Ang Purina Four Square Program
- Wastong Lahi at Pagpapalahi
Mahalaga ang lahi sa isang nag-aalaga. Nararapat na maganda ang lahi ng aalagaang baboy. Dapat ay tama rin ang pamamaraan ng pagpapalahi. Ang lahi at pamamaraan nito ay may napakalaking epekto sa buhay ng isang magbababoy.
- Wastong Pag-aalaga
Ang paraan ng pangangalaga sa babuyan ay may malaking epekto at direktang relasyon sa tagumpay ng isang magbababoy.
- Wastong Pag-iwas at Pagkonrol sa mga sakit
Kailangan sa isang nag-aalaga ay may kaalaman sa pag-iwas sa mga pangunahing sakit. Mas mura ang pag-iwas kaysa pag-kontrol. Ang pagkokontrol ay ginagawa kapag may sakit na ang baboy at karaniwang mas magastos.
- Wastong Pakain at Pagpapakain ng New & Improved Performance Hog Chow
Hindi lamang basta pagkain ang dapat ibigay sa baboy. Dapat ay iyong masustansiya at balance ang amino acids at enerhiya. Dapat ay may sinusunod ding programa sa pagpapakain.
Ang apat na ito ay magkakasama. Ang tagumpay ng pagbababuyan ay nakasalalay sa wastong pagsunod sa Purina Four Square Program.
Makakatulong nang malaki ang kaalaman ng isang nag-aalaga sa iba’t ibang lahi ng baboy at mga katangian nito para sa isang maunlad na pagbababuyan.