Maraming mga ideya ng kuwentong pag-ibig ang tumatakbo sa utak ko mula pa noong kolehiyo ako. At dahil nga aspiring writer ako noon, isinulat ko ang una kong nobela gamit ang spiral notebook at ballpen, kung nobela mang matatawag ang ginawa ko. Hindi ako makapaniwala nang matapos ko 'yon. Ang sarap sa pakiramdam. Kasama ng hapdi ng patung-patong na kalyo sa daliri ay ang pride. Nakagawa rin ako sa wakas!
Magustuhan po sana ninyo ang aking mga likha.
Salamat sa pagbisita.

