Sweet 16 Chronicles

think happy thoughts

malay mo... andyan lang... andyan lang ang hinahanap mo


ano ba meron dito? gusto ko pa sanang pagandahin ang website na to kaso hindi pa sapat ang aking kaalaman sa mga kaartehan ng web page layout at design. maraming pwedeng subject: ekonomiya, pulitika, lipunan, mundo, matematika, agham, teknolohiya, musika, kendi, ice cream, crepe, ulap, kalikasan, langit, lupa, impyerno, monkey monkey anabelle, bato, goma, mani, usok, jollibee, at mga karanasan at bagay na kapupulutan ng aral gaya ng posporo (labo). 

tuloy ka lang, bukas ang pinto ko para sa iyo...


 

†mga kadalasang katanungan†

Q: Sino, ano, saan, bakit, kailan at paano ka?

A: Hindi kita maintindihan

Q: Sensya na, ibig kong sabihin ay Sino ka? Pwede bang ipakilala mo ng sarili mo?

A: Ah! Yun naman pala. Itago mo na lang ako sa pangalang “Llesor”. Ako ay labinsiyam na taong gulang, madaling pakisamahan at mahilig maglakbay.

Q: Nag-aaral ka pa ba? Kung Oo, saan, anong taon at kurso ang kinukuha mo. Kung hindi naman anong ginagawa mo sa buhay?

A: Oo. Mag-aaral na ulit ako, tumigil kasi ako ng anim na buwan dahil nasipa ako sa dati kong paaralan. Nahuli kasi akong nagtutulak sa Alabang Town Center at nagkataong may nakakita sa akin ng mga panahong iyon. Oo, nagtutulak ako ng kariton, nakakasama raw kasi sa reputasyon ng aking pinapasukang kolehiyo kaya sinipa agad ako ng walang sabi-sabi. Nasa ika-apat na taon na ako sa pasukan at ang kinukuha kong kurso ay AB-CDE Major in Letters of the Alphabet. Nung hindi ako nag-aaral ay wala akong ginawa kundi mamirata ng VCD pero hanggang ngayon hindi pa ako nakakabili ng MP3 player.

Q: Ano ang gusto mong maging sa buhay?

A: Madami e hindi ko na mabilang. Gusto ko maging mascot, volunteer, social worker, dubber ng tagalized cartoons, manunulat, atleta, musikero, pintor, artista, negosyante, lucio tan, henry sy, bill gates, pulitiko atbp…

Q: Koreano, Hapon, Tsino o Pilipino ka ba?

A: Oo, Asyano ako.

Q: Ayaw mag-play ng mga CD na binili ko sa’yo, ano ang gagawin ko?

A: Isaksak mo sa ibang player tyak na gagana yan, kung hindi ipapaputol ko ang aking kuko.

Q: Totoo ba lahat ang nakasulat dito?

A: Kailangan mo ng pruweba?
 

Create a free website at Webs.com