala namang pumasok na costumer siempre ako
naman tuloy sa paglalaro pero ng lumingon ulit ako sa pintuan biglang
may pumasok na babae cute siya, maganda at chinita. Bigla kong
naramdaman na hindi ko maipaliwanag, tinanong ng babae sa clerk kung
may bakante pa at sinabi ng clerk ay oo meron pa at bigla na lang siya
tinuro sa isang bakanteng lugar katabi ng kaibigan ko na naglalaro din.
So, i message my friend through the game that "i like the girl who is
sitting right next to you" and he said "where?" and i replied "right
beside you!", so he looked left and right to make a glympse of the girl
and when he saw her my friend immediately said to me that "she's pretty
and beautiful!!", so after that my friend called the clerk whom we know
told her that i like the girl who is sitting right next to my friend,
and after that the clerk shouted quitely that i like the girl and kept
saying my name over and over, buti na lang at medyo maingay sa loob ng
shop. I was nervous at that time bcoz the girl might hear her at
biglang tanungin kung sino yung lalake na sinasabi ng clerk, and lucky
for me she is wearing an earphone which is hard for her to hear it very
clearly ^_^ hehe, Pagkatapos ng kantyawan siempre naglaro na lang ako
at hindi na lang isipin yung girl at naka-focus na lang sa game na
nilalaro ko. Lumipas ang oras at lumipat ng rin ng upuan yung friend ko
na naglalaro din para mapag-usapan yung girl, sabi ko naman laro na
lang tayo. Pero noong paglingon ko sa kanya wala na siya sa kinauupuan
niya, inisip ko na lang na tapos na siyang gumamit ng computer at
umalis na, but as soon as i looked at my monitor there she was the girl
iam looking for sitting next to me and i never thought the pc right
next to me is vacant, and i told the clerk what happened and she told
me that the pc she's using is broken and hanged, kaya pala lumipat eh
nasira yung ginagamit niyang computer at tinuro ng clerk na umupo
malapit sa akin. Lumipas na naman ng
ilang oras eh hindi pa rin siya tumatayo at ilang oras na rin akong
naglalaro dahil nga enjoy ako noong time na yun, palingon-lingon pa nga
ako sa kanyapara lang makita siya eh at one time kinausap ko yung nasa
tabi niya na friend ko rin at kunwari ay may sinasabi ako sa kanya ^_^
hehe, medyo napapansin niya na palingon-lingon ako dahil napansin ko sa
mga mata niya na tinitignan niya ako kaya behave na ako at focus na
lang ulit ako sa nilalaro kong game. After a long hours of waiting i
have to make a move na kahit simpleng hi or hello lang eh may masabi
ako sa kanya pero ng sasabihin ko na eh tumayo na siya papunta sa
counter at umalis and then i said to myself maybe that is the last time
ill see her and maybe she has a date.
|
|
|
|
Nang
gabing yun hindi ko pa rin siya nalilimutan and im still thinking of
her at sabi ko bukas mawawala din to, pero lumipas ang araw hindi ko pa
rin siya matanggal sa isip ko, umabot na ng isang lingo eh
hinahanap-hanap ko na siya and since that day lagi na lang ako
gina-gabi kung umuwi sa amin and hoping na minsan eh mapadaan siya
ulit. Days, weeks and a month have passed pero wala pa rin siya lagi ko
na ngang tinitignan yung pinto sa shop at nagbabakasakali na siya ang
pumasok. Then one day on march 22nd, siempre my usual day tambay sa
shop then laro ng games at kwentuhan ng mga barkada, i was sitting near
the stairs watching my friends play when suddenly the door opened and
there she was wearing a pink dress and blue jeans .. Gosh she's really
beautiful, ako naman kunwari hindi ko siya napansin at tuloy pa rin ako
sa kwentuhan naming mga barkada, si jannet naman binibiro niya pa ako
dahil nandyan daw yung crush ko sabi ko naman oo napansin ko, then
umupo siya malapit sa kabarkada ko dahil nga gagamit siya ng computer
ako naman eh hindi mapalagay dahil matagal ko na siyang hindi nakikita
kaya naman para akong batang makulit na hindi mapakali ^_^ hehe.
Karamihan sa barkada ko eh hindi nila alam na may secret crush ako sa
girl na yon and they keep on playing at nagkukwentuhan na lang sila ng
kung anu-ano habang naglalaro, ako naman tahimik at walang imik sa
isang tabi minsan patu-tayo ako para hindi ako mapansin ng barkada.
Then tinopak si jannet at bigla na lang niyang sinabi sa barkada na
nandito daw yung crush ko, eh siempre narinig nilang lahat yon dahil
medyo gabi na at konti ang costumer, eh di naghihiyawan sila at
nagpaparinig doon sa girl, panay ang biro nila sa akin kaya naman ako
eh medyo nahihiya na dahil dinig na dinig yon sa buong shop. Hindi ko
na lang sila pinansin at dun ako nakaupo sa isang tabi, tahimik at
walang magawa, ngunit hindi ko talaga matiis at sumulyap na lang ako ng
tingin sa kanya ang ganda niya talaga ang sabi ko. Tulad ng dati umalis
na siya na hindi ko man lang siya nababati .. ewan ko at bigla na lang
ako na-torpe kaya habang papa-alis na siya eh tinignan ko na lang siya
ng maige at pa-smile pa siyang umalis at yun na ang last na nakita ko
siya.
|
|
|
|
| Matagal-tagal
din na hindi ko na siya na-iisip at na-aalala dahil na rin siguro ay
naging abala ako sa aking pag-aaral, dahil finals na at naging busy na
rin ako sa mga exams ko sa school. Lumipas ang ilang buwan ..
enrollment na naman balik ulit sa school at gaya ng dati tambay ulit
para magkita-kita ulit ang mga tropa. One month akong ganun then one
night naisipan kong manood ng movie na na-download ng brother ko sa
aming computer the title is "My Sassy Girl", sa una akala ko hindi siya
maganda panoorin pero hindi pala. Nang natapos na yung movie eh bigla
ko na naman siyang na-isip dahil yung babae sa movie ay medyo may
pagkahawig sa kanya tsinita at maganda. Kaya simula na naman ulit ng
aking kalbaryo sa pag-iisip sa kanya. So, hanggang ngayon siya pa rin
ang nasa isip ko kaya gumawa ako ng paraan para makilala siya, hinanap
at pinagtanungan ko yung barkada niya yung mga friends niya na kung
pede ko ba siyang makilala ngunit lahat yata sila eh inisnab ako at
hindi na nag-reply. Humingi ako ng mga advices sa mga kakilala kong
babae lahat sila iba-iba ang sagot iba-iba rin ang mga advices nila,
halos lahat yata ng paraan eh ginawa ko na ngunit hanggang ngayon eh
bigo pa rin ako. Kaya napagisip-isip ko na i-broadcast sa buong mundo
ang aking istorya katulad ng ginawa nung lalake na nasa movie na
napanood ko at may isa akong friend na naging inspirasyon ko para
magawa ko ito. So, heto ulit ako balik sa realidad ng mundo, na hindi
ko na siya makikilala o makita man lang sa personal ulit, pero masaya
na rin ako sa kanya dahil na rin siguro ay alam ko na masaya na rin
siya sa mahal niya ngayon, siguro kung ako yung taong yon eh ako na
marahil ang pinakamasayang tao sa buong mundo ^_^. Hanggang dito na
lang ang aking istorya kaya kung mabasa man niya ito eh gusto ko lang
na maihatid sa kanya kung paano niya ako pinasaya sa mga nagdaan na
panahon na nakita ko siya at yung mga obstacles na dinaanan ko at kung
paano kita mabubura sa isip ko. But the question is .. is it really
gone? |
|
|
|
“Its hard to let go of someone who has touched your life, but it hurts more to let go of someone who was never been yours yet changed your life the most…”
"kahit isang saglit .. makita at makausap ka!"
|
|
© 2005 All Rights Reserved.
Create a
free website at Webs.com
|  |
|