"building peace and upholding justice "

The young people are rights holder of PEACE. They have the right to claim peace. They can hold the duty bearers accountable to them for not having peace.

OPISYAL NA PAMAMAHAYAG SA ARAW NG KABABAIHAN

ALYANSA NG KABATAANG MINDANAO PARA SA KAPAYAPAAN (AKMK)

OPISYAL NA PAMAMAHAYAG SA ARAW NG KABABAIHAN

Pagsaludo sa Kababaihan: Bakahin ang Pang-aapi! Lansagin ang Karahasan! Pandayin Makatarungang Lipunan!

Ating pagsaludo sa mga magigiting na mga Kababaihan ng Mindanao, ng Pilipinas at ng Mundo!

Masalimuot ang lipunang umiiral sa ngayon! Samot’ saring suliranin ang kinakaharap ng sambayanan at damang-dama ito ng lahat ng seksyon ng lipunan lalo na ng mga kabataan at mga kababaihan. Andyan ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya na nagbunga ng pagkatanggal ng milyon-milyong manggagawa sa kanilang mga trabaho lalo na ang mga Overseas Filipino Workers, mga pilit tinatakpang mga anomalya at malawakang kurapsyon ng rehimeng Arroyo at mga alyado nito, karahasang idinulot ng mga Dayuhang Tropang Militar sa bansa, ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin habang wala namang hakbang upang itaas ang sahod ng mga manggagawa, ang mga maka-dayuhang batas at panukala ng gobyerno sa larangan ng pagkain, kalikasan, at ekonomiya, at ang pinaka-masaklap ay ang gyerang patuloy pa rin dito sa Mindanao sa pagitan ng armadong tropa ng Pilipinas at MILF. Isang gyerang kumitil ng daan-dang buhay, nagpalikas ng libu-libong inosenteng sibilyan at sumiira ng bilyon-bilyong ari-arian at kabuhayan. Sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang sigalot na dulot ng pakikibaka sa karapatan sa sariling pagpapasya ng mga Bangsamoro na pilit namang pinaglalaruan ng maka-elitistang pamahalaan.

Sa masalimuot na panlipunang kalagayang ito, ang mga kababaihan ang mas nahihirapan. Sila ang pinaka-bolnerableng maging biktima ng karahasan sa tahanan, lipunan, paaralan, pagawaan at saan-saan pa. Sa kabuuan, hindi lubusang malaya ang sektor ng kababaihan sa konstekto ng kasalukuyang sistema ng lipunan.

Sa pakikibaka upang mapangahas na hamunin ang sistema ng lipunan, hinding hindi maaaring magkahiwalay ang kilusan ng kababaihan at ng mga kabataan. Sa sinapupunan ng mga kababaihan ipinunla at dumaan ang mga kabataang magpapatuloy sa gawaing pagbabago. Ang mga kabataang bayani at martir tulad nina Andres Bonifacio, Jose Rizal, Che Guevara, Lean Alejandro at iba pa ay unang natoto sa buhay sa kanlungan ng mga kauri nina Gabriela Silang, Melchora Aquino, Lorena Barros, Rosa Luxemburg at marami pang iba. Talagang magkaugnay ang kilusang pakikibaka ng mga kababaihan at ng mga kabataan, lalo na sa hanay ng mga aping uri.

Sa ika-8 ng Marso, sa kapanahunan ng ika-98 Pandaigdigang Araw ng Kababaihan at ika-20 Pambansang Buwan ng Kababaihan sa buong buwan ng Marso 2009, ang Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan (AKMK) ay nakikiisa sa pakikibaka ng kababaihan laban sa karahasan, kahirapan, katiwalian at pang-aapi. Sinasaluduhan namin ang lahat ng kababaihang nag-alay ng kanilang galing, panahon, buhay at lakas upang isulong ang kapayapaan at pagbabago. Silang mga magigiting na nakilahok at nakikiisa upang bakahin ang pang-aapi, lansagin ang karahasan at pandayin ang makatarungang lipunan ay nararapat pag-alayan ng isang pagpupugay.

 

Naniniwala ang AKMK at mga kabataan na katuwang namin ang kababaihang iniirog at sinisinta ng sambayanan! Kababaihang may dala ng liwanag sa karimlan!

 

Mabuhay ang Kababaihang Lumad, Bangsamoro, at Migrante ng Mindanao! Babae, May Talino ka at Lakas! Kumilos at Magpumiglas! Pandayin ang Makatarungang Bukas!

Viva Las Hermanas para Libertad!

 

VALTIMORE B. FENIS

Secretary General

AKMK

 

KAHIRAPAN, KAPAYAPAAN AT ANG KABATAAN

Ang kasaysayan ang nagsasabing napakalaki ng papael na ginagampanan ng mga kabataan sa pagkamit ng kapayapaan at pagbabago at sa pagsibol ng isang makatarungang lipunan. Ito’y napatunayan na sa lahat ng mga pangyayari sa kasaysayan. Ang sabi nga, silang mga kabataan ang ahitador ng pagbabago at ang pag-asa ng bayan.

 

Ayon sa mga pagtitipon, pag-uusap at maging sa mga pananaliksik, ang kabataan ay walang ibang hinagad kundi ang magkaroon ng payapa, malaya, makatarungan at masaganang lipunan, Kung saan mamumuhay silang produktibo at kapakipakinabang. Subalit, ang mga kabataang ito na sangkap sa tapang, tatag, liksi, bukas sa mga bagong ideya at pagkamalikhain ay nahaharap sa walang saysay na kinabukasan. Anong bukas kaya ang haharapin ng mga kabataang nagnanais ng marangyang buhay sa hinaharap, kung digmaan, kasakiman at pagkagahaman, inhustisya at kahirapan ang kanilang kinamulatan at naging kalaro? Ang mga ito ang maghahatid sa mga kabataan sa miserableng bukas. Ang masaklap, kilala ang Pilipinas sa pagkamayaman sa likas na yaman, subalit kumakalamang sikmura ng taumbayan sa harap ng grasya at biyaya.

 

Sakabila ng mga hamong ito, napagpasyahan ng mga kabataang Mindanao na pag-isahin ang mga pagkilos, bigyan ng buhay ang mga pakikibaka ng mga naunang kabataan, at lumahok sa mga pagkilos upang pandayin ang isang payapang Mindanao. Ito ang adhikaing nagluwal sa Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan (AKMK), isang alyansa ng mga organisasyon ng mga kabataan sa Mindanao na handang kumilos upang kamtin ang isang pinapangarap na mapayapang Mindanao.

 

ANO NGA BA ANG KAPAYAPAAN PARA SA AKMK?

 

Ang usaping kapayapaan para sa AKMK ay isang pangkalahatang usapin. Hindi lamang kawalan ng digmaan at putukan, kundi ang pagkakaroon ng respeto, hustisya at pagkilala sa mga karapatan ng bawat mamamayan. May kapayapan kung wakas na ang kahirapan, kung manumbalik ang sigla ng kalikasan, kung umiiral na ang pagkakapantay-pantay at hustisya at kung natatamasa na ng mga Moro at Mamamayang Lumad ang kanilang Karapatan sa Sariling Pagpapasya. May kapayapaan kung ang sistema ng edukasyon ay naangkop sa panlipunang pagtugon at ang mga serbisyong panlipunan ay nakakarating na sa lahat. Higit salahat,may kapayapaan kung ang mga magsasaka ay may lupa na at ang mga manggagawa ay masaganang namumuhay at binibigyan ng malaking papel sa lipunan.

 

Ang mga pagkilos at hakbang ng AKMK ay naaayon sa linya ng mga panawagang ito, kaya’t nag lunsad ang AKMK ng iba’t-ibang mga pagtitipon upang palakasin ang mga nasabing mga layunin. Sa kasalukuyan, tuloy pa rin ang AKMK bilangisang alyansa sa mga simulain nito. Hindi hadlang at sagabal ang mga hamon sa kasalukuyang panahon upang isulong ng alyansa ng kanyang mga adhikain at mga pinaniniwalaan. 

On the Recent Bombings

Masidhing kahirapan, gutom, kawalan na kabuhayan, kurapsyon, pandaraya, digmaan at iba pang suliraning panlipunan-ito ang sumasalarawan sa Pilipinas,makikita at mararanasan sa makulay na lupang pangako, ang Mindanao. Ang maslimuot na kalagayang ito ang nagpa-igting sa panawagang wakasan ang sistemang umiiral sa kasalukuyan na kakambal ay pagkagahaman, pagka-di-pantay-pantay, giyera, karahasan, kawalan ng ganap na demokrasya at kawalan ng kapayapaan…

 

Bomba! BOOM! Aray! Patay! Dugo! Terorista! Iyak at hiyawan ng mga inosenteng sugatan… ito ang eksenang madalas na nangyayari sa panahon ng mga pagpapasabog o pambobomba, ng mga sinasabing rebeldeng terorista,ng mga bandido, o  maaaring kagagawan mismo ng gobyerno. Pawang mga inosenteng sibilyan ang nagiging biktima, mga walang kalaban-laban na mga bata, matatanda, kababaihan, at iba pa.

 

Ang Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan ay matatag na kumukondena sa mga hakbang na nagiging sagabal sa paglikha ng bagong Mindanao, kung saan may kalayaan, kapayapaan, kasaganaan at katarungan. Naging laman ng mga pahayagan, usapin sa dyaryo at radyo ang mga hiwalay na mga pagsabog nitong mg huling araw sa Cotabato City, Makilala at Tacurong. Ang mga pagsabog na ito ay pumatay ng 30 ka tao at may higit 40 na sugatan.

 

Hindi ito simpleng pambobomba lamang.  Ang AKMK ay may mga anggulong tinitingnan sa kasong ito. Una, maaring ito’y gawa ng estado upang lalong pa-igtingin ang teroristang atake ng sa ganoon ay maipasa ang Anti-Terrorism Bill. Bakit agad-agaran na binigkas ni Gen. Esperon na suportahan at ipasa ang naturang panukala, nang kapanayamin siya ng media? Pangalawa, maaari din na  ito’y paghahanda o depensa ng pamahalaan sa naantalang pag-uusap pangkapayapaan sa pagitan ng GRP-MILF. Painitin ang mamamayan upang magkaroon ng pagkawatak-watak sa pananaw at pormasyon, subalit itong paraan na ito ay maaari ding mas magpapatibay pa sa hanay ng MILF. Ang anggulong Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah ay tinitingnan nating posible subalit malayo din. Banal para sa mga Muslim ang Buwan ng Ramadhan. Ang puntong Anti-Insurgency ng pamahalaang Arroyo ay pwede rin. Mas ipamukha sa taumbayan na ang kasalukuyang administrasyon ay matatag at walang takot na maglinis sa daang tinatahak nito, tamang-tama sa pagsampa ng kaso sa mga sinasabing kasangkot sa Febraury 2006…parang sinasadya…

 

S.a isang banda, tinitingnan din natin ang partisipasyon ng Amerika dito. Ang bansang nagpupumilit na ipasa na ng Pilipinas ang Anti-Terror Bill upang labanan ang mga sinasabing terorista. Hindi kaya, dahilan ay upang ilihis ang atensyon ng buong mundo sa panganib na dinadanas ngayon ng administrayon ni Bush at ng Republican Block sa nalalapit na eleksyon sa Amerika? At ang posibilidad na paglikha ng gulo, takot at karahasan upang ang NO-EL ng rehimeng Arroyo ay walang sablay na matupad, maari ding isang bagay na dapat pagtuonan ng pansin.

 

Aba, may nawawalang usapin yata, nasaan na si JocJoc? Ang CHA-CHA, baka dahan-dahan nang gumagapang? Ang Subic Rape Case? At ang pagka-illegetimate ni GMA? Teka lang, hindi kaya, iisa lang ang may kagagawan ng kagluhang ito? At gustong isaklaw ang lahat na usapin at natural dapat pabor sa kanya o kanila ang resulta… Pwede?  Pwede!

 

Kung anuman ang dahilan at gustong ipahiwatig ng mga pangyayaring ito, ang AKMK ay nagkakaisang naninindigan! Itigil na ang Karahasan! Itigil na ang pagpatay at paghiganti! Itigil na nag putukan! Ang Kapayapaan ay Karapatan naming mga Kabataan! Karapatan nating Lahat!

 

 

 

 

WHAT IS PEACE?

 

v     Peace is an absolute term, and thus a universal condition.

v     Peace is harmony, respect and coexistence (Cognitions of  Peace in Mindanao, DJ Manubag, MSU-IIT)

v     It is more than the absence of conflict like social, economic and political development, respect for human rights, cooperation, sustainable development, justice, harmony with nature coexistence and others.

v     Not limited to the absence of war but also covered inequities, human rights, poverty and structural violence as well as all aspects of human existence.

 

Two components of Peace

 

v     Personal peace- comes from within the person

v     Communal Peace- relationship between peoples

 

However, the two are interconnected, as it is impossible to attain communal peace without personal peace.

 

Personal peace may actually result from social peace and social peace may actually result from inner calm and contentment.

 

The four components of personal Peace

 

Letting go of our prejudices, doubts, hatred, inner turmoil, intolerance, and similar negative feelings will help us attain personal peace.

  1. Harmony with Self. This is related to an individual’s physical, emotional, psychological and mental health. This, of course, is related to the financial stability, as one’s ability to meet his basic needs is dependent upon one’s economic status.
  2. Harmony with Others. To the Filipino, everyone is potential kapwa- one with whom one has a shared identity. One’s own peace is very much tied to the peace of one’s kapwa
  3. Harmony with Nature. This particular component is often overlooked. People do not consciously think of their relationship with nature as having an effect on their personal peace. However, it is evident that a peaceful and healthy environment is crucial to our sense of harmony and peace.

4. Harmony with God. For many harmony with God is the foundation of peace, as God is love, and it is love and compassion that will bring us to a better relationship with others, the environment and ourselves.

 

The four components of personal peace illustrate that one’s sense of peace is not detached from that of the other’s and the rest of the world. Peace begins with oneself, but must be extended to and include others, and should be founded basically on love and respect for all creatures and human beings.

 

Peace according to different Religions and Culture

 

v     Among the Islam peace is clearly defined in The Qur’an 8:61

“But if the enemy incline towards peace, do thou (also) incline towards peace.”

v     The Jewish concept of Peace is based on BAMIDBAR RABBAH 11:18

“Peace is priceless, for G-d’s name is shalom.” and

“The Torah is called peace, as it states, Its ways are pleasant ways, and all its paths are peace.” – Proverbs 3:17

v     On the other hand, the old Buddhist texts describe cosmos as a flat disk with heaven above and hell below. Heaven is explained as peace and hell is conflict.

v     The Hebrew Bible that is the Old Testament has used shalom 250 times implying peace while the Greek bible that is the New Testament used the word Irene that is also means peace.

v     Saroj Srivastava of India discussed peace as

v     Harmony with self

v     Harmony with the group

v     Harmony with the nation

v     Harmony with the world

v     Inner peace is how the Hindis understand the concept of peace. It is well described in the poem written by Swami Bhaskarananda

The rulers think that pushing the peace-breakers will bring peace.

The oppressed think that destroying or subduing the enemy nations will create peace.

But the wise say that ever-enduring peace can never be obtained through external means.

One has found inner peace has indeed found peace that abides forever.

Through spiritual discipline alone this peace can be acquired.

One who has found peace within transmits peace to others by one’s own life’s example, though one can be not aware of it.

Therefore, say the wise, may all try to create peace within, before trying to create any temporary or superficial peace in the world through external means.

 

Rights is the Foundations of Peace

 

Peace is not only clearly defined in the different cultures and religions. It is also a right that is to be fulfilled, upheld and defended.

 

RIGHTS?

v     A right may be defined as “ that which a person is entitled to have, to do, or to receive from others, and which is enforceable by law”

v     Human rights are universal legal guarantees protecting individuals and groups against actions and omissions (failures) that affect their freedom and human dignity.

 

Fundamental Principles of Human Rights

v     Human Rights are Universal

v     Human Rights are inalienable

v     Human Rights are interdependent, interrelated and indivisible

v     There should be accountability for rights

v     Participation and claiming rights

 

War and violence result in the denial of civil and political rights, along with economic, social and cultural rights. Scarce resources are used for military expenditures, those who are affected by displacements especially children are denied of their most basic rights. The indigenous people and cultural and religious minority groups are marginalized.

 

 

Enduring peace will only be attained when all human rights are fulfilled.

v     The human right to peace is linked to other human rights-rights that are universal, indivisible, interconnected and interdependent. The human right to peace includes:

v     The human right to freedom from torture and cruel, inhuman treatment or punishment.

v     The human right to freedom from arbitrary arrest, executions, detention, and disappearance.

v     The human right to freedom from genocide, ethnic cleansing and rape as a strategy of war.

v     The human right to protection and assistance to the internally displaced persons and refugees especially the elderly, women, and children.

v     The human right to live by the rule of law.

v     The human right to freedom from violence of all types, inside and outside the home.

v     The human right to freedom from sexual or racial discrimination.

v     The human right to equality between men and women and to full and equal partnership in the family and society.

v     The human right to freedom from poverty.

v     The human right to food, medical care and necessary social services.

v     The human right to a standard of living adequate for health and well-being.

v     The human right to education.

v     The human right of the child to an environment appropriate for his or her physical, mental, and spiritual and moral well-being and development.

v     The human right of all people to full and equal participation in decision-making and efforts aimed at the prevention and resolution of conflicts.

 

 

References:

Cognitions of Peace in Mindanao: the Youth’s Sector Perspective: research study made by Prof Darwin J. Manubag of MSU-Iligan Institute of Tech.; Measuring Systemic Peace CSP Global Conflict Trends http://memebers.aol.com/s\cspmgm/conflict.htm; The Human Right to Peace and Disarmament http://pdhre.org/rights/peace/html; Teaching Peace, Human Rights and Conflict Resolution Teaching Manu and Student’s Manual by PST-UPCIDS

 

PAHAYAG Hinggil sa Busabos na Pamamaslang sa Sulu

Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan (AKMK)
c/o Secretariat' s Office Tubod, Iligan City, Phillippines
email:
akmk_peace@yahoo. com.ph

PAHAYAG Hinggil sa Busabos na Pamamaslang sa Sulu
February 9, 2007

Ang Alyansa ng Kabataang Mindanao para sa Kapayapaan (AKMK) kasama
ang mga miyembrong organisasyon nito ay hayagan at tahasang
kumukondena sa nangyaring massacre sa mga inosenteng sibilyan sa
Sulu na kinabibilangan ng dalwang bata, isang buntis at anim ka tao.

Ayon sa pahayag ng isa sa nakaligtas, may partisipasyon ang mga
tropang Amerikano sa nasabing pagpaslang at nanawagan din siya ng
masinsinan at agarang imbestigasyon hinggil dito.

Bilang nandoon sa pamamaslang at nakaligtas, kredible at hindi gawa-
gawa lamang ang kanyang pahayag. Maaaring ito'y maglagay sa kanya sa
kapahamakan - ang kanyang naging hakbang na ilabas ang lahat ng
kanyang nalalaman. At ang mga pahayag ng testigo ay magkatugma din
sa partisipasyon ng mga dayuhang sundalo sa operasyong militar dito
sa Mindanao at sa Pilipinas sa mga nakalipas na araw, buwan at
taon.

Ilan pa bang Nicole ang ipapagahasa ng gobyerno? Ilan pa bang
mangangahoy ang ipapabaril habang namumulot ng panggatong? Ilang
pamilya at inosenteng sibilyan pa ba ang ipamassacre sa pangalan ng
kontra-terorismong kampanya ni Bush at Arroyo? Ang mga pang-aabusong
ito ang mas nagtutulak sa taumbayan na mag-alsa at maghimagsik. O
talagang sakim lang at ganid sa kapangyarihan ang mga nasa posisyon
kaya lahat ay gagawin huwag lang mapalitan, maging ang buhay man ng
nasasakupan ang kapalit!

Ang Balikatan ay hindi lamang yumurak sa pagka-bansa ng Pilipinas
kundi, ito rin ang pumapatay sa taumbayan, naglikha ng pagkabahala
at takot, pang-aabuso at pang-aapi. Ito ang hayagang pagsawalang-
bahala ng bansang Amerika at Pilipinas sa karapatang pantao at
kapakanan ng mamamayan. Ginagamit ang Balikatan upang takutin ang
hanay na nagsusulong ng pagbabago. Taliwas ito sa isinisiwalit ng
pamahalaan na ito'y pagsasanay lamang at ito'y para sa kapayapaan.
Ang katanungan ngayon, nagkaroon ba ng kapayapaan buhat nang
nagsimula ang Balikatan?

Ang AKMK kasama ang iba pang mga kilusan at organisasyong kumikilos
laban sa Balikatan ay nanawagan ng PAGSUSPENDI sa anumang mukha ng
pagpapakalat ng mga militar sa bansa, US man ito o sundalo ng
Pilipinas kasama na ang pagtutol din sa pagtalaga ng Joint Special
Operations Task Force dito sa Pilipinas. Imbestigahan at papanagutin
ang mga sangkot sa Maimbung, Sulu Massacre. Isa itong
kalapastanganan sa batas ng tao at ng Maylikha! Ang anumang pagkilos
ay sinusupurtahan ng AKMK at mga miyembro nito!

At ang AKMK ay tahasan at buong tapang na nananawagan:

NO TO BALIKATAN!

NO TO FOREIGN TROOPS IN OUR SOIL!

NO TO MILITARY DEPLOYMENT (US or RP)!